Three days from now is UST and UP last game. Drew wanted me there with him but i told him i can't because i have an upcoming exam kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti. I just can't easily sacrifice the day to watch his game baka kasi mahirapan ako sa exam namin.
"I'm sorry. I just can't." sabi ko
Narinig kong bumuntong-hininga siya ng malalim bago ulit magsalita na parang wala lang kaya naman napakagat ako sa labi ko.
"Okay. It's okay. I'll just win this game, para mapanood mo na talaga ako sa championship game. Promise me?" masiglang wika nya
"Yes, promise." i answered before we ended the call
Three days from now is their last game sa semi-finals and that is supposed to be a study day for me kasi the next day nyan ay may long quiz kami. Their opponent is still UST kasi natalo sila last time. I wasn't able to watch the game last time kasi sunod-sunod ang exams namin.
Napatingin ako sa kisame ng kwarto ko bago pumikit ng mariin.
"Hooh!" wika ko bago inayos ang pagkakaupo.
Tiningnan ko ang apat na libro at mga papel sa ibabaw ng study table ko bago ako nagsimula sa pag-aaral.
"I think i can finish studying for two days, right? Magpupuyat nalang siguro ako tonight" ani ko sa sarili ko
And I did, I studied for two days straight para wala nako akong pag-aralan today. Puyat na puyat ako kasi ilang araw din akong walang saktong tulog though normal naman iyon sa kursong pinili ko. Buti nga ay may tulog pa ako.
I wore a white sleeveless at high-waist na fitted jeans na sinamahan ko ng puting sneakers. I didn't wore a red or yellow na damit kasi ayaw kong mamili sa dalawa. It's my school and a friend's game so it's better not to be bias.
Drew didn't know that I'll come to watch the game. I sat at the side of UP pero nasa upper bleachers ako. I just don't want him to see me at baka masabihan na scammer.
The game started so fast na agad nakapuntos ang UST. I don't want to say it but i think UST gonna win this game.
As I look into the game, mahilig mag three-points ang UST habang ang UP naman ay sunod-sunod na din ang two points shot pero hindi padin nakakalamang.
I even saw Drew getting annoyed with their score. I want to cheer him up a bit kaya naman ng makitang nasa bench na siya dahil may nagsubstitute sa kaniya ay mabilis kong kinuha ang phone ko sa maliit na bag na dala.
To: OGAG
No matter what happens, you are one of the best player. So cheer up and do your best. :)
Nang masend ko ito ay agad kong binaling ang tingin ko sa kaniya. Pero imbis na makitang nagbabasa siya sa text ko ay nakita kong may lumapit na babae sa kaniya.
I have a good eyesight kaya kitang-kita na binigyan siya nito ng tubig na agad naman nyang kinuha.
"Hah! Ang landi! Parang kakainom niya lang ng tubig kanina pero dahil binigyan siya ng babaeng iyan ay iinom siya ulit?! Sana matalo talaga kayo, buwisit." wika ko sa sarili ko
Sana pala ay hindi na ako nagtext. Panira. May nalalaman pang invite sa akin sa panonood ng game nya pero may kalandian din palang babae.
On third quarter ay pumasok siya ulit. Nakakalamang na din sila ng ilang puntos pero hindi pa din nakakapanatag sa UP kasi sobrang igting ng laban nila. Sinamahan pa ng ugong ng drums ay mas lalong nakakapressure ang laro.
Natahimik bigla ang korte ng bumagsak ang isang player ng UP. It was a foul from UST, napatayo pa nga ako ng biglang kinuwelyuhan ni Drew ang UST player.
"Shit" i exclaimed
Umupo ako ng mabilis ng nakalapit na ang referee at ang ibang player para tigilan sila.
Alam kong nakakaistress ang accounting pero hindi ko alam na nakakastress din pala ang basketball game lalo na kung kilala mo yung player.
Noon kapag nakakanood ako ng live baskteball game sa TV ay masasabi kong sobrang tagal matapos pero ngayon napapatanong na lang ako, bakit ang bilis?
Malakas na ugong ng buzzer ang umaalingawngaw sa loob ng Araneta. Iba't-ibang kulay din ng balloons ang bumagsak galing sa taas ng court.
The game ended with a score of 98-95. Napangiti ako habang nakikita ang mga taong nagsisigawan sa saya. There were also people who silently walked out of the coliseum.
"University of Santo Tomas wins the game and got the chance to win for the Championship Game!" sigaw ng announcer
Oo, talo ang UP. At kahit nahihirapan ay mabilis ang mga hakbang kong bumababa. Nasa bench sila Drew at tila may sinasabi pa ang coach nila bago sila nagyakapan.
He was about to walk away ng mabilis akong nakapasok sa loob ng court at tinawag siya.
"DREW!" sigaw ko
He turned to looked at me and his eyes grew wide when he recognized who was calling me.
I walked slowly towarss him at walang salita na mabilis ko siyang niyakap. Kahit pawisan ay hindi ko na inisip pa iyon. I pat his back at mas hinigpitan pa ang yakap.
"Wala bang yakap diyan?" bulong ko
He was still holding his duffel bag at ilang segundo lang ay bumagsak iyon at niyakap na niya ako pabalik at mas mahigpit.
I felt his head na sumiksik sa leeg ko. Napakagat ako ng labi ng maramdamang umiiyak siya kaya naman mas lalo ko pa siyang niyakap.
"Scammer. Akala ko hindi ka pupunta" bulong nya na ikinangiti ko
"I watched the game and I'm proud of you. You did great Drew." i whispered
"Pero talo" sagot nya
Ngumiti ako at nilagay ang kamay sa ibabaw ng ulo nya. Ginulo ko ang buhok niya sabay bulong, "It's not always winning, Drew. Minsan natatalo din tayo but we need to accept that. The game was great and you did your best." wika ko
Hinatid pa din naman ako ni Drew pabalik sa unit ko. He wants us to go somewhere but i declined kasi puyat talaga ako and i needed to go to sleep kasi bukas ay matinding labanan ang pupuntahan ko.
Their team still had a celebration kahit talo. They did their best and that is enough na reason na iselebrate pa din nila. Drew didn't want to come but i encouraged him.
"It's better to celebrate with you" wika nya nang papalabas na ako sa kotse
"I'm not the one who played with you in the court Drew. Cheer up, patulugin mo naman ako kasi nagpuyat pa talaga ako na mag-aral para makapanood sa game mo" ani ko
Ngumiti siya sa akin bago tumango. "Thank you."
I waited for his car to drove off bago ako nagpasiyang pumasok na sa building. Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nagbihis ng damit at natulog.
"Kay swerteng nilalang ni Drew. Nagpuyat talaga ako para sa kaniya." ani ko sa mahinang boses
BINABASA MO ANG
Midst of Chaos
Teen Fiction"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"