"san kayo galing? Ganito ba ang oras ng uwi ng mga dalaga ha?!"
Di pa man kami nakakapasok mismo sa loob ng bahay ay agad kaming nasermonan ng mama ni lorraine at tila kanina pa ito nag aantay sa amin. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala sa amin. Sinubukan ni lorraine na mag paliwanag sa kanyang ina tungkol sa paghahanap namin ng trabaho at inaasahan ko na mas lalo itong magagalit.
"hindi ibig sabihin non kailangan um-absent ka sa school?!" pagpapatuloy ni tita Cora sa pagsasalita niya.
Agad kaming pinapasok nito sa loob at pinaderetso niya sa kwarto si lorraine kaya naman naiwan kami sa sala ni tita cora na nakaupo.
"sorry po tita" wala akong ibang masabi kundi iyon dahil narin sa sobrang hiya kay tita Cora. Pinag-alala ko siya ng sobra sa pag alis namin at di ko siya masisisi dahil nag iisang anak nila si lorraine bukod pa roon ay isa siyang magulang
"alam kong di lalayo sayo si lorraine, parang kapatid kana rin niya. Alam mo namang nag-iisa ko siyang anak at sayo na niya lang naranasan ang magkaroon ng kapatid, pero sana Audrey maging mabuti kang kapatid para sa kanya hindi yung dadalhin mo siya sa kapahamakan. Gabi na baka kung mapaano pa kayo, pasalamat na din sa diyos na nakauwi kayo ng ligtas. Nga pala kamusta ang paghahanap niyo ng trabaho?"
Sa kabila ng nangyari ay napakabuti parin sa akin ni tita Cora at ang laki ng utang na loob ko sa pamilya niya dahil sa walang sawang pagtulong nila sa amin. Ipinakita ko sa kanya ang papel na nakita ko at tulad namin ni Lorraine ay nagulat din siya.
"Sigurado ka ba dito?" pag-aalalang turan niya.
"Susubukan ko lang po, kung hindi po okey edi tatanggihan ko po. Tsaka kung may problema po ay tatawag po ako sa inyo agad".
Hinawakan ako sa balikat ni tita Cora at sinabing mag-ingat ako sa trabahong papasukan ko. Pinapunta na niya ako sa kwarto para don na lang niya kami hahatiran ng pagkain. Pagpasok ko sa aming silid ni Lorraine ay salubong ang dalawa niyang kilay na nag tanong sa akin.
"Kamusta ang sermon ni mama?" sinagot ko siya ng pangiti at sinabing okey lang.
"Okey lang? Kailan pa naging okey ang sermon?" tumabi ako sa kanya at hinawakan siya sa kanyang balikat at sinabing "Pagdidisiplina lang yon. Atleast alam natin na ganon nila tau kamahal at may pakelam sila sa atin"
Parehas kaming napabaligwas ni lorraine sa aming kinatatayuan ng may malaking pusang pumasok sa loob ng kwarto na nagmula sa bintana kaya naman agad kumuha si Lorraine ng walis tambo upang bugawin ito ngunit agad ko naman siyang pinigilan dahil ito ang pusang nakita ko sa park.
"Lorraine wag! Yan yung pusang nakita ko sa park kaya ko nakita yung papel na may wanted maid", dali dali ko namang kinuha sa kanya ang walis tambo at sabay dampot sa pusa.
"Diba malas ang pusang itim? Baka malas dala niya sayo. Wag mo na kayang puntahan yang wanted maid na yan" pang-aalipusta ni Lorraine sa pusang bitbit ko, ika nga nila don't judge the book by its cover.
"porket maitim malas agad? Edi malas ka kasi maitim ka?" bawi ko naman sa kanya.
"hoy grabe ka ang swerte mo kaya sa akin!"
"oh edi swerte din sa akin ang pusang to"
Binuhat ko ang pusa at nakita ko naman ang kasarian niya at nalaman kong isa siyang lalaki.
"Siya si shadow"
"meow"
"gusto mo ba yon?"
"meow"
Nakakainis naman ang pusang ito dahil wala na siyang ibang sinabi kundi meow, sa tingin niya ba magkakaintindihan kami. Wala pang ilang saglit ay pumasok na si tita Cora sa silid namin na may dalang pagkain kaya naman umalis si shadow sa pagkakahawak ko dahil siguro sa nagulat siya sa pagpasok ni tita Cora. Hinayaan ko naman si Shadow na tumalon sa bintana upang umalis.
"Iwanan ko na kayo dyan ha, aasikasuhin ko lang si danny dahil kararating niya lang galing trabaho"
"Salamat po" yon lang at umalis na si tita Cora sa silid.
"Beshong sama ako sa pag-aapply mo ha"
"dito kana lang baka magalit na naman si tita Cora tsaka may pasok ka pa bukas" pagpapaliwanag ko dito para di na niya ako kulitin.
"Damot mo naman, luwa mo yang kwek-kwek na bigay ko!"
"wag na mag tampo. Promise sa susunod hindi na kita tatanggihan pero sa ngayon pumasok ka muna bukas sa school" nag pout siya sa sinabi kong yon.
Tinapos na namin ang aming hapunan at ginawa ang aming routine bago matulog. Bukas ng umaga ay pupuntahan ko ang adress ng sinasabi dito sa papel para maasikaso ko kaagad ang lahat na dapat kong gawin, minabuti kong mag text sa contact number at agad naman itong nag reply.
See you tommorow.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireVampire The mother of Audrey Akisha May Salvador was hit in run by someone. He do any job to earn money for his mother was in the hospital. But it was not enough for the needs of her mother. She saw a paper with printed 'Wanted Maid'She decided to a...