Isa siyang supremo. Kaya niya gawin ang nais niyang gawin. Siya ang batas sa paaralang ito.
Siya din ang susi para makalabas kami ni Lorraine rito.
Siguradong alam niya ang iba pang labasan sa paaralang ito.
"Hanapin niyo si shella. Dalhin niyo siya sa gymnasium"
Turan ni supremo sa tatlong lalaking nakatingin lang samin.
Wala silang alinlangan tumakbo paalis para sundin ang utos ni Niccolo.
"supremo ito ay kasama sa aking klase. Ang kailangan lamang ay matanggal ang piring kahit anong mangyari"
Tinitigan ng masama ni supremo si Lord Oscar na kinakaba ng ginoo.
Ganito ba ang nagagawa ng kapangyarihan?
Lahat ng nais niya ay nasusunod.
Tinitigan ni supremo ang kapatid na walang malay. Binuhat niya ito at dinala paalis sa lugar na ito.
"Audrey samahan mo ko"
Tumango lamang ako at sinundan sila.
"supremo hindi pa tapos ang klase ko"
"babalik ako. Ituloy mo ang klase mo susunod kami. Kuya ikaw na bahala kay Lorraine"
Tumango lang si Aris at umalis na kami ni supremo papunta sa clinic.
Ilang minuto din kaming nag-intay sa paggising ni Shanara.
"Inumin mo to"
Inabutan ni supremo ng isang supot na dugo si Shanara na dahilan para manumbalik ang lakas nito.
"Teka kuya may klase pa ah"
"Hinintay kita magising para malaman ko na ok kana"
"Ano ka ba kuya ok na ako. Tsaka bumalik na kayo don ni Audrey"
Tinitigan ko silang dalawa at may halong inggit akong naramdaman.
Nakakatuwa sigurong magkaroon ako ng kapatid tulad ni Niccolo. Napakaalaga niya kay Shanara.
"Magpahinga ka lang dyan ha. Ako na ang bahala kay shella"
"Kuya wag mo sasaktan si Shella. Wag mo gamitin ang kapangyarihan mo bilang supremo sa walang kabuluhang bagay!"
Hinimas ni supremo ang ulo ni Shanara at hinalikan ito sa noo.
"Makabuluhan ka sakin Shanara. Kapatid kita. At hindi ako papayag ng may makapanakit sayo"
Pagkatapos nila mag-usap ay tumungo na kami pabalik sa aming klase.
"Kamusta siya?"
Patakbong sumalubong samin si Aris at kita sa kanya ang pag-aalala.
"Ayos na siya kuya. Pagkatapos natin dito ikaw na magpataw ng parusa kay shella sa gym. This is an order from Supreme Student President and it will never break from someone else"
Ma awtoridad na utos ni Niccolo sa kapatid.
Gulp.
Mahirap makabangga ang supremong ito.
Isa siyang batas.
"Huli sa babaeng nagtutunggali ay si Audrey Akisha May Salvador at Trisha Anna Marie Smith"
Nakaramdam ako ng kilabot ng tawagin na ang aking pangalan.
Nag tap naman si Aris sa aking balikat bago ako magtungo sa unahan.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampirgeschichtenVampire The mother of Audrey Akisha May Salvador was hit in run by someone. He do any job to earn money for his mother was in the hospital. But it was not enough for the needs of her mother. She saw a paper with printed 'Wanted Maid'She decided to a...