Ito na ang huling araw ko sa lugar na ito. Masaya ako dahil sa ilang saglit nakasama ko ang supremo.
Mabait siya, maaalahanin, masayahin at maalaga.
Di lang yon makita ng iba dahil takot siya. Takot siya na makisalamuha sa iba wala siyang tiwala at takot na di matanggap na kung ano siya.
Buong buhay niya ay ginugol niya sa paaralan laging kapakanan ng iba ang iniisip niya.
Pinag masdan ko ang kwintas na bigay niya. Kahit na wala na itong bisa ay sinusuot ko parin dahil bigay niya ito.
"May kakayahan na akong buksan ang portal. Kailangan mong mauna na makabalik sa Academy"
Pagtapos ayusin ng supremo ang mga gamit namin ay nag simula na kami mag lakad.
"Paano ka?"
"May dapat lamang akong asikasuhin. Yung lalaking nakamaskara di ko alam kung pano siya nakapasok dito kung bampira siya sa Academy. Ako at ang superior lang may kakayanan na buksan ang portal. Sa aking palagay ay isa siya sa mga naiwan dito"
Kinakabahan ako.
Yong nakamaskara gagamitin niya ako para mapabagsak ang supremo at ang superior.
Ayokong masira ang pangarap ng iba dahil sakin.
Ngunit ngayon lang naisip ng supremo ang sarili niyang kasiyahan. Ginagawa niya lahat para lang di ako umalis hanggang matapos ang kontrata.
Ano ba ang dapat kong gawin?
Tumigil kami sa paglalakad at bigla akong niyakap ni supremo.
"Akisha please stay. Sana pag nakabalik ako sa Academy ay naroon ka pa. Alam kong mahirap tumakas sa paaralan pero natatakot ako na bigla ka na lang mawala. You are the one who make me feel this happiness. Naging komportable ako sau. I don't know why but you keep a promise and I trust you"
He gave me a wide smile.
Sakin lang siya nag tiwala at ayokong masira yon.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa isang lagusan.
"Hihintayin kita mahal na supremo"
He kissed my forehead then hug me for a last time.
Sa pag pasok ko sa lagusan ay kasabay nito ang pag sara.
Dinala ako nito sa likod ng talon ng unrighteous falls.
Buhay akong nakabalik.
Sa sobrang tuwa ay nag tatakbo ako. Di ko na pinakelaman pa ang mga estudyanteng pinag titinginan ako.
Umikot ikot pa ako sa tuwa.
I survive.
I'm alive!
"Hey!"
Dahil sa aking katangahan ay tumama ako sa pader.
"Binibini maligayang pag babalik"
Teka may pader bang nag sasalita?
Kinapa kapa ko ang pader dahil sa nakasubsob parin ako dito. Malambot ang sarap yakapin ang bango ng pader na to.
Inamoy amoy ko dahil sa ang bango nga.
Tinitigan ko ang nabangga ko.
Puting longsleeve with black coat.
Pag tingala ko ay nakita ko ang malawak na ngiti ni aris.
Agad naman akong lumayo at inayos ang sarili ko.
Nakakahiya.
Mukha akong t*nga sa pag amoy sa kanya.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireVampire The mother of Audrey Akisha May Salvador was hit in run by someone. He do any job to earn money for his mother was in the hospital. But it was not enough for the needs of her mother. She saw a paper with printed 'Wanted Maid'She decided to a...