Kabanata 9 : Heartless

207 16 1
                                    

After lunch sinamahan ako ni Aris sa SSG office at pag dating don ay isang malaking kalat ang nakita ko.

Mga papel na nakakalat sa sahig, plastic bottles ng mineral water na parang ilang araw nang nandito.

Halos umapaw na din ang basurahan sa sobrang dami.

Kala ko ba sobrang neat ng niccolo na to?

Ea parang bodega na dito.?

"Parang kanina lang sobrang linis dito ah? Anong nangyari supremo?"

Patawang sinabi ni aris sa kapatid na busy na nakaharap sa tambak na papeles niya.

Kung titignan mo ito ay parang napakatahimik niyang tao. Base sa nakikita ko ay napaka cold niyang tao dahil ng pumasok kami dito ay wala man lang siyang expression na pinakita o kahit tumingin man lang samin.

"Pinasadya ko lahat ng yan para sa kanya"

Nabigla ako ng titigan ako ng lalaki. He look at me directly with his grey eyes na kung tignan ka ay parang hihigupin ang kaluluwa mo.

Nakakatakot ang mga tingin niya.

Napaiwas ako dahil hindi ko kaya makipag titigan sa kanya.

"First day pa lang ni Audrey papahirapan mo na agad siya"

"I want to check kung pano siya magtrabaho"

"Pero may klase pa siya"

Angal ni Aris sa kanyang kapatid.

Kung tutuusin ay hindi ko kakayanin ang ganitong karaming linisin.

Pinasadya niya pa talaga para sakin.

Kung ito ang trabaho ko lubos ko itong gagampanan para sa aking ina at sa aking kinabukasan.

Mag iinarte pa ba ako?

"Aris ok lang. Ano ka ba sanay ako sa mga ganitong gawain"

Turan ko kay aris para hindi na siya makipagtalo sa kanyang kapatid na may pagka walang puso.

"Tulungan na kita"

Agad siya kumuha ng walis para tulungan ako ng kinataas ng kilay ni Niccolo.

"She do it on her own! Aris Liam Hart get out in this office! This is an order from The Highest Supreme Student President! NOW!"

Tumayo ang mga balahibo ko sa nakita ko. Ganito niya lang pakitunguan ang kapatid niya?

Ganito na ba ang nagagawa ng makapangyarihang tao? Na kahit nakakatanda niyang kapatid ay hindi niya ginalang.

Wala nang nagawa si Aris kundi umalis ng office at ako ay naiwan kasama ng lalaking ito.

Ginawa ko na ang aking trabaho at hindi ko maiwasan mapatingin kay Niccolo habang busy parin sa mga ginagawa niya.

Pagsilbihan at alagaan siya yon lamang ang trabaho ko.

Susundin ko siya kahit hindi pa siya ang presidente ng paaralang ito.

Nainis ako ng tinapon niya ang laman ng mineral water na iniinom niya sa sahig. At tinapon ang bote sa kung san dito sa loob ng office.

Nanadya ba siya?

Pano ako matatapos kung ganyan ang iaasta niya?

Imbes na magreklamo ay pinunasan ko ang natapong tubig at nilimot ang plastic bottle.

"Bilisan mo dahil ilalagay mo pa ang lahat ng ito sa stock room"

Napatingin ako sa mga nakapatong na papel na nasa gilid ng table niya.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon