"Anak halika kumain na tayo"
Alok sa akin ni mama habang ako ay nakaupo at pinakikiramdaman ang nasa paligid ko. Ang alam ko ay nakaupo ako sa terrace ng kwarto ko habang dinadama ang simoy ng hangin mula sa labas.
"Mamaya na po ako kakain"
"Bukas na ang operasyon mo at kailangan mong magpalakas"
"Sige na ma iwanan mo na lang dyan ang pagkain ko iintayin ko na lang si lorraine"
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto na hudyat ng pag-alis ni mama.
Isang buwan na ang nakakalipas ngunit parang kahapon lang ang lahat ng nangyari. Wala na akong nabalitaan tungkol sa Vampire Academy. Nung pinuntahan ni lorraine ang lugar wala na don ang paaralan at isa na lamang itong kakahuyan pero sa aking palagay nakatago lamang ito. Pagkauwi namin sa mundo namin ay nagulat ako dahil magaling na si mama siya ang umasikaso sa amin sa hospital nung mga araw na yon. Nalaman ko rin na napakalaking halaga ang dinagdag ni Niccolo sa Bank Account ko bago mangyari ang insidente. Mula sa perang yon nakabili si mama ng bahay at nakapagpundar ng maliit na negosyo.
Sa ngayon wala parin akong makita at ang bagay na huli kong nakita ay si Niccolo ang duguan niyang katawan na nakayakap sa akin.
Nag umpisa na namang pumatak ang luha ko.
"Mahal ko bukas na ang operasyon ko ilang linggo na lang ay makakakita na muli ako at parang ayokong makakita pang muli nais ko lamang na ang huling bagay na nakita ng aking paningin ay ikaw at wala nang iba"
Sumimoy ang napakalakas na hangin.
Di ko parin matanggap na wala na siya. Alam kong sa huli ay di kami pwedeng magsama pero ang huling pagkakataon na makasama siya ay di ko matanggap. Namatay siya sa mismong harap.
Sa mga oras na ito ay di ko pinagsisisihan na sinabi kong mahal ko siya. Di ko pinagsisisihan na pumasok ako sa lugar na iyon dahil nakita ang kauna-unahang lalaking minahal ko.
"miss na miss na kita mahal ko"
'akisha'
Napatayo ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang boses ni Niccolo. Di ako nag kakamaling siya yon kahit isang buwan na ang nakakalipas alam na alam ko ang boses niya.
"N-niccolo"
'mahal ko'
Telepatiya. Di ko siya narinig bagkus nagsasalita siya sa aking isipan kung ganon malapit lang siya sa akin. Lalong tumulo ang mga luha ko sa sobrang saya. Buhay si Niccolo.
Naramdaman ko na may taong nakatayo sa tabi ko at nanindig ang balahibo ko.
"Di ba ako nababaliw? Baka sa sobrang pag-iisip kaya kita naririnig. Kung totoong nariyan ka sa aking tabi gusto kita hawakan"
Bago ko pa siya kapain sa aking tabi isang mahigpit na yakap ang natanggap ko kaya naman sunagot ako sa yakap na yon.
Di ko man siya nakikita alam kong narito siya at buhay siya.
Isang halik ang ibinigay niya sa akin na halos di na niya ako pakawalan.
"B-bakit ngayon ka lang? Buong akala ko patay ka na"
"Di ako maaring magtagal magsasara na ang lagusan gumamit lang muli ako ng salamangka ngunit di naman nakapinsala sa paaralan kaya walang nasira di tulad noon"
Bahagya ko narinig ang tawa niya habang inaalala ang pangyayari kung paano namin sirain ang pader sa paaralan para makalabas.
"Di ko pa naalis ang salamangka ng aking ina kaya di ko pa nababalik sa dati ang lahat kaya nakakulong kami lahat sa paaralan at yung mga estudyanteng lumaban sa amin sa ngayon ay nasa aming mundo at di na maaring bumalik sa paaralan. Pinipilit ko ibalik sa dati ang lahat ngunit di na kami nangangarap na maging mortal kundi ang makatapos sa paaralan ang makihalubilo sa inyo"
"kailan ang muli mong pagbabalik?"
"Hindi ko pa alam. Pag naging maayos na ang lahat babalik ako sa mansyon namin dito sa mundo niyo para ako na papalit sa trabaho ni mama. Pwede ka bang mag apply muli?"
Natawa ako at muli siyang niyakap ng sobrang higpit.
"Pwede ba mag apply bilang asawa mo?"
Wala akong narinig na sagot alam kong mali ang tanong ko. Sino ba namang kami para magsama. Isang bampira at isang mortal.
"paalam mahal ko"
Pagkatapos niya ako halikan ay bigla na lamang siyang nawala.
Masaya ako na kahit saglit nakasama ko siya
"Audrey hindi ka pa daw kumakain?"
Naramdaman kong lumapit sa akin si lorraine at inalalayan ako papasok sa kwarto ko.
"Pumunta siya dito"
"Sino?"
"Maniniwala ka ba sa akin na buhay siya"
"wag mong sabihing---"
Di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil niyakap ko siya ng mahigpit.
"Nabanggit niya ba si aris?"
Di ako nakaimik pero ramdam ko ang lungkot kay lorraine.
"hindi pero alam kong pag naging ayos ang lahat makikita muli natin sila"
Sabay na kami kumain ni lorraine at sinamahan niya ako matulog sa kwarto ko.
Date Finished: April 14 2022
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampirgeschichtenVampire The mother of Audrey Akisha May Salvador was hit in run by someone. He do any job to earn money for his mother was in the hospital. But it was not enough for the needs of her mother. She saw a paper with printed 'Wanted Maid'She decided to a...