Kabanata 1 : Lucky Cat

640 21 0
                                    

     Nakaupo ako ngayon sa labas ng kwarto ni mama at hinihintay ang paglabas ng doctor sa kwarto niya. Labis ang kaba na nararamdaman ko dahil sa kabilang banda iniisip ko na baka umaasa na naman ako na may pagbabago sa kundisyon ni mama.

     Agad akong napatayo nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at niluwa nito ang doctor ni mama. Tinitigan ko siyang papalapit sa akin at hinihintay ang unang salita na kanyang babanggitin.

     "According to the result your mother is in good condition but we don't know kung kailan siya magigising"

     Tulad ng una wala paring pagbabago sa lagay ni mama na nasa mabuti siyang kalagayan ngunit di mawari kung kailan siya magigising.

     "Salamat po doc, mauuna na po ako", yon na lamang ang sinabi ko sa doctor bago ako tuluyang umalis.

     Habang natagal si mama dito sa hospital lalong lumalaki ang bayarin niya at hindi ko na din alam kung saan ako kukuha ng pera. Tumigil na din ako sa pag-aaral para matustusan ang pangangailangan ni mama sa hospital.

     Tungkol naman sa aking ama, kung nasaan siya ngayon ay gusto ko lang malaman niya na wala siyang kwentang ama, pagtapos niyang takasan ang responsibilidad niya sa amin ni mama.

     Gustuhin ko mang makahanap ng maayos na trabaho ay di ko magawa dahil Junior Highschool lang ang tinapos ko at pinalayas na din kami sa inuupahang bahay namin kaya naman nakikitira lang ako ngayon sa bahay ng bestfriend ko.

     Dinalaw ko lang saglit sa hospital si mama bago ako pumasok ng trabaho sa karinderya na pagmamay-ari ng magulang ng bestfriend ko.

     Pagkarating ko sa karinderya ay agad ko namang nakita ang bestfriend ko na naghahanda na para pumasok ng school.

     "Oh beshong kamusta na si tita glenda?", agad na tanong niya sa akin.

     She is my bestfriend, Lorraine Renesme Palmones. Siya ang aking butihing bestfriend/beshong at kahit kailan di niya ako iniwan ups and down ng buhay ko at kung hindi dahil sa kanya ay baka sa kalsada na ako natutulog.

     "Yon di ko parin alam kung kailan siya magigising at isa pa nalaki na ang bills namin sa hospital", umupo ako sa malapit na upuan at ganoon din si lorraine.

     "Alam mo beshong kahit ano yata ang gawin mong sideline sa laki ng babayaran mo baka magkandakuba kana lang sa trabaho ay hindi mo pa nailalabas ang mama mo sa hospital"

     May point din naman si lorraine sa sinabi niya dahil maliit ang kinikita ko dito sa karinderya nina Lorraine dahil sa kanila din ako nakatira. Suma-sideline din ako sa ibang trabaho tulad na lang ng magiging dishwasher after ko dito sa karinderya magtrabaho. Pag sapit ng hapon Janitor ako sa isang supermarket at hindi sapat ang kinikita ko para sa gastusin ni mama.

     "Beshong tulungan mo naman ako", pag mamakaawa ko rito.

     "Beshong para na akong PAG-IBIG dahil sa pabahay ko sayo, SSS dahil every month hinahati ko ang allowance ko para sayo at PhilHealth para sa pag-aambag ko sa hospital bills ng mama mo"

     Nahiya naman ako sa sagot niya pero niyakap ko siya ng mahigpit para kulitin siya. Alam kong di niya ako matitiis. Hehe.

     "please....."

     "beshong may pasok pa ako tignan mo male-late na nga ako ei" sabay turo niya sa wall clock ng karinderya nila, pero nag matigas parin ako at pinilit siya na tulungan ako.

     "hindi mo na ba ako love?"

