Kabanata 15 :Pagsubok ni Supremo

198 12 0
                                    

Nakatitig lang ako kay supremo habang na kumakain ng inagaw niyang usa sakin.

Natatakam ako.

Kailangan ko nang makainom ng dugo.

Akmang aalis na ako upang mangaso ng pigilan ako ni supremo.

"May nahuli akong baboy ramo itinali ko siya doon"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Meron naman pala siyang nahuli bakit niya pa ako inagawan?

"Kulang pa ba sayo ang baboy ramong iyon para kunin sakin ang usang yan?"

"sa aking palagay ay sapat na sakin ang dugong nasa usang ito"

"anong gagawin mo sa baboy ramo na nahuli mo?"

Tumayo ito at sa isang iglap ay nasa harap ko na siya ulit kasama ang baboy ramo.

'sayo na to kung makukuha mo sakin'

Saad niya sa aking isipan.

Pinaglalaruan niya ba ako?

Pinatagas nito ang dugo ng baboy na kinasabik ko lalo.

Di ko na mapigilan ang sarili ko.

Uhaw na uhaw na ako.

Agad akong sumunggab sa kanya ngunit nabigo ako dahil tumilapon ako sa pagkakatulak sakin ni supremo.

Kailangan ko nang makainom ng dugo bago ako mabaliw dito.

Mabili akong kumilos at lumapit kay supremo.

'masiyado kang agresibo ganyan ka ba kasabik sa dugo?'

"TIGILAN MO NA ANG PAG PASOK SA AKING ISIPAN WAG MO NA AKONG PAHIRAPAN! NAUUHAW NA AKO!"

Umakyat ako sa puno at tinitigan si supremo sa malayo.

Pano ako makakalapit sa kanya? Isa siyang supremo. Hamak na balat kayong bampira lang ako.

"PAGOD KANA BA ALIPIN KO?"

"ALAM MO BA ANG LARONG TAGUAN NG MORTAL?"

Nagtaka siya sa sinabi ko at agad akong nagtago sa paningin niya.

Sa paraang ito madali ako makakalapit ng hindi niya alam.

Nasa isa akong damuhan at dahan dahang lumapit.

Nang makalapit na ako ay madali akong tumalon para kunin ang baboy ramo ngunit agad niya akong pinigilan at niyakap gamit ang isa niyang kamay.

Nakahawak siya sa likod ko at napatitig ako sa abo niyang mata.

"Kahit di kita nakikita ay nakikita ko sa isipan ko ang paggalaw mo. Madaling tandaan ang maganda mong mukha alipin ko"

Tinitigan niya ako at sa sandaling iyon ay nakakuha ako ng tsansa para ilayo ang baboy sa kanya.

Agad ko namang sinipsip ang dugo nito hanggang sa mawalan ng malay.

"Babae ay isa sa kahinaan ng mga lalaki supremo"

"At sa tingin mo ay kahinaan kita? Hindi porket babae ka ay maakit ako sa katulad mo. Maraming estudyante hamak na mas maganda pa sayo"

Napaawang ang aking bibig sa sinabi niya.

Nag-umpisa na kaming naglakad pabalik dahil tapos na kami.

Pero nagandahan siya sakin.

Kahit madaming estudyanteng mas maganda sakin. Atleast nagandahan siya sakin.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon