Kabanata 24 :Choices

141 15 0
                                    

"Ah masakit! Dahan dahan lang"

"Saglit na lang wag ka malikot"

"Haha wag dyan may kiliti ako hahaha!"

Sinamaan niya ako ng tingin at tumahimik naman ako.

Ei sa may kiliti ako sa likod ng tenga ei.

Natapos na niya ang pang gagamot sakin. Nilagyan niya lamang ng halamang gamot ang mga sugat ko.

"Salamat"

"Walang anuman kaibigan"

Ngumiti siya ng bahagya at inalalayan akong tumayo.

Ginagawa niya talaga ang best niya bilang kaibigan ko.

"Puting bandila ang ating kukunin. At sa pangalawang pagkakataon wag mo na susuwayin ang utos ko para di ka mapahamak"

Hinawakan niya ang kamay ko at nag umpisa na kaming maglakad.

Hawak niya ang bandila namin. At hanggang nasa amin ang bandilang ito malapit kami sa panganib.

Kahit na isa siyang supremo isa parin itong pagsubok na kailangan niyang maging patas.

"Pano kung may isang grupong lumapit para kunin ang bandila natin"

"Kahit ilan pa sila di ko hahayaang makuha nila ito sa atin"

"Ngunit dalawa lamang tayo at sugatan pa ako"

Ginulo niya ang buhok ko at itinaas ang bandilang hawak niya.

"Hanggang nasa tabi mo ko wala ka dapat ikabahala. Mas higit na malakas ako sa kahit sinong bampira mas lamang aking pinag aralan kumpara sa kanila at bihasa ako sa pakikipaglaban. Hangga't kasama mo at nakatayo ang supremong ito di ko hahayaang saktan ng kahit sino ang aking kaibigan"

Di ako makapag salita sa mga sinabi niya. Sobra siyang magpahalaga sa iba. Sa pamilya niya lalo na sa akin na tinuturing niyang kaibigan.

Swerte na ba ako kung tawagin na ang supremong ito ay napaka buti sa akin.

Ngunit kailangan ko ding ilabas sa lugar na ito ang pinaka matalik kong kaibigan.

Ayokong dumating sa puntong mapahamak si Lorraine sa lugar na ito dahil sa akin.

Patawad supremo.

Ako ay pansamantalang kaibigan mo lamang.

"ILAG!"

Hinila ako ni supremo ng maiwasan ko ang pagtama ng isang palaso.

Wala pang isang saglit ay sunod-sunod na ang palasong pumupunta sa aming direksyon.

Tumakbo kami at pilit iniiwasan ang mga palaso.

Imbes na lumayo kami ay tumakbo kami ni supremo sa direksyo kung saan galing ang mga palaso.

Iba't ibang direksyon ngunit sa isang direksyon lamang siya tumuon.

"Kilala ko ang amoy na iyon"

Parang naamoy ko narin ang naaamoy ni supremo. Lalong lumalakas ang amoy sampaguita ng malapit na kami sa direksyon ng palaso.

"Shella"

"Hello my future"

Muling pumana si Shella ngunit nasalo na ni supremo ang kanyang palaso.

"Nice catch supremo"

"Wala kaming oras makipaglaro sau princess Selecha"

"Oh bakit naman? May maganda pa naman akong pa premyo"

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon