Kabanata 11 : Katotohanan

204 17 0
                                    

Pinilit ko kalimutan ang gabing yon pero di mawala sa isipan ko. Di ko yon sinabi kay Lorraine dahil ayokong mag alala siya.

Naging normal ang buong linggo. Kahit takot ako ay napunta parin ako sa SSG Office para dalhan ng pagkain ang supremo.

Pinagsisilbihan ko parin siya dahil yon ang trabaho ko. Inisip ko na lamang na baka pagod lang ako ng gabing yon kaya nag kaganon ako o isa lamang yong panaginip.

Gusto ko lokohin ang sarili ko pero totoo ang nakita ko.

"Ayos ka lang ba?"

Napatingin ako kay Lorraine na nag aayos ng gamit niya sa locker.

Tumango lamang ako sa kanya at nag umpisa na sa pag lalakad para sa susunod naming subject.

"Kilala kita Audrey alam kong may problema."

"Wala to. Pagod lang siguro ako"

"Isang linggo kanang balisa. Masiyado ka bang pinapagod ng supremong yon?"

"Di naman"

Sa tutuusin nga ay sa loob ng isang linggo ang ginawa ko lang ay dalhan siya ng pagkain. Isang linggo ay puro Vegetable salad at chicken wings lang ang lunch at dinner niya. Dahil sabi niya sakin nagustuhan niya raw ang pagkaing dinala ko sa picnic groove.

Hindi niya naman ako sinasaktan. Sa totoo lang ay simple na lang ang mga utos niya di tulad ng una ko siyang nakita.

Siguro ay dahil sa sinusubukan niya lang ako.

Pero di parin masagi sa isip ko ang nangyari ng gabing yon.

"sige dito na ako beshong. Ingat ka ha!"

Ngumiti lamang ako kay lorraine at pumasok sa klase ko. At napag alaman ko na bukas ay mag uumpisa na daw ang P.E namin na kinatuwa ng mga kaklase ko.

Anong nakakatuwa sa P.E? At isa pa anong connect non sa pagiging HRM student namin.

Natapos ang klase namin at ng pag labas ko agad na bumungad sakin si Aris na kinangiti ko. Halos isang linggo ko din siyang di nakita.

"long time no see!"

Pang aasar ko rito at nabigla ako ng umakbay siya sakin at nag lakad kami.

Nagbulungan ang mga estudyante sa nakita samin.

"bakit na miss mo ba ako binibini?"

Napangiti lamang ako rito at inalis ang akbay niya dahil sa naiilang ako.

"tila nakikita ko ang iyong pag kasabik sakin sa tamis ng iyong ngiti"

"Sira! San ka ba nanggaling?"

"marami kasi kaming business plan na ginawa. Kaya naging busy ako"

"ahhh"

"Tara sa picnic groove. Nag luto ako pambawi sayo!"

Pinakita niya sakin ang bag na bitbit niya.

"bakit ka naman babawi sakin?"

"kasi na miss mo ko"

"assumero!"

"bakit di ba?"

Sa totoo lang namiss ko ang lalaking ito dahil halos siya ang nakakasama namin ni lorraine dito sa Academy tas bigla siyang mawawala kaya nakakapanibago.

"pag sinabi ko bang hindi maniniwala ka?"

"hindi dahil gwapo ako"

Buong loob niyang sagot.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon