XXIV

80 6 0
                                    


Third week of January ay natapos na din and semi-finals namin. February ay magtatapos na din ang finals. Yes, ang bilis. Kasi naman ay may graduation practices pa at mag-eenroll din kami sa mga review centers para sa May Board Exam.

Tumawag si Mama sa akin kaninashe told me that Papa is already awake pero hindi pa daw pwede na makapg video call kami. The bills were also shouldered by the company dahil it was their fault why it happened to Papa. Maybe last week of January ay makakauwi na daw sila kasi may inaasikaso pa na mga papers.

Kahit hindi pa natatapos ang kontrata ay pinaearly leave lang si Papa and after his full recovery ay pwede naman din daw siyang bumalik. The company gave him compensation and benefits para daw makabawi dahil sa nangyari.

I don't care about those as long as okay na si Papa, okay na din ako. Kaya naman ay hindi ako makapaghintay na makita ulit siya. I was so happy na I ended up in the bar.

Faye was not here at ang mga kasama ko lang ay ang mga accounting classmates ko. They were shocked na pumayag akong sumama sa kanila, lalo na si Peter dahil daw napakahirap ko daw kumbisihin kaya naman ng sinabi ko ang dahilan ay naghiyawan din sila. They were happy for the news that my father is already awake.

Wearing casual clothes ay pumasok kami sa bar na napili nila. It's located in Makati pero hindi ko na napansin ang pangalan. I'm just so happy that I didn't mind it all.

They ordered a lot of drinks and snacks. Kumuha lang ako ng isang bote ng beer na hindi ko alam ang pangalan pero ng malasahan ay nagustuhan ko din naman.

"Faye would be mad at me kapag nalaman nyang nasa bar ako ng wala siya" wika ko sa sarili ko

I laughed at the thought na she would be angry pero bahala na. Kai would obviously be worried pero hindi din naman nya malalaman dahil sobrang busy na nun sa studies niya.

"Tara girl, sayaw tayo!" wika ni George sabay hila sa akin sa dance floor

Tatanggi na sana ako pero ng maalala na dapat ay magsaya ay sumayaw na din ako. Upbeat ang music ng DJ kaya naman ay mabilis ko iyon nagustuhan. Sumunod din sa amin sina Matty, Angela at iba pa. We danced and jump as the lights keeps on changing colors.

I am so happy. It was as if all my problems were lifted. I shouted just like everyone else and laughed wholeheartedly.

Ang saya.

I promised myself to only drink one bottle pero kalaunan ay naparami din.  My friends were also drunk but I still have consciousness in me. I told George na uuwi na ako.

"George, I'll be going na - hik." wika ko sabay tapik sa likod nya

"Wait lang gurl, ihahatid tayo ni Peter-hik. May tama ka na ata-hik" sagot nya sabay hawak sa kamay ko

"I'm not-hik drunk-hik. Don't worry. Isa pa-hik kaya ko naman mag-isa-hik. Probably, Theodore is waiting for me in my condo-hik. Uuwi-hik. Hahahaha na ako-hik" wika ko

Hindi ko malaman kung bakit ako natatawa. Siguro dahil putol-putol ang pagkakasabi ko. Isa pa, nakita ko din ang nipple ni George kaya mas lalo akong natawa. Mukha kasi siyang hinubaran.

Our other friends were already knocked out at ang iba naman ay umiinom pa din at sumasayaw. Isa pa malapit ng mag 11 pm kaya kailangan ko na ding umuwi. Although, Theodore is probably sleeping by now kasi nasanay na iyon na matagal akong umuuwi pero kapag mas nagstay pa ako dito ay siguradong matutumba na ako sa antok.

Even with George grasp on me ay hindi ako napigilang umalis. I took my shoulder bag at naglakad papalabas sa bar. Nang muntik na akong matumba ay agad akong napahawak sa nakasabayan ko.

Midst of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon