Kabanata 40 :Free

110 13 0
                                    

Kung dati ay masungit at pala utos siya. Ngayon ay isa na siyang mapang asar na supremo.

Don na kami natulog sa kwartong yon. Tinulungan ko narin ang supremo sa mga gawain niya. Di narin kami nahirapan sa kakainin namin dahil meron nang stock.

Habang palapit ng palapit ang foundation day mas lalong nagiging busy ang mga estudyante. Kami rin dito sa classroom ay masiyadong busy para sa gagawin namin sa foundation day. Tuwing hapon ay pumupunta ako sa kitchen para mag practice.

"Excuse me"

Yan na naman ang tingin ng mga kaklase ko. Parang gusto nila akong kainin ng buhay sa mga tingin nilang yan. Ilang araw na rin kasi ang nakalipas simula nung nangyari sa gymnasium lagi akong pinupuntahan ng supremo sa classroom ko para sunduin. Kaliwat kanan narin ang tanong sakin ng ibang estudyante kung anung namamagitan samin ng supremo ang lagi ko na lang sinasabi ay mag bestfriend kami.

Yon naman talaga ei.

He treated me as a bestfriend. Ginagawa niya ang mga ginagawa din ni lorraine minsan nga ay nakikipag kompetansya pa siya rito katulad na lang kahapon.

Kung anu anung favorite food ko ang inorder ni lorraine sa cafeteria at ito namang si supremo di nag patalo. Lahat ng nasa menu ay binili niya. So ang ending pinamigay din namin dahil di namin kayang ubusin.

Im so lucky to have a two bestfriends.

"Hoy supremo sakin sasama si beshong"

Eto na naman po sila. Oras na mag eexcuse si supremo sa klase ko lagi niyang kasunod si lorraine.

"Ms. Guitierez May I excuse Ms. Salvador kailangan ko siya sa Office ko"

Nginitian lang ako ng proffessor namin.

"You may go Ms. Salvador"

Tumayo na ako at iniwan ang masasamang tingin ng kaklase ko. For the first time kasi na mag excuse ang isang supremo sa isang klase. Madalas daw kasi itong sa Office lang at dorm niya. Pero simulang napadpad ako sa lugar na ito ay makikita mo na ang supremo saan mang sulok ng Academy lalo na sa lugar kung asan ako.

"Beshong diba tutulungan mo ko sa pag wrap ng mga boxes para sa booth namin?"

"Busy siya lorraine kay kuya kana lang mag patulong. Gagawa kami ng invitation"

"Edi don ka sa secretary mo mag patulong! Tutal crush mo naman yon ei"

Natawa ako sa pang aasar ni lorraine. Nakwento ko kasi sa kanya yung cellphone ng supremo na puro picture ni Yana.

"Ei si Akisha gusto kong kasama. Bakit ba?"

"Ei sa gusto ko din siya kasama!"

Parang bata na naman sila na nag aaway sa iisang laruan. May pagka childish din talaga ang supremo. Ang cute nga ei sabi ni aris ngaun lang daw ang supremo naging ganito. Nakikita narin ng iba ang pag ngiti ng isang supremo. Di tulad dati.

It was a first time.

And Im happy because of me I change him. Pero di mawala ang takot ko na panu pag wala na kami sa lugar na ito. Ganto parin kaya siya?

"Akisha come with me to make an invitation! And this is an order from Supreme Student President! "

"Pakelam ko!"

Hinila ako ni lorraine at agad naman nakahabol si supremo.

"Batas ako sa Vampire Academy! At sino ka para suwayin ang utos ko! Baka gusto mo maparusahan?!"

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon