Kabanata 33 :Black Mask

108 8 0
                                    

Ilang araw pa ang lumipas sa tuwing pupunta ako sa SSG Office wala akong supremong nadadatnan.

Tanging papel lang na to ang na bigay niya ang hawak ko.

Miss na daw pero di naman nag papakita.

Andito ako ngayon sa Restroom dahil dissmisal na.

Ewan ko pero di ako nawawalan ng pag-asa na makikita ko siya. Nag tataka na din ako sa sarili ko kung bakit ganito ako. Siguro dahil nasanay ako sa presence niya at isa pa nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Parehas kaming mag isang lumalaban sa buhay na may mabigat na pinagdadaanan ang pinagkaiba lang namin ay meron akong kaibigang dadamay sakin sa kanya wala. Kinakaya niya mag isa.

Gusto ko iparamdam sa kanya na di siya nag iisa. Kung di man siya maintindihan ng kahit sino ay andito ako para intindihin siya.

Pagkalabas ko ng restroom nagulat ako sa kutsilyong tumama sa salamin na nasa loob. Buti na lang ay agad akong umiwas kundi ay patay ako dahil papunta ito sa leeg ko.

Pinag masdan ko ang basag na salamin at nakita ko ang reflection ng isang naka maskarang lalaki mula sa malayo.

May reflection ang mga bampira sa paaralang ito dahil sa salamangka na iniligay ni Madam Ara sa Academy para masanay ang mga estudyante kapag nakahalubilo na nila ang mga tao.

Agad akong tumakbo sa corridor. Dahil sa dissmisal na walang ibang estudyanteng nasa paligid lalo na nasa restroom ako.

Kinuha ko ang patalim ko at di tumigil sa pagtakbo.

Kailangan kong makapunta sa mataong lugar. Ramdam ko na kasunod ko parin siya.

Hingal na hingal na ako. Umikot ako sa mga bawat corridor nang makarating ako sa Kitchen Laboratory namin na nasa 2nd floor.

"Audrey!"

Agad akong yumakap kay lorraine nang makita ko sila ni aris.

"bakit anong nangyari?"

Tumingin ako sa likod ko. Walang akong nakita kundi ang ilang estudyanteng nagtatakang tumitingin sakin.

"Umalis na tayo rito"

Yon lang ang sinabi ni aris at inalalayan nila akong makarating sa picnic groove.

"beshong inumin mo to"

Kinuha ko ang tubig na inalok sakin ni lorraine halos matapon na nga ito sa panginginig ko.

"Bakit ka ba tumatakbo kanina?"

Pag aalalang tanong sakin ni aris habang hinahagod ang likod ko para pakalmahin ako.

Mag-isa ako kanina kaya niya ako nalapitan. Ang huling sinabi sakin ng naka maskara ay di niya kami malapitan ni lorraine dahil kina aris.

Delikado kung magkakahiwalay kami lalo na at di namin alam kung sino ang may masamang pakay samin.

"May nakalaban ako sa mundo niyo. Naka maskara siyang itim at sinabi niya na matagal na daw niya kaming minamanmanan ni lorraine pero di niya magawang lapitan kami ni lorraine dahil sa inyo. May masama siyang balak sa supremo at sa superior at sinabi niya na magagamit niya kami ni lorraine para magawa yon"

"May traydor sa Vampire Academy. Pero bakit niya naman gagawin yon? Lahat ng bampira sa Academy ay gusto ang plano ng superior at ng supremo. Sinigurado ng superior na walang makakapasok na rebelde dito"

Naramdaman ko narin ang takot ni lorraine ng maikwento ko sa kanila ang tungkol sa naka itim na maskara.

"Mag-isa ako kanina kaya nalapitan niya ako. Sinubukan niya akong paslangin ngunit nakaiwas ako"

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon