Kabanata 32: I miss you

115 8 0
                                    

Don't fall inlove with humans.

In the first place mag kaibang uri kami at sa mundo namin maraming hindi makakaintindi but there was no wrong in falling inlove.

"Bakit naman bawal?"

"Hindi naman siya totally bawal I mean is if we want to stable in our relationship sobrang malabo yon. Hindi kakayanin ng mortal na babae magdalang tao ng isang bampira. Mamamatay siya at di kayang bigyan ng anak ng lalaking mortal ang babaeng bampira. We have no right having family with mortals. Siguro magmamahalan kayo pero di kayo sasaya. Mas mahaba ang buhay naming mga bampira kesa sa inyo"

"Sa napapanuod ko pwede niyong gawing bampira ang mga tulad namin"

"Pwede lang naming gawing bampira ang isang mortal kung ito'y aksidenteng namatay o di kaya sa sakit"

Inayos ko na ang sarili ko at sabay kaming umalis ni aris sa library building.

Lunch narin kaya naman minabuti naming pumunta sa cafeteria para doon mananghalian.

"Anong sayo libre ko"

"Baka naman suhol yan para di ko sabihin kay lorraine na gusto mo siya"

Pagbibiro ko kay aris na kinakunot ng noo nito.

As if naman na sabihin ko kay lorraine.

I mean alam kong type niya si aris at ayokong sa pag-alis namin sa lugar na ito ay may maiwan kami. Aalis kami ng walang ibang iniisip. At isa pa malabong maging sila ni aris. Kung maging sila man ay di yon tatagal, ayokong makitang masaktan si lorraine.

"I don't want to hurt your bestfriend at alam kong ganon ka din"

"Ganon ka ba ka confident na gusto ka rin niya?"

"Ofcoarse I feel it. She loves me too"

Taas noo niyang sabi sakin.

Umorder ako ng chicken wings at vegetable salad. Siguradong nakaupo na si supremo sa office table niya kaharap ang mga paper works niya.

Almost a week na din ng di ko siya nadalhan ng pagkain at isa pa di ko pa siya nakikita o mapuntahan man lang sa SSG office.

Ang weird kong sasabihin ko to. Na miss ko linisin ang SSG office pati ang table niya kahit na madalas dinadagdagan niya ang kalat pag nag lilinis ako.

Namimiss ko narin ang bipopular niyang ugali.

Lalo na ang tawa niya.

When I saw it pakiramdam ko na para sakin lang ang ngiti na yon.

I'm the only one who saw that. So i feel those smile is mine.

What the...??? Ano ba tong iniisip ko? Siguro nasanay lang akong nakikita siya dahil simulang pumasok ako rito siya lagi ang nandyan para bwisitin ang araw ko pero nag bago lahat ng yon ng pumunta kami sa mundo nila.

I miss it.

Gawin niya kaya ulit yon dito sa Academy?

"Lapad ng ngiti mo ah!"

Bumalik ako sa aking ulirat ng bumungad sa harap ko si aris.

"Iniisip ko kasi kung pano ka umihi sa pantalon nung elementary ka pa"

I rolled my eyes and started to walk in SSG Office.

"Oh ei bakit tau umalis sa Cafeteria? Atsaka gutom na gutom ka para ubusin lahat ng yan?"

Sabay tingin niya sa mga pagkaing dala ko.

"Dami mong tanong!"

Sumabay lang siya sa paglalakad ko at nang makarating kami sa SSG Office ang bumungad lang samin don ay si Yana na nasa Office table niya.

"Alam ko na! Para sa supremo yan noh?!"

Malawak na ngiti ni aris sakin kaya naman nahiya ako.

"W-wala pa ba siya?"

"Wala pa siya at wala kaming balita kung kelan balik niya"

Yon lang ang sinabi ni Yana sabay alis.

Almost a week pero di pa siya nakakabalik?

Nanlumo naman ako sa narinig ko. Bakit di ko yon napansin? Lately walang supremong nag papatawag sakin para utusan yon pala ay di pa siya bumabalik.

"Hoy kanina ang lawak ng ngiti mo tapos ngayon parang na lugi yang mukha mo porket wala ang supremo"

Umupo ako sa office table ng supremo at nilagay sa tabi ang mga pagkain.

Tinitigan ko ng masama si aris dahil asar na asar ako sa tawa niya.

"Isa pang tawa ihahampas ko tong office chair!"

"Easy! Nakakatawa kasi yang mukha mo. Kung nakita mo lang yang mukha mo kanina sobrang lapad ng ngiti mo yon pala excited ka na makita siya tapos WALA PALA HAHAHAHA!!!!"

"Bwiset ka!"

Binato ko siya ng throw pillow na nasa office chair ni supremo pero agad niya naman itong nasalo.

"Ayaw mo non? Wala nang mag uutos sayo at mambi-bwiset ng araw mo?"

"Tsk. Ikaw naman ang pumalit!"

"edi pag nawala ako excited ka rin na makita ako ulit ayieeeee"

Nakakainis ang bampirang ito sobrang lakas mang-asar!

Ang nakaka bwiset pa pikunin ako.

"In your dreams!"

"Crush mo nga ako ei"

Namula na ako sa mga sinasabi niya. Kelan niya ba ako titigilan?

"D-dati yon!"

Naalala ko tuloy yung nabasa niya ang isip ko na nasabi kong crush ko siya.

Takte nakakahiya.

"Bakit si supremo na crush mo?"

Lalo siyang lumapit sa mukha ko kaya naman napaatras ako ng onti.

"Anong nangyari nung wala kami ha?"

"W-WALA!"

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHA"

Umalis na siya sa harap ko at rinig na rinig ko sa apat na sulok ng silid na ito ang tawa niya.

Ang tamang tanong ay ano ang nangyayari sakin?

Napatingin kami ni aris sa bintana ng may kwagong kumakatok kaya naman binuksan niya ito.

Nagulat naman ako ng pumunta ito sa balikat ko.

"Taga paghatid iyan ng sulat sa mundo namin. Mukhang galing sa supremo dahil sila lang naman ng superior ang nakakapagbukas ng portal"

Kinuha ko naman ang maliit na papel na nakatali sa paa nito.

Bumilis naman ang pintig ng puso ko ng mabasa ko ang nakasulat.

"Uy ano yan?"

Lalapit na sana si aris ng ilayo ko ito sa kanya.

"Pagtapos mo ko asar-asarin! Tara kain na tayo"

Sa SSG Office na kami kumain ni aris.

After lunch ay dumiretso ako sa locker bago pumunta sa susunod kong klase.

Bago ko kunin ang libro na gagamitin ko sa sunod na klase ay binasa ko muna ang nakasulat sa maliit na papel bago ito isingit sa culinary book ko.

'I miss you Akisha'

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon