Di nawala sa isip ko ang plano naming pagtakas ni Lorraine nung araw na yon sinabi ko kay Lorraine na dapat makisalamuha muna kami sa kanila.
Iwasan ang pag-iisip na isa kaming tao dahil maging dahilan yon para malaman ng ibang estudyanteng tao kami.
Mortal kami at wala kaming laban sa mga katulad nila. Mahirap mag padalos-dalos lalo na sa pagtakas namin.
Kung ang kapwa nila estudyante ay kaya nilang paslangin dahil lang sa paglabag ng patakaran anu pa kaming isang hamak na tao lamang.
"b-beshong?"
Napatingin ako kay lorraine na ngayon ay nakasuot na ng P.E uniform na ibinigay ni aris kahapon.
"You look so beautiful! Bakit ang ganda ng bestftiend ko?!"
Lumapit ako at inakbayan siya para mawala ang pangamba niya.
Tama si aris. Ang takot namin ang magpapahamak samin.
"Audrey natatakot ako"
"Lorraine I'm sorry. Napasok ka sa ganitong sitwasyon dahil sakin"
Umupo ako sa kama at pinag masdan ang kisame. Dahil pakiramdam ko anytime babagsak na ang mga luha ko.
"Ginawa mo lang naman to para kay tita Glenda wala kang kasalanan"
Naalala ko ulit ang sinabi ni Madam Ara na nagising na daw ang mama ko.
Sayang nga lang na di ako ang una niyang nakita sa pagmulat ng mata niya.
"Nakausap ko kahapon si Madam Ara at sabi niya nagising na daw si mama pero kailangan pa daw obserbahan"
"Talaga?! Kung ganon di naman ganon kasama ang pag pasok natin dito"
Nakita ko ang pilit na tawa ni Lorraine habang sinasabi un.
Alam ko din sa sarili ko na pinipilit ko din na maging ok kami kahit hindi.
"Beshong pangako ko sayo. Magkasama tayong lalabas sa Academy ng buhay."
Madiin kong sabi kay Lorraine na kinangiti niya.
Alam niya kasi na pag nangako ako gagawin ko talaga.
Kahit kailan di ako nasira sa usapan.
"Pano ba yan? Blood celebration daw ngayon?"
Kinuha ko ang pulang likido na bigay samin ni aris at nag katinginan kami ni Lorraine.
"Hindi ko aakalain na mararanasan kong maging bampira sa loob ng isang linggo"
Matawa tawang saad ni Lorraine sakin.
"inumin na natin?"
Tumango lamang siya at sabay namin iyong ininom.
Gumuhit ito sa aking lalamunan at lasa ko rito ang pait na halos maisuka ko na
Pero pilit ko itong nilunok kahit pakiramdam ko ay gusto nang ibalik ng sikmura ko.
"daig pa nito ang alak ah!"
Singhal sakin ni Lorraine na parang ganon din ang naramdaman niya.
Lumabas na kami ng dorm at makikita mo sa mga estudyante ang tuwa sa mangyayaring P.E ngayon.
"Audrey Akisha May Salvador and Lorraine Renesmee Palmones. Ito ang magiging I.D niyo for this week. Kau ay salukuyang nasa unang bahagi pa lamang"
Inabot naman samin ni Yana ang isang I.D card.
Naglakad lakad na kami ng may sumalubong saming lalaki na sobrang lawak ang ngiti samin.
"Ok na ba kayo?"
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampirVampire The mother of Audrey Akisha May Salvador was hit in run by someone. He do any job to earn money for his mother was in the hospital. But it was not enough for the needs of her mother. She saw a paper with printed 'Wanted Maid'She decided to a...