     "love kita syempre kaso wala talaga akong alam na pwede mong pasukan na may malaking sahod"

     Naluluha na ako at kailangan ko na talaga ng pera kaya pinilit ko parin si lorraine.

     "Samahan mo na lang ako maghanap ng trabaho. Pleaseee...."

     Pinagdikit ko pa ang dalawang palad ko na nagpapakita ng pagmamakaawa sa kanya.

     "Siya sige na maghahanap tayo ng trabaho mo, bilisan natin at baka maabutan tayo ni mama" napatalon naman ako sa tuwa sa tinuran ni lorraine.

     At dahil sa akin ay absent si lorraine. Bad influence ba akong kaibigan? Haha.

     Inabot na kami ng hapon pero wala talagang tumanggap sa akin at kung meron man ay kulang pa sa laboratory test ni mama.

     "pagod na ako" inda ni lorraine at sabay kaming umupo sa isang bench dito sa park. Masakit narin ang paa ko sa paglalakad.

     "Bakit naman kasi yang sumagasa sa nanay mo ay walang puso! Nakagawa na nga siya ng kasalanan tinakasan niya pa! Wala ba siyang konsensya?!" galit na turan ni lorraine.

     Napayukom ang mga kamao sa galit sa taong may dahilan kung bakit nasa hospital si mama. Kung hindi dahil sa kanya nag-aaral pa sana ako ngayon at hindi nag dudusa ng ganito ang pamilya namin. 

     Unti-unting tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Natapos ang maghapon na wala man lang nangyari sa paghahanap ko ng trabaho naabala ko papati pag pasok ni Lorraine.

     "HOY WAG KA NGA UMIYAK LUMALAKI BUTAS NG ILONG MO! ANG PANGIT MO! hay naku bili kita ng kwek-kwek libre ko"

    "sige samahan mo na din ng fishball"

    "ay grabe kung di lang kita bestfriend. Dito ka muna ha bibili lang ako wag ka aalis diyan"

     Habang nag iintay sa pagbabalik ni Lorraine may tumalong pusa sa hita ko kaya naman na istatwa ako sa aking pagkakaupo. Isang malaking itim na pusa ang humiga sa hita ko at sa aking palagay ay may nag mamay-ari sa pusang to dahil sa necklace niya na may crescent moon pendant.

      "meow"

       Dahan-dahan kong hinawakan ang ulo niya at mas lalong gumaan ang pakiramdam ko nang hayaan niyang hawakan ko siya. Wala pang isang saglit ay agad siyang umalis kaya naman sinundan ko siya hanggang makarating kami sa likod ng isang malaking puno. Lumapit siya sa isang puting papel upang doon humiga at napansin ko ang isang printed letter na nakalagay sa puting papel kaya naman kinuha ko ito.

'wanted maid'

        Nabuhayan ako ng pag-asa sa nabasa ko at nakalagay na din sa papel ang contact number at adress ng taong nag hahanap ng katulong. Nanlaki naman ang mata ko sa sahod na pwede kong kitain na nakalagay sa papel. 200k per month ba naman ang pwede kong kitain at talagang laking tulong ito para sa amin ni mama.

      "beshong bakit ka umalis don? diba sabi ko wag ka aalis?"

      "sinundan ko kasi yung pusa---"

     Naputol ang sasabihin ko nang wala na yung pusang sinundan ko.

     "anong pusa?"

     Pinakita ko kay Lorraine ang papel na nakita ko at tulad niya nagulat din siya sa sahod na pwede kong kitain.

    "Teka ha parang nakakapagduda naman ata yang 200k na yan. Sigurado ka ba diyan?"

    "Wala namang mawawala kung hindi ko susubukan diba? at kung kanino mang pusa yung nakita ko kanina siya ang nagdala ng swerte sa akin ngayong araw"

    "Sige na beshong umuwi na tayo dahil sigurado akong nakaabang na sa harap ng bahay si mama dahil dapat kanina pa ako nakauwi galing school"


'End of Kabanata 1'




Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon