Kabanata 42: true feelings

95 9 0
                                    

Nagkulong lang ako sa kwarto ng dorm namin ni lorraine.

Di ko maintindihan bakit ang sakit sakit. Ayoko pang umalis pero kailangan para sa kakabuti ng lahat.

"Salamat sa pagtulong at sa libreng dinner bukas ulit ha!"

"Abusado ka pala basta libre hahaha. Pero sige ba basta ikaw"

Narinig ko ang malakas na usapan ni lorraine at aris mula dito sa kwarto. I know that they have mutual feelings to each other but they know there limitation. Paano nila na hahandle ang ganoon?

Ang mahalaga sa kanila ay maparamdam nila na mahal nila ang isa't isa. Sinabi sakin ni aris na may gusto siya kay lorraine at ganoon din si lorraine sa akin. Pero di nila sinasabi sa isa't isa.

Masaya sila sa kung anong meron lang sa kanila.

No label but they both happy to each other.

"Oh beshong may namatay ba?"

Pumasok si lorraine at binuksan niya ang ilaw sa kwarto.

"Masama lang ang pakiramdam ko"

Sinaklob ko ang kumot sa buong katawan ko para di niya makita na umiiyak ako.

Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa akin kasabay ng pagpilit niyang mahipo ang bandang noo at leeg ko.

"Wala ka namang lagnat. Baka gutom lang yan. May dala akong pagkain ipaghahain kita"

"Wag na. Wala akong gana"

"Ano bang nangyayari sayo?"

Tinanggal niya ang kumot na nasa katawan ko.

"Umiiyak ka ba? Anong nangyari?!"

Napaupo ako sa aking pagkakahiga at agad na niyakap ang bestfriend ko. Di ko na talaga kaya ang sakit na nararamdaman ko.

"Lorraine hindi ko maintindihan bakit ako umiiyak?"

"Ha? Siraulo kana Audrey aba malay ko sayo!"

Siguro nga siraulo na ako. Dapat masaya ako kasi uuwi na ako makakasama ko na si mama. Pero bakit umiiyak?

"Aalis na tayo sa araw ng birthday ng superior"

Napabitaw sa pagkakayap sakin si lorraine at tinitigan ako. Wala siyang emosyong humarap sakin. Pero parang nakahanda na siya sa araw ng pag alis namin.

"Kung ganon dapat mag impake na tayo sa susunod na mga araw"

"Pano si aris?"

"Kaya ka ba umiiyak dahil sa supremo?"

Imbes na sagutin ang tanong ko ay tanong din ang binalik niya.

Napayuko na lamang ako at di na nakasagot sa tanong niya.

"Masaya akong nakilala si aris at di ko pinagsisisihan yon. Pero hinanda ko na ang sarili ko. At alam kong ganoon din siya. He never told me that he love me but I feel it. At pinaramdam ko din yon sa kanya. Pero alam mo ang masakit don? Di kami pwede kaya wala kaming magawa kundi tanggapin"

"Are you ok?"

"Magiging ok din ako. Ikaw ba?"

"Di ko maintindihan"

Ngumiti siya sakin at nag tap sa dalawang balikat ko.

"You love him?"

Mahal ko ba ang supremo kung bakit di ko siya maiwan iwan?

"Kaibigan lang ang turing niya sakin. Ako lang ang naging kaibigan niya. He told me that he was happy with me. He don't wanna lose me"

"Oo o hindi lang sagot sa tanong ko ei. Mahal mo siya kaya ayaw mo siyang iwan dito. Sayo lang siya naging ganian kaya umaasa ka na mamahalin ka rin niya"

Di na ako nakapagsalita at tuluyan na akong napaiyak.

Umaasa ako sa malabong mangyari.

At kung mangyari man ay di parin pwede.

"Tumahan kana dyan. Ang mahalaga ok na si tita glenda. Makakasama mo na siya. Audrey gawin natin ang dapat"

"Mahal ko si Niccolo"

Mahal ko ang supremo. Di ako magiging ganito kung di ko siya mahal. Di ko alam kung paano nangyare pero isa lang ang alam ko mahal ko siya.

Ayokong masira lahat ng pinaghirapan niya. Lalayo ako kasi yon ang tama. Di ako pwede sa lugar na ito dahil isa akong mortal.

Masaya ako na naging kaibigan ko ang katulad niya.

Matalik na kaibigan man ang turing niya sa akin. Sa sandaling nakasama ko siya minahal ko siya ng higit pa sa kaibigan.

Kinain ko ang lahat ng sinabi ko noon na kahit kelan di ako mag kakagusto sa di ko kauri. Ang halimaw na tinatawag ko noon ay minamahal ko na ngayon.

"Audrey gawin natin ang tama"

Di ko namalayan na nakatulog na ako sa pag iyak.

Nagising ako na halos di ko mamulat ang mga mata ko. Ramdam ko ang pamamaga nito at sakit.

"Good morning"

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maring ang mala anghel na boses mula sa aking tabi.

Agad ako dumilat at tumayo sa aking kinahihigaan.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Diba sasamahan mo ko mamili ng susuotin ko sa event?"

Tumingin ako sa paligid ng kwarto. Wala na si lorraine at bukas ang terrace ng kwarto namin. Wag mo sabihing umakyat na naman siya don.

"Di kita masasamahan"

"Anong nangyari sa mata mo?"

"Nakagat lang ng ipis"

"Kaya ba di mo ko masasamahan dahil sa paga ang mata mo? Mag suot ka ng shade para di mahalata"

"Ayoko"

"Sinusuway mo ba ang utos ko?"

"Ayoko nga sabi! Lumabas kana!"

Natahimik kaming parehas ng marealize ko na nasigawan ko siya.

"Akisha are you ok?"

"P-please leave me alone"

"May nagawa ba akong mali? I-im sorry"

Lalapitan niya sana ako pero humakbang ako palayo. Nakita ko sa mga mata niya ang pag aalala sa akin.

Sorry Niccolo. Kailangan kong sundin ang iyong ina. Para din ito sa iyo at sa kaligtasan ni mama.

"just tell ne what's wrong"

Lalapit pa sana siya para abutin ang kamay ko pero agad ko itong tinabig.

"I SAID JUST LEAVE ME ALONE!"

Napalayo siya sa akin at tinungo ang terrace ng kwarto namin.

"I'm sorry"

Yon lang ang katagang sinabi niya bago umalis.

Nanikip na naman ang dibdib ko sa sakit. Tuluyan na namang pumatak ang mga kuha sa aking mga mata.

Im sorry

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon