Kabanata 21 :Portal

172 11 0
                                    

Habang naglalakad kami ay napatigil ako ng mapansin ang isang lalaking nakatali sa gitna ng picnic groove habang kaharap si supremo at si Yana.

Napatakip ako sa aking bibig ng buhusan nila ito ng gasolina.

Hindi kaya siya ang estudyanteng mapaparusahan ng kamatayan?

Imbes na masaksihan ko ang pangyayari ay tinakpan ni Aris ang mga mata ko gamit ang palad niya at niyakap niya ako ng mahigpit.

"kung hindi siya mamamatay ay may mortal na mamatay dahil sa kanya"

Napaiyak na lamang ako at napayakap kay Aris.

Kaawa-awang nilalang. Ang nais lamang niya ay makalabas sa kulungang ito at mamuhay ng normal para sa ikakaunlad ng kanyang pamilya sa mundo nila.

Ngunit di niya nagawa dahil nilamon na siya ng kagustuhan niyang makalaya at dina naisip pa kung mapipigilan niya ang pagkauhaw sa dugo na dahilan na ikakapahamak ng aking kalahi.

"patawad"

Pinunasan ni Aris ang mga luha ko at tinitigan ako sa aking mga mata.

"hindi mo kailangan humingi ng tawad. Kung sumunod siya sa patakaran ay di siya mamamatay"

"namatay ang kalahi mo para sa kaligtasan naming mga mortal"

Nagbuntong hininga ito at inilayo ako sa lugar kung san ay tanging mabahong amoy na lamang mula sa usok ng lalaking tinutupok ng apoy ang iyong malalanghap sa paligid.

"beshong! Musta date mo?"

Mapang-asar na bungad sakin ni Lorraine ng makarating kami sa lugar kung san gaganapin ang 3rd day ng P.E class.

"Date kasama ang mga halaman at linisin"

Umupo ako sa damuhan kasama ng ibang estudyante at si Aris ay nagtungo na sa mga ka-batch niya.

Nakaramdam ako ng tuwa ng maalala ko ang sinabi sakin ni Aris na ako lang ang nakakita ng ganong ugali ni supremo.

Pakiramdam ko tuloy ay espesyal ako sa kanya.

Pero sa kabilang banda ay katulong parin ako kung pakitunguhan niya.

Espesyal akong alipin. Ganoon ba?

Bakit ko ba iniisip ang pakikitungo niyang yon sakin? Ei ano naman kung ako lang nakakakita ng mala anghel niyang ngiti?

Yan na naman ako sa ngiti niya. Para akong yelong natutunaw pag nakikita ko ang masayang mukha niya. At ibang tuwa ng malaman ko na ako pa lamang ang nakakakita ng tawa at ngiti niya.

Inalala ko ang wangis niya sa aking isipan tulad kagabi. Bigla ko nakalimutan ang pagkalungkot ko sa pagkawala ng isang bampira dahil sa paglabag sa patakaran.

"beshong"

Natauhan ako ng tapikin ni Lorraine ang balikat ko.

Bakit ko ba iniisip ang lalaking yon?

"Kanina ka pa tulala dyan. Kanina pa may sinasabi ang guro natin"

Tinuon ko ang isipan ko sa aming guro na kanina pang may sinasabi para sa aming gagawin.

"Bibigyan ko kayo ng anim na oras para mag-impake ng gamit"

Yon na lang ang naintindihan ko at masyang bumalik ang mga estudyante sa kanilang mga dormitoryo.

"bakit tayo mag iimpake?"

"lumilipad kasi yang isip mo kung san. Lahat ng estudyante ay pinauuwi upang sa mundo nila ganapin ang ika-3 pagsubok hanggang sa kabilugan ng buwan ng huling klase"

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon