Pagkabalik ko sa dorm ay nakita ko si Aris at Lorraine na masayang nag kukwentuhan sa sala.
Imbes na abalahin ay dumeretso na lamang ako sa kwarto namin at ibinagsak ang sarili sa kama.
Nakakapagod ang maghapong ito. Masiyado na akong maraming nalalaman sa mga bampira at sa lugar na ito.
Ano kaya ang itsura ng mundo nila na sinasabi ni Niccolo at ni Aris?
Kung hindi siya katulad ng mundo namin ano kaya ang itsura non?
Masiyado nang maraming gumugulo sa isipan ko. At ang pag-iisip ko ng mga kuryosidad ko ang magpapahamak sakin.
Bigla sumagi sa aking paningin ang picture frame sa side table. Litrato namin ni Lorraine nung grumaduate kami ng Junior Highschool.
Ano kaya ang tumatakbo sa isipan niya? Sigurado akong takot na takot siya at kinukubli lamang ng mga ngiti niya ang takot na yon.
Gagawa ako ng paraan para makatakas dito. Ilalabas ko ang bestfriend ko ng buhay dito.
Pumikit ako at wala pang ilang minuto ay nakatulog na ako.
"Beshong"
Kinusot ko ang aking mata at kahit malabo pa ang aking paningin ay nakita ko na ang malawak na ngiti ng aking kaibigan.
"Ang ganda ata ng gising mo ah"
Medyo namula siya sa tanong ko kaya naman napangiti ako dahil nabasa ko na kung bakit siya ganian.
"Bakit di mo sinabi na nakauwi kana pala kagabi?"
"ayoko namang istorbohin ang usapan niyo ni Vice President"
Kinurot ko siya sa tagiliran na may mapang-asar na tingin.
"Sira sinamahan niya lang ako dito sa dorm habang wala ka. Pinagluto na rin niya ako ng hapunan"
Buti naman ay ginawa niya ang pabor ko kagabi dahil alam kong di marunong magluto si Lorraine.
Magpapasalamat na lang ako sa kanya mamaya.
'hihintayin kita mamaya after ng klase sa unrightious falls'
Napatakbo ako sa labas ngunit wala akong nakita. Alam kong siya yon. Pero paano niya ako nakausap sa aking isipan ng ganito kung di ko naman siya nakikita sa paningin ko.
"beshong may problema ba?"
Napatingin ako kay Lorraine na parang kinakabahan sa kinilos ko.
Si Niccolo yon. Di ako nagkakamali dahil kilala ko na ang boses niya sa isipan ko.
"Wala yon Lorraine. Sige na maligo kana baka ma-late tayo sa 2nd day ng P.E class"
Tumango lamang ito at ako naman ay bumalik sa kwarto at napansin kong bukas ang terrace kaya tinungo ko ito para isara.
Sinara ko naman ito kagabi bago matulog.
Akmang isasara ko na ito ng magulat ako sa lalaking nakatayo sa bakod na bakal ng terrace namin.
"supremo?! Baka mahulog ka diyan!"
Napatawa naman ito sa aking tinuran kaya halos matulala ako sa mukha niya.
Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti, napaka gwapo niya sa aking paningin. Lalo na ang tawa niya parang anghel sa aking pandinig.
"Baka nakakalimutan mong bampira ako"
Sheyte!
Nakalimutan kong supremo siya ng mga bampira sa paaralang ito.
"Anong ginagawa mo dito?"
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampirosVampire The mother of Audrey Akisha May Salvador was hit in run by someone. He do any job to earn money for his mother was in the hospital. But it was not enough for the needs of her mother. She saw a paper with printed 'Wanted Maid'She decided to a...