Faye
Love? Kaya mo iyon maramdaman at mabigay kahit kanino.
Love has no boundaries.
I fell in love before on someone I thought I never would. It was different but it was still love. I fell in love with her and she felt the same way.
When she left, my world shattered. She filled the holes missing in my heart. She made me feel na I can be happy too, not that I wasn't able to feel it with my friends pero iba eh. Iba yung sa kaniya.
But now, Kai came into my life and he taught me how to love again. Ang hirap pala ulit magmahal kapag nasaktan at takot ka na. Pero susugal ako ulit, susugal ako para sa kaniya.
One more thing, he's the busiest person I know next to Ina. Ang hirap mag schedule ng lakwasta unlike before.
But I was thinking of going to Baguio tomorrow!
Kai
I
na is my bestfriend and Faye is my girlfriend. I can't remember when I fell for that super-annoying woman, maybe it was when she walked down the stairs back in highschool at sa sobrang tanga nya, ay nahulog. I thought she would cry back then but she didn't. Instead hinabol nya si Ina na imbis na tulungan ang kaibigan ay malakas pa itong tumawa. Naalala ko pa yung mapapatigil siya sa hapdi dahil sa sugat pero tatakbo ulit para mahabol si Ina.
I never had friends in highschool but these two came. I never thought na yung magiging close ko pa is mga babae, hindi lang isa kung hindi dalawa.
I remembered when Faye asked, "Paano kung hindi talaga kami close ni Ina tapos tatanungin kita kung sino ang pipiliin mo. Ako o si Ina?"
Hindi ako nakasagot agad pero alam ko naman kung sino. Pipiliin ko si Faye, girlfriend ko yun eh. At alam ko naman na maiintindihan ako ni Ina, kaibigan ko yun eh. At isa pa, kung malalaman din naman ito ni Ina ay mas gugustuhin nya na si Faye ang piliin ko kasi kahit anong mangyari, nandiyan pa din naman siya.
"Ikaw" sagot ko
Tinaas nya ang isang kilay nya at nilagay ang dalawang kamay sa bewang. "At bakit naman mamimili ka? Hay naku Kai, ano nalang ang iisipin ni Ina niyan? Dapat ipaintindi mo sa akin na walang patutunguhan yung selos ko kasi ako yung mahal mo at isa pa kaibigan mo si Ina."
Napahilot ako sa sentido ko sabay sagot, "Ewan ko sa iyo Faye."
Al
I don't know their story. She did not told me nor I want to know, masasaktan ako de joke pero parang ganoon haha ouch. If Z will tell me then I will gladly listen, but for now, all I can do is wait.
I know she's still scared, but I'm doing my best to make her trust me. She is still broken kahit pa sabihin niyang hindi na. But I am going towards her one step at a time. Slowly and in those times I will. make her feel that it's alright and that she can lean on me. That even if we'll fight, I will still love her and I will still hold her.
In conclusion, mahal ko si Z. Sobra.
Ayaw ko kay Faye. Naiirita ako sa pagmumukha niya pero para kay Z ay pipilitin kong kalmahin ang blood pressure ko.
Kay Kai? Cool lang. Ewan ko ba bakit nagustuhan nya yung babae na iyon pero mas mabuti na din at baka kay Z pa magkagusto. Mas lalo akong mahihirapan sa doctor na yan. Hirap na nga ako sa architect noon, dadagdagan pa niya.
Ina
How do I start?
Wala akong masabi except sa masaya ako.
Yun na yun.
End. Charot! Hahahaha
Pero seryoso, Life brings endless surprises. Surprise na masasaktan ka at surprise na masasayahan ka. And in all those surprises, there are a lot of learnings.
You will learn how communication is important. As they said, "At least" is better than "What if's". Kung may sasabihin ka, sabihin mo. Huwag mong ipapadating sa point na manghihinayang ka.
You will learn that everything has its reason. May mga rason kung bakit nangyari iyon at hindi mo man maintindihan sa ngayon kung bakit pero balang araw, maiisip mo na lang "Kaya pala.." char
You will learn that love hurts. It might be cringey but it's the truth. Kasi kapag nagmahal ka, masasaktan ka. Kasi ang pagmamahal, may kahalong sakit. And that pain strengthens you and the love you have with that person IF you will not crumble and give up. Kasi yung pain, iyon yung nagtetest sa atin, hanggang saan ba ang pagmamahal natin sa isang tao. Kaya nga kahit nasaktan tayo, patatawarin natin kasi mahal natin yung tao.
Marami pa naman at alam kong as you all go on with your lives, you will have a lot of realizations and learnings because that's life.
Thank you for being with me until the end of this chapter, but my story doesn't end here. May bukas pa at buhay pa ako. Ciao!
Author
Thank you for being with me at thank you for reading up until the end of this story. Hehe umabot talaga ng two years mahigit ang story. I admit my story is a bit too fast at minsan din ang slow ng takbo. But, I am still learning.
Thank you for reading Midst of Chaos at chikas ko din na tapos na din ang oral defense ng two semesters na research paper ko. Yeyy! Hahaha hanggang sa muli! 😊

BINABASA MO ANG
Midst of Chaos
Teen Fiction"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"