Kabanata 36 :Announcement

109 10 0
                                    

Sa tatlong araw na pamamalagi namin sa dorm ay wala namang kakaibang nangyari. Di rin ako makatulog ng maayos dala narin ng takot sa mga nakita ko.

Na trauma ako.

Pakiramdam ko na sa paglabas  ko ng pinto may nakaabang sakin para patayin ako.

"Beshong next week na foundation day yon din ang araw na birthday ko"

Sa sandaling yon nawala bigla ang mga iniisip ko at nakita ko na sumilay ang ngiti sa mga labi ni lorraine.

November 1 na pala sa next friday. 19th birthday ni lorraine at kasabay non ang foundation day.

Nakalimutan ko dahil narin sa dami ng iniisip ko.

"S-sorry nakalimutan ko"

Niyakap niya ako ng mahigpit pagtapos non ay hinaplos niya ang palad ko.

"Naiintindihan ko. Miski ako natatakot sa nangyari lalo na nasangkot ang pangalan mo. Kung meron man ako wish sa birthday ko yon ay ang kaligtasan natin"

"Siguradong maghahanda sina tita Cora"

Tuwing birthday kasi ni Lorraine walang okasyon na di nag hahanda si tita Cora. Bukod sa nag iisa  nilang anak si Lorraine spoiled nila ito sa mga gusto ng anak nila.

"Miss ko na sila"

"Miss ko narin si mama. Kamusta na kaya siya?"

Huling balita ko kay mama ay nagising na siya.

Ngayon kaya?

"Proud sau si tita Glenda. Pumasok ka ba naman sa ganitong lugar para lang sa pag galing niya"

Natawa naman ako sa tinuran niya.

Ganito ko kamahal si mama. Siya na lang kasi ang natitirang pamilya ko.

Natigil ang pag-uusap namin ni lorraine ng marinig namin ang sabay sabay na pag tunog ng bell sa bawat sulok ng Academy.

Kaya naman lumabas kami at nakita namin ang mga estudyanteng lumabas din sa dorm nila.

Tapos na ang tatlong araw na walang pasok pero sabi samin ni Yana ay hintayin daw ang anunsyo ng supremo.

Sinundan namin ang mga estudyanteng lumabas sa building ng bawat dorm at napadpad kami sa malawak na gymnasium.

Sa dami ng estudyante ay para kaming nasa Arena.

Humanap kami ng mauupuan ni lorraine at pinagmasdan ang pagbukas ng isang malaking TV na nasa harap namin. Nakita namin sa TV ang mukha ng superior.

"Good morning Vampire's Student"

"Good morning superior"

Sabay sabay naming bati.

Tumingin ako sa stage na di naman kalayuan sa kinauupuan namin at nakita ko si supremo na nakaupo katabi ni aris at ni Yana.

Sa kabilang side naman ng superior ay nakaupo ang mga pinuno na sina Lord Matt, Lord Oscar at Lord Melendez.

Sa unang helera ng upuan na nakaharap sa stage ay mga Proffesor at mga school stuff ng paaralan.

Napatingin sa gawi ko ang supremo kaya naman napaiwas ako ng tingin.

"Nagkaroon ng malaking imbistigasyon sa nangyari. Di lamang sa Vampire Academy kundi narin sa ating mundo. Sa aking palagay ay merong gustong mangyari ang salarin kung bakit niya ito ginagawa. Nasira din lahat ng gamit sa laboratory kung saan ginagawa ang gamot para sa atin upang maging normal na tao tayo"

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon