Kabanata 29 :Stay

124 13 0
                                    

Life is like race between cat & rat. But rat mostly wins because cat runs for food rat runs for life. Always remember purpose is more important than need.

And I am the rat of these world and I do not allowed cats to eat me.

Some rats will eat but Im not. I want to live. I love my life especially to the people who loves me.

Hinigpitan ko ang kapit sa patalim na hawak ko at sinaksak ko ang taong nasa likod ko kaya naman nakaalis ako sa pagkaka hawak niya.

"Sa tingin mo ba ay mapapatay mo ako?"

Mabilis itong nakalapit sakin upang sugatan ako ngunit agad kong pinangsangga ang patalim na hawak ko.

Sobrang lakas niya.

Hindi ko siya kaya.

Napatingin siya sa braso ko na may sugat at napansin kong nag dudugo ulit ito.

"That blood is not a blood of a vampire. Di siya ganon kapula tulad ng sa bampira ngunit di ko rin maamoy kung anong dugo ang meron ka"

Naalala ko ang suot kong kwintas. Kaya siguro ay di niya malaman dahil sa suot kong kwintas.

Di ko mamukhaan kung sino ang bampirang ito dahil sa itim na maskarang suot niya pero parang pamilyar sakin ang boses niya.

Tinulak ko siya pero agad niya naman akong nahawakan.

"Di ko alam kung sino ka. Una pa lang na nakita kita ay may kakaiba na sayo. Pero di ko kayang lapitan ka dahil kay supremo. At ang kaibigan mo ay masiyadong mailap at laging kasama si aris"

Hinigpitan niya ang hawak niya sa dalawa kong kamay kaya naman napasigaw ako sa sakit.

Kung ganon ay nakita ko na siya.

Kilala niya kami at laging pinag mamasdan kung ganon ay isa siya sa mga bampira sa Vampire Academy.

Pero bakit di niya maamoy ang dugo ko kung ganong si supremo kanina ay napalayo ng sugatan ko ang sarili ko?

'Audrey naririnig mo ba ako? Kung naririnig mo ko ay siguradong nasa malapit ka lang'

Nagpumiglas ako ng marinig ko sa aking isipan si supremo ngunit ayaw akong bitawan ng lalaking ito.

"SUPREMO!"

Sumigaw na ako at nabitawan ako ng lalaki dahil siguro naramdaman niya na may paparating.

"Mamanmanan kita Ms. Salvador at sisiguraduhin kong magagamit kita para mapabagsak ang supremo at ang superior"

Agad na nawala ang lalaki at sa pagkawala nito ay siyang pagdating ni supremo.

Agad niya akong niyakap kaya naman di ako nakapagsalita pa.

"Ok kana ba? Bakit ka sumigaw may nangyari ba?"

Nang humarap siya sa akin ay kitang kita ko ang pag-aalala niya.

Nagawi naman ang tingin niya sa patalim na hawak ko na may dugo.

"Dugo ng bampira yan"

"Umalis na tayo sa lugar na to"

Inalalayan niya akong makabalik sa dalampasigan.

Malapit naring magdilim kaya naman minabuti naming dito na muna hanggang sa lumubog ang araw.

"May lalaking naka maskara ang nakalaban ko kanina at nais niyang pabagsakin kayo ng superior at gagamitin niya ako para magawa yon"

Tumingin lang siya sa malayo at hinihintay ang susunod ko pang sasabihin.

"Isa siya sa mga tao sa Vampire Academy at matagal na niya kami minamanmanan ni Lorraine pero di niya kami magawang lapitan dahil sa inyo ni aris"

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon