Inasikaso kami ng mayordoma ng bahay na to. At dinala niya kami sa guest room. Na wari namin ni lorraine ay ito na ang mismong kwarto ng may-ari ng bahay sa sobrang laki.
"Sure ka ba na ito ang kwarto namin?"
Tanong ni Lorraine sa mayordoma na kinatawa naman nito.
"Hindi mo ba nagustuhan Ms. Palmones?"
Sagot ng katulong kay Lorraine na hanggang ngayon ay nakatingala sa kisame.
"NO! ITS PERFECT! For sure mas maganda ang kwarto ni madam. Guest room pa lang pang royal palace na!"
Turan ni Lorraine sa katulong at sabay bagsak ng sarili sa master bed ng kwarto.
Grabe ngayon lang ata ako nakapasok sa ganitong kwarto. Pano pa kaya ang kwarto ni Madam Ara.
"Kinalulugod ko na nagustuhan niyo."
Sabay yuko nito ng bahagya samin na kala mo ay napaka maharlika naming tao.
Ang OA naman ng babaeng ito. Sabagay para din namang palasyo sa laki ang bahay ni Madam Ara.
"Ah ikaw lang ba mag-isang katulong dito?"
Takang tanong ko rito dahil siya lang ang nakikita kong katulong dito sa bahay. Ang hirap din naman siguro kung mag-isa ka lang kung ganito kalaki ang bahay.
"Marami kami. May namumuno sa kusina at may mga tagapag luto. May mga taga linis. Hardinero. Driver. Pero sa ngayon wala sila dahil sa isang mahalagang bagay na iniutos ni Madam Ara. Sa ngayon ako ang nakatalaga sa mansyon bilang isang mayordoma"
Pag papaliwanag nito ng kabuuan sakin. Parang sinigurado niya talaga na hindi na ako magtatanong.
"Ms. Palmones at Ms. Salvador. Narito sa kahon ang mga kakailanganin niyo sa Academy."
Turo niya sa kahon na nasa gilid ng pinto.
"Salamat"
"Dumito muna kayo kung may kailangan kayo. Tawagin niyo lamang ako"
Lumabas na ito ng kwarto at naiwan na kami ni Lorraine.
Tumabi ako sa pag kakahiga ni Lorraine sa kama at niyakap ko siya.
"Beshong thank you ha! Sinamahan mo ko!"
"Asus ikaw pa! Iwan ba kita dito mag-isa. Nga pala ---"
Umupo ito at humarap sakin na kala mo may i chichismis sakin sa reaksyon ng mukha niya.
"Yung aris na anak ni Madam ang gwapo niya no"
Napaupo narin ako at inalala ang mukha ng lalaki.
Hindi mapag kakaila ang kagwapuhan niya. Na namana niya sa kanyang ina.
"May gf na kaya siya?"
Tanong ko kay Lorraine na kinalaki ng mata nito.
"Bakit type mo? Naku beshong kung siya magiging first bf mo. JACKPOT! Gwapo na mayaman pa!"
Umariba na naman kami sa usapang lalaki. Kahit ang totoo hanggang crush lang ako at type. Never pa ako nag ka bf. Shy type kasi ako. Aaminin ko maganda ako hindi sa pag mamayabang. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, bagsak ang buhok at isa pa sexy. Marami ding nanligaw but si mama talaga ang priority ko at pag-aaral ko noon.
Ito namang si Lorraine black beauty hawigin nga ni Nadine Lustre ei.
Sumapit ang pag kagat ng dilim na nandito lang kami sa kwarto. Nahihiya kasi kami lumabas labas kahit nga lunch namin pinadala na sa kwarto namin.
"Mga binibini"
Napatayo kami ni Lorraine sa pag lalaro ng board game ng pumasok ang anak na lalaki ni Madam Ara.
"Hindi ka ba marunong kumatok?"
Inis na turan ni Lorraine sa lalaki.
"Hindi ba kayo marunong mag sara ng pinto?"
May pag ka hambog din pala ang lalaking ito.
Gwapo nga wala namang modo. Parehas kaming babae ni Lorraine, nakakabastos naman kung bigla na lang papasok ang lalaking tulad niya.
"Bakit sir may kailangan po kayo?"
Galang na turan ko dito. Dahil sa kabilang banda amo ko parin siya at isa ako sa mga katulong nila. Imbes na patulan ko ay dapat igalang at pakisamahan ko.
"Sumabay na daw kayo samin mag dinner sabi ni ma'ma"
Tumango lamang ako rito at iniligpit ang chess board na nakita namin ni lorraine sa cabinet.
-Mess Hall-
"Maupo kayo"
Sinunod naman namin ang sinabi ni Madam Ara at ngayon ay nakaupo na kami sa isang mahabang mesa na maraming upuan pero lima lang kaming nakaupo. Katabi ko si lorraine habang kaharap namin si aris at isa pang bata. At sa gitna si Madam Ara.
"ma'ma sila ba ang dinner natin?"
Napabuga si aris sa iniinom niyang tubig sa turan ng bata. At kahit kami ni lorraine ay kinilabutan sa sinabi ng batang katabi niya.
"Aris! Nasa harap tayo ng pagkain kasama ang mga bisita. Magbigay galang ka naman!"
"Pasensya ma'ma."
Tumingin samin si Madam Ara na nakangiti at sumubo ng pagkaing nakahanda.
"Siya si top ang bunso ko. Pagpasensyahan niyo na mahilig kasi siyang manuod ng horror kaya ganyan. Hindi ko naman matutukan dahil sa busy ako."
Paliwanag samin ni Madam at nag umpisa na din kaming kumain.
Ang hirap talaga kapag hindi natututukan ng magulang ang mga anak nila. Maraming natututunan na hindi naman dapat lalo na sa edad ni Top.
Bigla ko tuloy naalala si mama. Swerte parin ako dahil kahit lumaki akong walang ama. Inalagaan niya ako. At ngaun ako naman mag aalaga sa kanya.
"Top sila ang bago nating maid. Hindi mo sila pwedeng kagatin tulad ng madalas mong ginagawa. At hindi sila pag kain tulad ng napapanood mo sa movie."
Paliwanag ni aris sa kanyang kapatid. Siguro napakakulit na bata nitong si Top. Si aris naman ay may pagka hambog. Apat silang magkakapatid. Sana mabait yung niccolo na aalagaan ko. At yung isa pa. Bahala na basta kailangan ko sila pakisamahan.
Naalala ko bigla ang sinabi ni aris kanina na hindi daw normal ang kapatid niya.
Nakakaramdam tuloy ako ng takot at kaba.
"By the way, aris bakit pinabalik ka ni Niccolo dito?"
Tanong ni Madam sa anak habang kami ay nakikinig lang at kumakain.
"Ako na daw po ma'ma ang bahala sa dalawang binibini bukas. Ako ang nakatalaga sa pag hahatid sa kanila."
"Bakit hindi na lang niya iniutos sa iba?"
"mas ligtas sila kung ako."
Ngumiti ito samin na kinataas ng kilay ko. As if naman na mapahamak kami. Sadista kaya itong si Lorraine. Mas delikado nga ata pag siya ang kasama namin.
"ma'ma subuan mo ko"
Paglalambing ni top sa kanyang ina. Ang cute niya lalo na ng nag pout siya.
Binuhat naman siya ni Madam at kinalong at sinubuan ito.
"wag mo na uulitin yon sa classmate mo ha. Magagalit na si ma'ma pag inulit mo pa"
Tumango lamang ito sabay halik sa ina.
Natapos ang dinner namin at sobrang nabusog ako sa mga masasarap na pagkaing nakahanda kanina.
Hayst.
Bukas papasok na ako.
Sa wakas makakapasok ulit ako. Pag tapos ng isang taon ko dito. Ang perang naipon ko sa bank account ko, ipagpapatuloy ko ang pag aaral ko. Kasama si mama gagawa kami ng maliit na negosyo. At mag sisimula muli.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampiroVampire The mother of Audrey Akisha May Salvador was hit in run by someone. He do any job to earn money for his mother was in the hospital. But it was not enough for the needs of her mother. She saw a paper with printed 'Wanted Maid'She decided to a...