XXXVII

84 2 0
                                    


Sebastian Drew

"Shit, badass"

Yan, yan yung una kong nasabi ng makita kitang nakasandal sa kotse. Para akong nababakla sayu noon, may pakita sa abs ka pa tapos natatamaan pa yung mukha mo sa ilaw ng poste.

Hindi ako marunong sa pakikipagflirt pero nagpapasalamat ako sa mga kaibigan kong nakikipagflirt sa mga babae dahil may natutunan ako pero nung kinausap kita, tae, taob ako.

I just want to get to know you. Wala akong planong laliman ang pagtingin ko sa iyo kasi hindi pwede. Bawal. Masasaktan ka kapag nagkataon pero hindi ko magawang matigil. Ayaw kong tapusin muna.

Naaalala ko pa noong sinabi kong "Let's date", gusto ko nun na mas lalo kang makilala. Pero kahit ganoon, gusto kong subukan. Kahit sa konting panahon ay maramdaman ko naman na maging masaya sa desisyong ginusto ko. Pero bobo ko, sinabi ko naman na "Be serious with me" nagtutunog tuloy na liligawan na kita at mukhang nairita ka pa. Juice ko lord! Boost pa yung confidence ko pero nung nakita ko yung galit mong mukha parang tumigil yung mundo ko. Need ko ata ng CPR.

Remember nung sa The Wall sa Intramuros? Nakita na kita nun pagkadating niyo pa lang ng grupo niyo. Sino bang hindi? Eh nakauniform kayong lahat ng pang UST, para kayong nang-eendorse ng school niyo eh ang layo pa ng summer. De joke lang! Pero seryoso, di bagay sayo maging endorser, pangit mo. Haha!

Hindi ko nga marinig ang sinabi ng mga kaibigan ko kasi nakapokus na ako sayo nun, tawang-tawa ka pa sa kaibigan mong lalaki. Tae, bakit hindi ka tumatawa sa mga banat ko? Suki ako sa pagkunot ng noo mo at samahan mo pa ng rolling eyes. Ganun ba epekto ng kagwapuhan ko?

Pero feeling ko nagsusungit ka lang kasi ayaw mong malaman kong kinikilig ka na sa akin. Seryoso Ina, mahal na ata kita. Paano ba to?

Nung gabi na nun, akala ko pa na magiging knight and shining armor na ako sa iyo ng may mangtrip sayo na isang unggoy. Tae, ako pa ata naawa sa lalaki nun ng sinuntok mo sa mukha.

Hindi ko alam gagawin ko kasi nakauniform ka pa naman kaya naman ay nagtitingin lang ako sa paligid kung may dumaan man, tatakutin ko na lang.

Napaisip ako kapag naging tayo, magiging battered husband ba ako? Huhu, wag naman sana. Pero imposible din naman mangyari. Hanggang panaginip lang. Hanggang panaginip ko lang.

When you agreed to wear my jersey, I was so fcking happy. Ewan, ganoon nalang talaga ang epekto mo sa akin. When the game started, i looked at you but you were busy glaring at those girls at your back. Siguro naiirita ka sa kanila. Akala ko pa naman na sasabihan mo ako ng Goodluck bago ang laro pero sige nalang, hahahaha masaya na ako na nanonood ka.

I want to tell you how happy I was when you get jealous. Hindi ko naman iyon sinadya na paselosin ka at isa pa akala ko wala kang nararamdaman sa akin. Confused ako pare sa way ng pag-act mo. Gusto kong makasigurado kung ano ba talaga pero tae takot ako.

Takot akong malaman kasi kapag sinabi mong mahal mo din ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahihirapan akong tigilin  ang nararamdaman ko sa iyo.

And then i hurted you.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa iyo. Gusto kong sabihin ang lahat pero ayaw kong mas masaktan ka lalo. Kasi alam ko din namang hindi ko din masasabi sa iyo lahat kasi noon pa man, hindi ako handa. Hindi ako handang sabihin sa iyo ang totoo. Duwag ako. Sobra.

Nahihirapan ako pero alam ko ding nahihirapan ka. I started to regret things. Na sana noon ay hindi kita nilapitan, hindi kinausap, at sana ay hindi ko ito sinimulan lahat kasi masasaktan ka.

When I was in States, segu-segundo kitang iniisip, except kapag tumatae ako hehe. Pero sa totoo lang Ina, ilang ulit kong sinubukan na icontact ka, na kausapin ka pero nauunahan ako ng takot  na baka galit ka pa sa akin, na baka kapag kausapin kita ay maalala mo na naman ang sakit. Isa pa Ina, sa tuwing tinitingnan ko ang mga photos mo sa social media, ang saya mo, nakangiti palagi, kaya ayaw kong sirain iyong guhit ng labi mo.

Naalala ko tuloy yung sinabi mo sa akin noon sa cafe na ako ang magdedesign ng bahay mo in the future, mukhang hindi na mangyayari iyon Ina. Baka yung ipadesign mo pa eh ang bahay ng magiging pamilya mo, baka hindi mo magustuhan ang design ko. Bitter ako eh Hehe. Baka in the end, magmukhang hunted house pero bagay din naman sa mukha mo kaya ngayon pag-iisipan ko nalang kung sakali bang tuparin ko pa din iyon.

Pero Ina, ngayon, nanghihinayang ako. Bakit ba ako nagpadala ng takot? Bakit hindi ko sinubukan? Bakit ba hindi kita sinubukang kausapin?

Pwede din namang mag wave saiyo sa messenger noon at kapag hindi mo sineen ay magchachat lang ako ng "Sorry, napindot." Putek nga naman oh!

At hanggang bakit na lang ako ngayon kasi huli na. Hindi mo na ako mahal tulad ng dati.

At alam kong wala na din akong pag-asa pa. Pero sana malaman mo, Ina.

"Mahal na mahal na mahal kita.

Sobra.

At kahit mahirapan akong kalimutan ka, susubukan ko.

At kasabay ng paglimot ko sa nararamdaman ko sa iyo, mamahalin ko din ang sarili ko.

Salamat, Ina.

Salamat at dumating ka sa buhay ko.

Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Dumating ka at minahal kita hindi dahil iyon ang kagustuhan ng iba,

Minahal kita kasi gusto kita."

-Architect Drew


Midst of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon