XXX

90 4 0
                                    

Habang nakatanaw sa mga nagsisindihang ilaw ng syudad, naisip ko bigla na malayo na pala ang narating ko. Na para bang kahapon lang ay nagkakalmot pa ako sa ulo dahil nahihirapan saguting ang quiz tungkol sa auditing. Minsan natatawa nalang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin pero nakakaya pa din naman. Naipasa ko ang board at ngayon nagtatrabaho na din. 


"Sebastian is back." biglang wika ni Al na agad nakakuha ng atensiyon ko


Nandito kami ngayon sa Firefly Roofdeck Restaurant sa Makati. Hindi ko pa makalimutan noong tinanong ko siya bakit dito kami kasi ang sagot nya, "Kilala ko ang may-ari, sabi nya kapag pumunta daw ako dito ay hindi ko daw kailangan ng bayad."


"Paano ako?" tanong ko naman


"May pera ka naman kaya magbayad ka." ngising sagot nya


"Gago!" wika ko sabay tampal sa braso nya


Tumingin ako kay Al sabay sabing, "Itumba na natin?" tanong ko na ikinatawa nya


"Wala ka talagang kwentang kausap. Seryoso na ako dito pero ikaw puro biro." Sambit ni Al sabay inom ng wine.


Napangisi ako at tumingin sa langit. "Unang kita ko ulit sa kaniya Al ay tila ba bumalik kami noon. Yung tipong ang saya ko na kasama siya na tila ba kahit anong problema ay malalagpasan ko dahil nandoon siya. Pero kalaunan napalitan iyon ng galit, naalala ko naman kung paano niya ako niloko at kung paano ako nahulog sa kaniya at kung paano din ako nasaktan dahil sa kaniya."


Alam kong nakatitig sa akin si Alfonso pero hindi ko siya tiningnan pa. Nanatili pa din akong nakatanaw sa kumikislap na mga bituin. Matagal din akong hindi nakaramdam ng ganito kasi sobrang busy sa trabaho kaya masaya akong dinala ako dito ni Al. 


"Hindi mo na siya mahal?" tanong nya 


Huminga ako ng malalim at tumitig sa mga mata nyang hindi ko mabasa. Ngumiti ako ng konti bago sinambit ang sagot ko, "Hindi na."


Nakita kong napangiti ng konti si Al habang umiinom ng wine sa wine glass niya. Napakunot ang noo ko sa nakita dahil alam kong walang kuwenta na naman ang naiisip niya. Hanggang sa matapos kaming kumain at lumabas sa restaurant ay hindi pa din nawawaksi ang ngiti nya sa mukha na kapag napatingin ako ay mas lalo akong naiirita. 


"Kanina ka pa ngumingiti Al, sarap mong bigwasan." wika ko ng malapit na kami sa nakapark nyang kotse


"Masaya lang.." wika nya


"Masaya dahil nakalibre?" tanong ko


Umiling siya sa akin at pagkatapos nyang ma-unlock ang kotse ay nilagay nya muna ang braso nya sa ibabaw ng kotse bago ako sagutin, "Masaya dahil may pag-asa."


Hindi ko maintindihan ang sinabi nya dahil nakatitig na ako ngayon sa labi nyang mapula. Hindi ko alam pero ng napatingin ulit ako sa mukha ni Al na masaya ay naisip kong guwapo pala siya. May problema ata sa mata ko dahil tila ba nagliwanag ang paligid habang nakikita ko siyang pilit na pinipigilang ipakita na masaya siya pero hindi nya magawa.


Sinubukan kong iwaksi iyon sa isipan at mabilis na pumasok sa kotse nya. Naalala ko tuloy ang tinanong ni Al sa akin kanina tungkol kay Drew.


Galit na lang ang nararamdaman ko para kay Drew at kahit sabihin kong hindi ko gustong mag explain siya ay alam kong sa puso ko na iyon na lang ang hinihintay ko para mawala na ito. Hindi man kapanipaniwala pero hindi ko na siya mahal tulad ng dati.


 Hinatid ako ni Al hanggang sa tapat ng building ng condo ko. Agad ko naman tinanggal ang seatbelt at bubuksan na sana ang pinto para makalabas na ng bigla nya akong tinawag.


"Z..." sambit nya


Napatingin ako kay Al at nakita kong hindi man lang siya nakatingin sa akin. Nakahawak siya sa manibela at ang mga mata nya ay nakapokus sa harapan. Hindi gaya kanina na nakangiti siya ay ngayon ay sobrang seryoso nya.


"Hmm?" 


Unti-unti ay tumingin siya sa akin. Hindi ko alam pero bigla atang uminit dito sa loob ng kotse nya eh naka-on naman ang airconditioner. Bumilis ang tibok ng puso ko at sa di malamang dahilan ay kinabahan din ako. 


Ayaw kong makita o mabasa nya ang nararamdaman ko ngayon kung kaya ay pinalitan ko ng iritado ang mukha ko sabay sabing, "Ano? Alam mo ba kung sino ang mananalo ng Miss Universe? Pa-suspense ka pa kulang nalang ay may drum roll sa tagal mong magsalita." iritado kong sambit 


"Uuwi ako ng Batangas, baka may gusto kang ipadala sa parents natin?" ngising tanong nya


"Gago! Anong parents natin sinasabi mo?" tanong ko na may halong irita pero sa kaloob-looban ay mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko


Hindi ko alam kung bakit ko iyon naramdaman na para bang bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin. Sinubukan kong itanggal iyon sa isipan pero hindi ko magawa kung kaya ay binuksan ko ang pinto ng kotse nya at lumabas.

Mas mabuting lumabas ako dito at dumistansiya sa kaniya. Bago ko isinarado ang pinto ng passenger's seat ay may sinabi muna ako sa kaniya, "Dalhan mo ng cake sina Mama at Papa tapos bigyan mo na din ng bagong damit si Theo, color blue dapat kasi favorite nya yun."


Hindi pa ako nakakalayo sa kaniya ng sumigaw naman si Al, "Hoy! Bayad mo!"


Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya sabay porma ng heart gamit ang fingers ko. "Saranghae, Oppa!"


Nasira ang mukha ni Al sabay sigaw ulit, "Nakakawalang gana manood ng K-Drama kapag ikaw nagsabi niyan."


"Gago!"


Nakahiga ako ngayon dito sa kwarto ko habang nakatitig sa kisame. Tanging ilaw lang ng lampshade ang nagbibigay liwanag dito sa loob. Napahawak ako sa dibdib at dinama ang tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla iyong tumibok ng mabilis kanina at sinamahan pa ng kaba. Baka may problema yung puso ko? Wala naman kaming family history regarding sa heart problems pero baka kailangan kong magpacheck-up baka seryoso to.


Humiga ako patagilid at sinubukang matulog. Pumikit ako at hinintay na yakapin ako ng puyat ng bigla nalang lumabas sa isipan ko ang mukha ni Al. 


"Buwisit" biglang sambit ko at agad binuksan ang mga mata. Muntikan ko pang masampal ang sarili ko pero buti nalang ay hindi natuloy.


Anong problema ko? Kanina may problema ata yung mata tapos puso at ngayon naman utak?







Midst of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon