Naging abala ang lahat na parang wala lang ang mga nangyari nung nakaraang araw.
Narito ako para kay mama gagawin ko ang trabaho ko.
Kala ko ay iba si Niccolo yon pala ay mali ang iniisip ko tungkol sa kanya.
Manggagamit siya.
"Make your own authentic recipe. At pag napili yung recipe niyo yon ang ipepresent natin sa foundation day. Di lang additional grades ang matatanggap ng recipe na napili. May gantipala rin mula sa superior. That's all class dismiss"
Inayos ko na ang gamit.
Ang maganda lang sa pagpasok ko dito ay ang nakakapag aral ako. After ng contract ipagpapatuloy ko ito. Someday I will be a professional chef in international crewship. I make my mother proud of me.
Dumiretso ako sa kitchen para mag practice sa recipe na naisip ko.
Mag aaral ako ng mabuti kahit pa na andito ako sa lugar na to.
Nag (mise en place) na ako ng mga dapat kong gagamitin.
A/N: Mise en place- french for"everything in place" or "put in place". Its a way of organizing ingridents prior to the begging of the cooking process.
Gumawa muna ako ng cupcakes for dessert. Yon muna ang naisip ko na i practice ngayon.
Nakakatuwa dahil kompleto sa kitchen namin. Ultimo gamit at ingredients ay di ka mahihirapan. Masaya ako pag nasa kusina ako lalo na pag nagluluto ako. This is my fashion.
Pinaikot ko ang scraper at para di ma bored kumanta ako. Ginawa ko pang microphone ang scraper habang nagluluto.
"O kay sarap sa ilalim ng kalawakan,
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pag mamahalan--------"Naputol ang pagkanta ko ng pag ikot ko sa aking likuran ay mukha ni supremo ang bumungad sakin.
Naibaba ko ang scraper na nakatapat sa aking bibig at umiwas agad ng tingin sa kanya.
Nakakahiya.
Mukha akong baliw.
Tinuloy ko ang aking ginagawa at di na lang siya pinansin. Para saan pa para pansinin siya. Gagawin ko lang yon pag kailangan. Kaya nga ako nasa lugar na ito dahil kailangan niya lang.
"Kanina pa kita hinahanap"
Bakit niya naman ako hinahanap? Pwede naman siya mag utos sa iba para ipatawag ako kung sakaling may gusto siyang iutos sakin.
"Hindi ka kasi pumunta sa SSG Office na madalas mong ginagawa pag dissmisal"
"May ipapatrabaho ka ba sakin?"
"Wala naman"
"Oh yon naman pala para san pa kung pupunta ako don?"
"K-kasi kahit di ko iutos dinadalhan mo ko ng pagkain"
Maalaga kasi akong tao. Isa pa amo ko siya kaya ginagawa ko best ko para maging ok sa paningin niya. Di ko siyang tinuring iba. Tinuring ko siyang kaibigan tulad ng gusto niya.
Pero since na nalaman ko na ginagamit niya lang ako gusto ko nang dumistansya sa kanya.
Inilagay ko sa oven ang mga cupcakes na ginawa ko.
Minabuti kong maglinis muna ng mga ginamit ko habang naghihintay.
Kukunin ko na sana yung scraper para mahugasan ko na nang kunin iyon ni supremo.
Napataas naman ang kilay ko ng itapat niya ang scraper sa bibig niya at nilagay niya ang isang kamay niya sa bewang niya.
"Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan,
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan"
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireVampire The mother of Audrey Akisha May Salvador was hit in run by someone. He do any job to earn money for his mother was in the hospital. But it was not enough for the needs of her mother. She saw a paper with printed 'Wanted Maid'She decided to a...