Kabanata 38 :Salamat

109 10 0
                                    

"Good morning!"

Bati ni lorraine habang nilalapag ang breakfast namin. Tulog na rin siya kagabi ng makauwi ako mukhang pagod siya sa maghapon na ginawa niya.

"May cooking contest kami kaya gabi narin ako nakauwi kahapon baka mamaya mag practice ulit ako sa kitchen"

"Ganon ba"

Sumimsim siya ng gatas at nagsimula narin ako kumain.

"Galingan mo ha. Balita ko kung sino daw ang mapiling recipe may additional grade at may prize kay superior. Malay mo cash prize"

"Sira! Mukha kang pera eh no?!"

Pera talaga ang naisip niya. Hihingi lang naman to ng balato kung may cash prize nga.

Pang shopping niya lang naman.

"Malay lang naman. Tsaka for sure mananalo ka don. Ang sarap mo kaya mag luto! Kahit nga itlog nag lalasang manok pag ikaw ang nag luto hahaha!"

Napailing na lang ako sa kalokahan niya. Plano ko sana sa birthday niya ay ipag bake siya ng cake.

"Anong plano ng Accountancy Department sa foundation day?"

"Hmmmm... Meron kaming amusement park na gagawin. Actually sa open field siya ilalagay. Nagulat nga ako kasi amusement park sa loob ng Academy?!"

Nagulat din ako sa tinuran ni lorraine. Mukhang exciting talaga ang magaganap next week.

Ano pa ang booth ng ibang department?

Dahil HRM kami naka focus kami sa mga kakainin ng mga estudyante sa event. Ang booth namin ay yung mga restaurant na narito sa loob ng Academy gagawan namin siya ng twist and any design. Happy naman ako sa booth namin kahit di siya ganon ka grande tulad ng kina lorraine.

"Actually sa Architecture department talaga yung booth na amusement park kami lang yung bahala sa mga bawat rides. Kami ang magsisilbing kahera"

"Edi maganda yung faculty niyo ay nakipagtulungan sa ibang department"

More chance of winning kung magtutulungan. Pagandahan din kasi ng booth.

After namin mag breakfast ginawa na namin ang aming routine.

Habang naglalakad kami sa hallway takaw pansin ang mga babaeng kinikilig habang may hawak na box of cookies.

Isang grupo sila ng girls na nasa bench.

"Di ko akalain na makakatanggap tayo sa supremo ng ganito"

Napatigil ako sa paglalakad ng marining ko ang pangalan ni supremo.

Ano kaya ang nakain ng lalaking yon at namigay ng cookies?

"Mukhang ang nalalapit na halloween sa supremo ay valentines day hahaha"

Natawa na lang ako sa joke ni lorraine.

Pumunta na kami sa kanya kanya naming department.

Pagpasok ko sa classroom nakita ko ang umpukan ng babae na nasa tabi ni Shella habang umiiyak. Imbes na pansinin ay umupo na lang ako para hintayin ang prof namin.

"KASALANAN MO TO!"

Napalingon ako sa gawi ni shella ng sumigaw ito. Laking gulat ko ng nakatayo ito at masama ang tingin sakin. Lumapit siya sakin habang namumula ang kanyang mga mata kaya napaatras ako.

Di ko parin nakakalimutang bampira siya at mortal lang ako.

"Dahil sayo ni reject ako ng supremo kagabi! At yung mga cookies na binigay ko pinamigay niya sa iba!!!"

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon