Kabanata 14 :She's Mine

220 17 4
                                    

Narito kami ngayon sa sinasabi nilang unang bahagi.

At dahil nanghihina pa si Lorraine sa ginawa ni supremo minabuting dalhin siya sa clinic.

Wala namang kakaiba sa lugar na ito. Simpleng kakahuyan lamang na nasa loob ng paaralan.

Matataas na puno.

Sa tingin ko di ko masusukat ang kakahuyang ito sa sobrang lawak.

"nandito na naman ako. Pero di bale may maganda namang nangyari sa pagbagsak ko sa huling bahagi"

Napatingin ako kay Aris na nakangiting nakatitig sakin.

"Makakasama kita binibini"

Napataas naman ang kilay ko sa kanyang tinuran.

Imbes na pansinin ay nilibot ko lang ang paningin ko para obserbahan itong kakahuyan.

Baka may daan dito palabas maliban sa malaking gate na pinasukan namin dito pagpasok.

"Magandang araw Vampire's Student"

Paumpisa ng isang lalaking parang may kaedaran na.

Sumama ang tingin nito ng magawi sa kanyang paningin si shella na ikinatungo ng dalaga.

'siya ay si Lord Matt. Isang pinuno ng isa sa mga angkan ng bampira. Siya ang ama ni Shella'

Sambit ni Aris sa aking isipan.

Kaya pala ay ganon na lamang ang tingin niya kay Shella dahil bumagsak ito sa huling bahagi at ngayon ay babalik na naman sa unang bahagi.

"Batid ko ang sabik ninyo dahil sa P.E na ito buong linggo na tinatawag niyong blood celebration. Sa mga baguhan ang bahaging ito ay para matutunan niyo ang pangangaso. Lalo na pag nakalabas kayo sa paaralang ito para makasalamuha ang mga tao. Kailangan niyong matutong mangaso kung sakaling mauhaw kayo sa dugo. Batid naman niyo na ang sa dugo tayo kumukuha ng lakas"

Kung ganon sa mundo namin ay may nakakasalamuha kaming katulad nila.

At pinag aaralan sa paaralang ito ang dapat nila gawin para di makasakit sa mga mortal.

Nag aaral din sila tulad namin, nakakapamili din sila ng kursong gusto nila. Ang pinagkaiba nga lang ay nabubuhay sila ng umiinom ng dugo.

Pumunta si Lord Matt sa taas ng malaking puno ng ganon lang kadali. At kahit sobrang layo niya sa pwesto ko kitang kita ko siya aa aking kinatatayuan.

"Marahil alam na ng mga ibang estudyante ang bahaging ito. Nakakahiya lamang na ang iba sa inyo ay anak ng pinuno, guro at matataas na antas na nakailang balik na sa pag aaral. Siguro naman ay magkakaroon na kayo ng hiya sa akin dahil nakakapanawa na ang inyong pagmumukha sa klase ko"

Napansin ko ang pagyuko ng ibang estudyante ganon din si Aris.

Anak pa naman siya ng superior ngunit nakailang bagsak na siya at tila di na makakaalis pa sa paaralang ito.

"Lord Matt inyong ipagpaumanhin ngunit ang alam ko ay ilang daang beses din kayong bumagsak bago nakasalamuha ang mga tao. Sigurado ako na nagsawa din sa inyong pagmumukha ang inyong guro noon"

Nagulat at nagbulungan ang ibang estudyante ng dumating ang supremo.

"Supremo? A-anong sadya mo rito?"

Takang tanong ni Lord Matt.

"Narito ako para umattend ng klase ko."

May pinakita pa siyang papel at tinuro niya ang schedule niya sa P.E class.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon