Kabanata 44 :Panganib

96 10 0
                                    


"See? He loves you. Nag seselos siya kasi mahal ka niya"

"See? He loves you. Nag seselos siya kasi mahal ka niya"

"See? He loves you. Nag seselos siya kasi mahal ka niya"

"See? He loves you. Nag seselos siya kasi mahal ka niya"

What the?!!!....

Parang sirang plakang paulit ulit sa isipan ko ang mga katagang yan.

After kasi namin mamili ni aris ay di na mawala sa isip ko ang mga katagang sinabi niya. Kahit nung nag lunch kami ay di ko masiyadong inintindi ang pagkain ko.

At ngayong andito ako sa gagamitin naming booth para bukas ay di ako makagawa ng maayos.

"See? He loves you. Nag seselos siya kasi mahal ka niya"

"Anak ng...... Oo na nag seselos siya? Anu masaya kana?! T*nga ka ba? Sinabi niya bang mahal ka din niya?!!! BWISET!"

Naibato ko ang hawak kong balloons sa inis at doon ko napagtanto na tinititigan na ako ng mga kaklase ko.

"Ms. Salvador kung may problema ka wag mong dalhin dito!"

Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko.

Gusto ko nang lamunin ng lupa dahil sa hiya.

Nanahimik na lang ako at ginawa ang dapat gawin sa mga pag dedesign. Actually last resto na itong ginagawan namin ng design. May 5 resto kasi ang meron dito sa Academy at ang iba ay Cafe na. At yung 5 resto ay ginawa naming booth. Mga class officers lang naman ang mamamahala dito bukas kaya yung iba samin ma eenjoy ang foundation day.

"Ms. Salvador pakidala ng lahat ng ito sa storage room"

Inabot ko ang isang box ng recycled bottles at lumabas na ako sa resto para tunguhin ang storage room.

Gabi narin pero abala parin ang lahat para sa foundation bukas. Last day of preparation na kaya sobrang busy ng lahat. Wala ako halos makitang estudyante sa daan dahil sa aking palagay ay nasa kani kanila silang booth.

Sa aking paglalakad pinagmasdan ko ang pathway na dinaanan namin ni lorraine sa pag pasok dito sa Academy.

Walang pinagbago. Lalo lamang gumanda ang mga mapupulang rosas na nakatanim sa gilid.

Wala narin ang malaking gate na pinasukan namin. Isa na lamang itong mataas na pader na parang walang katapusan ang dulo nito paitaas. Kung noon ay gusto naming tumakas ni lorraine at si supremo lamang ang susi. Ngayon ay pinapaalis na kami ng superior pero parang ayaw ko pa talagang umalis.

Nadaanan ko din ang SSG Office at tanaw ko dito sa labas ang office table ng supremo.

Natatandaan ko pa noong unang beses kaming nag kita. Sobra niya akong pinahirapan sa silid na iyan. Pero nung nasa mundo ako ng mga bampira ay tinaya niya ang buhay niya para lang mailigtas ako sa mga rebeldeng bampira.

Pinagmasdan ko ang paligid.

Di ko pinagsisisihang pumasok ako sa lugar na ito at nakilala kita supremo.

"D-di ko alam ang sinasabi mo!"

"Secretary ka sa paaralang ito panong di mo alam kung saan ang laboratoryo!!!"

Dahil sa isang ingay minabuti kong hanapin iyon at dinala ako ng ingay na iyon sa SSG garden at nakita ko si Yana kasama ng 2 lalaki.

Ang mga itsura nila ay katulad ng mga rebeldeng bampira na nakita ko.

"Kung alam ko man hindi ko sasabihin sa inyo! Malugod kong tatanggapin ang kamatayan para sa Vampire Academy!"

"Isa kang hangal!"

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon