Dahil na rin sa badtrip si Lorraine nawalan na siya ng ganang mamili ng damit.
Actually parang ordinaryong bilihan lang din katulad sa mundo namin. Mga desenyo na tulad saming mga mortal.
"2 order ng vegetable salad at chicken wings. Take out"
Sambit ko sa babaeng nasa counter na agad namang inasikaso ang order ko.
Since na P.E week ngayon medyo nag iba na din ang menu dito sa cafeteria.
Napasama na din sa menu ng drinks ang dugo. Na may malaking halaga.
Sa aking palagay ay sapat na ang dugong nainom ko sa klase kanina para sa loob ng isang buwan. Sapat na lakas para tumakas sa paaralang ito.
Nakakasuka kung tutuusing uminom ako ng dugo ng hayop.
Ngunit pag nakakakita at nakakaamoy ako ng dugo ay di ko maintindihan ang sabik na nararamdaman ko.
"beshong food dilivery kana ba ngayon?"
"hindi pero trabaho kong pagsilbihan ang supremong yon"
Inabot ko ang order at nagpaalam na kami sa isat isa ni Lorraine.
Agad akong dumeretso sa SSG Office na lagi kong pinupuntahan ngunit walang supremong nakaupo na madalas kong nakikita sa President chair.
"Oh Audrey anong sadya mo dito?"
Agad naman akong nilapitan ni Aris at inalalayan papasok sa loob.
"Si supremo?"
"Nasa SSG dorm siya. Pinasasabi niya pala sayo na don mo na lang dalhin yang pagkain"
Saad ni Yana sabay labas ng pinto.
"Samahan na kita sa dorm niya. Ako na magdadala niyan"
Agad namang kinuha ni Aris ang pagkaing dala ko at nag-umpisa na kaming maglakad.
"Sorry sa kanina"
Nagtaka naman ako sa sinabi ni Aris dahil batid ko namang wala siyang ginagawang masama sakin.
"Para saan naman?"
"Dahil di kita naprotektahan"
Naalala ko bigla ang nangyari sa pangangaso namin.
Hindi ko din batid kung ano ang tumatakbo sa isipan ni supremo bakit niya yon ginawa kung meron na siyang nahuling para sa kanya.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Dapat nga na si supremo ang gumawa non dahil nasaktan niya ako"
"pero naroon ako at hinayaan kong masaktan ka niya"
"Isa siyang supremo. Nasunod ka lang sa patakaran"
"patawad binibinig mortal wala akong kapangyarihan katulad niya"
Nabigla naman ako ng yakapin niya ako. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Ahmmm...aris p-pwede ba akong humingi ng pabor sayo?"
Agad naman siya napabitaw ng pagkakayakap sakin na dahilan para makahinga ako ng maluwag.
Ayokong mapalapit sa kahit sino sa lugar na ito.
Tatakas kami ni Lorraine kahit anong mangyari. Lalabas kami ng buhay dito ng magkasama.
"Ano yon?"
"Pwede bang ipagluto mo ang kaibigan ko? Baka kasi di ako makabalik agad. Alam mo namang trabaho ko ang paglingkuran ang kapatid mong palautos"
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireVampire The mother of Audrey Akisha May Salvador was hit in run by someone. He do any job to earn money for his mother was in the hospital. But it was not enough for the needs of her mother. She saw a paper with printed 'Wanted Maid'She decided to a...