Kabanata 35 :Audrey

125 10 2
                                    

Nagising ako sa pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha.

"Good morning"

"AY PUTAKTE!"

Bigla akong tumayo ng makita na nasa harap ng mukha ko ang supremo.

"Anong putakte?"

Pinagmasdan ko siyang tumayo sa bermuda grass kung saan kami natulog.

"Breakfast?"

Sabay turo niya sa lamesa na nasa garden niya. Pinaghila niya pa ako ng upuan para makaupo ako.

Sana lagi na lang siyang ganito. Sweet and gentleman.

"Baka may lason to ah!"

"Bakit naman kita lalasunin?"

"Ang weird na naman kasi ng ugali mo!"

Sumubo ako ng fried rice at longganisa na nakahanda sa lamesa. Ang sarap ng pagkakagawa ng fried rice niya. Di ko akalaing ganito siya kagaling magluto.

"Samantalahin mo na dahil baka mamaya maihipan na naman ako ng masamang hangin"

"Ikaw nagluto ng lahat ng to?"

"oo sino pa ba?"

Tumahimik na lang ako at kumain baka mamaya ay mag sungit na naman ito. Mahirap na paiba iba pa naman ng personality ng bampirang ito.

"Next week ay may gaganaping foundation day"

Foundation day? As in yung mga may booth. Uso din pala sa Academy ang foundation day. Bigla tuloy akong na excite.

"So magiging busy ka?"

"Oo"

Matipid niyang sagot.

After kumain ay nag hugas na ako. Minabuti ko na ring bumalik sa dorm para makapagready sa klase ko.

Kakabalik niya lang busy na naman siya.

Sana naman ay maisipan niyang utus-utusan ako para naman makita at makasana ko siya.

Wait? Ano ba tong naiisip ko.

Ayaw ko pa non di ako uutusan ng lalaking yon. Di ko makakasama ang bipopular na yon.

"At saan ka natulog kagabi?"

Bungad sakin ni lorraine na naka pameywang pa. Nasilayan ko naman si Aris na nasa sala parin.

"w-wala"

Nilampasan ko lang siya pero muli niya akong hinarangan.

"Anong wala? Ano yon lumabas ka kung san ka naabutan ng antok don ka na lang basta humiga?"

"Ganon na nga"

Nakita ko namang nagpipigil ng tawa si aris kaya naman nilapitan ko siya.

"Salamat nga pala sa pag babantay mo pwede ka nang umalis"

Iniwan ko pala ang bestfriend ko sa lalaking ito na sila lang dalawa. Pakiramdam ko tuloy may ginawa silang di maganda nakaramdam ako ng galit sa kanya.

"Grabe ka naman beshong"

"bakit may gagawin pa ba siya dito? Sige na umalis ka na!"

Pinagtulakan ko si aris hanggang makalabas at hinarap ko si lorraine.

"Anong ginawa niyo ng wala ako?"

"Anong klaseng tanong yan?! Ei ikaw san ka galing kagabi?!"

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon