Hindi na ako pumasok pa sa mga susunod kong klase. Hinanda ko ang mga gamit namin ni lorraine para umalis.
Agad akong pumunta sa information area para tawagan si Madam Ara.
Wala din kasi kaming dala ni lorraine na cellphone pagpasok dito dahil sa bawal. Tanging information area lang ang tanging paraan para makatawag kami ngunit para lamang ito sa pagka-usap sa superior at iyon ay si Madam Ara.
Balisa akong pumasok sa loob at kahit na takot ako sa taga bantay dahil alam ko na isa ito sa mga bampira ay kumuha ako ng lakas ng loob para kausapin ito.
Dapat sa umpisa pa lang nahalata ko na. Sa tono ng pananalita nila. Sa layo ng paaralang ito na parang tinatago sa lahat. Sa pagbasa ni aris sa isip ko at nung gabing iyon.
"kukuha ka ba ng papeles o kakausapin mo ang superior?"
Tanong sakin ng ginang at umayos naman ako ng tayo para harapin siya.
"g-gusto ko ka-usapin ang s-superior"
"Bakit nais mo siyang kausapin? May katungkulan ka ba sa paaralang ito?"
"w-wala pero tagapangalaga ako ng anak niya"
Mukhang naintindihan niya naman ang sinabi ko na parang inaasahan niya na gagamit talaga ako ng telepono dahil sa pag rereport ko kay Madam Ara sa anak niya.
Tumayo na ito at pinaikot ang mga numero sa telepono. Sandali niyang kinausap sa kabilang linya ang superior at agad na inabot ito sakin sabay umalis at pumunta sa kung saan.
"Madam Ara aalis na po kami ni Lorraine"
"Bakit? May problema ba?"
Hindi ko na maiwasang mapaiyak sa takot dahil di ko na alam ang gagawin ko.
"di kami nababagay rito! Mga halimaw ang mga estudyante rito! Bakit mo kami pinasok dito?!"
"baka nakakalimutan mo Audrey ikaw ang nag apply bilang katulong sa anak ko."
"kung ganon gusto ko nang mag resign!"
"hindi yon maaari Audrey may usapan tau. Hanggat di natatapos ang taon di ka makakaalis sa paaralan ko. Alam kong may patakaran sa Vampire Academy ngunit di katulad ng ibang estudyante maaari na kaung umalis pag natapos ang taon"
Kahit na sinabi niya un ay di parin ako mapakampante.
"sa tingin ko di na kami tatagal rito ng isang taon pag nalaman nilang tao kami"
"kung ganon mag-ingat ka. Kami lamang ng pamilya ko ang nakakaalam sa tunay niyong pagkatao hanggang nasa puder kita di ko hahayaang mapahamak kau"
Di ko alam kung mawawala ang bahala ko sa sinabi niya.
Para kaming pumasok ni lorraine sa lungga ng mga leon at isang pagkakamali lang pwede kaming lapain at di na makalabas pa ng buhay.
"kahit ano pa ang sabihin mo aalis na kami! At sasabihin ko to sa kinauukulan!"
Bahagya itong tumawa na lalo kong kinainis.
"May kasunduan kami sa mga mortal. At isa pa baka dalhin ka lang nila sa mental at ipalabas na nawalan kana sa katinuan. Kung ako sayo manahimik ka at makinig lang sa utos ko"
"kung di mo kami papalabasin dito! Tatakas kami!"
Ibababa ko na sana ang telepono ng mapatigil ako sa huli niyang sinabi.
"Nagising na pala ang iyong ina. Ngunit kailangan niya pang ma obserbahan ng mabuti"
Sa sandaling yon nawala ang takot ko.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireVampire The mother of Audrey Akisha May Salvador was hit in run by someone. He do any job to earn money for his mother was in the hospital. But it was not enough for the needs of her mother. She saw a paper with printed 'Wanted Maid'She decided to a...