Kabanata 23 :Save me

157 14 0
                                    

Should I say that are friends are the most important ingredient in the recipe of life.

Sa aking palagay yon ang wala kay supremo.

Nabuhay siya sa mundong ito na puro kapakanan ng iba.

Wala siyang ibang naging kaibigan bukod sa tambak na papeles na kaharap niya sa araw-araw.

He can't smile.

He can't do what he want.

He is one of the prisoner in the vampire academy na hindi na talaga makakalabas.

Yon ang buhay niya, ang paaralang iyon kung saan masaya siyang makita ang kalahi niyang natutupad ang pangarap ng bawat isa.

Ni isa wala man lang nagtanong kung ano ang gusto niya.

Nasasaktan siya dahil pinanatili niyang ligtas ang mga mortal kahit labag sa loob niya dahil nga sa kanyang ama. Mortal ang pumatay dito.

Tumingin ako sa lalaking katabi ko.

Tahimik lang siyang naglalakad pero di nawawala ang tindig niya bilang isang supremo.

"May I asked something private?"

"Proceed"

Lumunok ako ng bahagya at muling nagsalita.

"What is your goal in your life?"

"Para kang teacher na nag tatanong sa isang anim na taong gulang"

Pinitik niya ang noo ko na dahilan para tumigil ako sa paglalakad.

Ang sakit kaya. Diba friends na kami.

"Diba friends na tayo? So let's start to know each other"

"Doon ba nag uumpisa ang pagkakaibigan?"

Napahawak na lang ako sa noo ko at pilit na iniintindi ang supremong ito.

Sa tagal niyang nabubuhay sa mundong ito. Di man lang niya nasubukang makipagkilala sa ibang bampira.

"Hindi ka ba nakikipagkilala sa iba?"

"I don't want to talk to others lalo na kung di naman importante. Specially to my family, masiyado akong busy. Kilala na ako sa Academy at sa mundo namin. Di ko na kailangang makipagkilala"

"Ok then I want you to know that friendship start in getting to know each other"

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

Isa siyang supremo bakit nga naman siya makikipagkilala kung kilala na siya. At isa pa pano siya mag kakaroon ng kaibigan kung wala siyang panahon makipag-usap lalo na sa pamilya niya. Wala siyang ibang inintindi kundi ang paaralan. At focus siyasa mga aralin niya na para lang sa kanya.

Gabi na pero narito parin kami sa gitna ng kakahuyan. Kahit madilim ay kitang kita ko ang daan, kahit konting kaluskos ay naririnig ko.

Epekto ito ng pulang likidong ibinigay samin ni aris.

Napatingin ako sa kalangitan.

Di rin magtatagal ay sisilip na ang buwan.

"My goal is to be complete"

Nakinig lang ako sa kanya nang magsimula na siyang magsalita.

"Pakiramdam ko may kulang sakin bukod sa pagtanggap na patay na si ama. I think friendship can complete my miserable life"

Sa di kalayuan ay natatanaw ko na ang mga estudyante.

Dito nga pala sa gitna ng kakahuyan gaganapin ang pagsubok.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon