XXXVI

87 2 0
                                    


"Napapagod din ako, Drew..." sambit ko habang unti-unting tumutulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan

"You never told me to wait pero kahit ganoon, naghintay pa din ako. Sabi ko, babalik siya, alam kong babalik siya kaya maghihintay ako, kahit alam kong niloloko ko na ang sarili ko. Nahulog eh. Nahulog sayo."

"But you never contacted me, Drew. I tried to reach out but you never replied. Ang desperada ko Drew, nagmumukha na akong desperada. Ang talino kong tao pero nabobo ako sa pagmamahal." dagdag ko

I wiped my tears and glad na nakikinig lang siya sa akin. He never tried to stop me from talking kaya bumuntong-hininga ako bago pinagpatuloy ang sasabihin sa kaniya.

" You have a fiance Drew at kahit sabihin mong hindi mo siya mahal, fiance mo pa din iyon. I am not even your girlfriend, I'm just someone you met outside the bar. Your social media accounts were still active kaya hindi ko alam kung bakit hindi mo kayang makipagcommunicate sa akin. Minsan naisip kong baka pinaglalaruan mo lang ako - na baka pinaglaruan mo talaga ako. You came into my life so fast Drew kaya hindi ako magtatakang umalis ka nalang ng parang wala lang."

"I waited pero napagod din ako kakahintay sa walang kasiguraduhan. You never explained to me everything. Pero minsan naiisip kong kasalanan ko din naman. I never ask. Iyon yung problema ko kasi i believe na kung gusto mong sabihin sa akin ay kusa mo iyong sasabihin pero mali din naman kasi baka naghihintay ka din sa akin na magtanong."

Huminga ako ng malalim at uminom sa tubig na na baso. Tumingala ako bago ngumiti sa kaniya na parang okay na. Gumaan iyong puso ko. Iyon ang napagtanto ko ng matapos ko masabi sa kaniya lahat ng nandito.

"Ina... I'm sorry..." sambit nya

Napakagat ako sa labi ng makita ang mukha niya. Namumula ang mata at umaagos ang luha. He look like he was in pain all this time.

Tumingin ako sa baba at pumikit ng madiin.

"I was so scared Z. I should have been honest to you kasi kung sinabi ko lang ang lahat ay hindi tayo aabot sa ganito. Hindi ka masasaktan." wika niya sa mahinang boses

Nasasaktan ako na nakatingin kay Drew. He is a carefree and lively guy pero ng magkakilala kami, unti-unting nawala iyon. Nasasaktan siya dahil sa akin at alam kong nahihirapan pa din siya.

I was not the same Ina years ago who fell for him. Wala na akong nararamdaman sa kaniya kaya nahihirapan din ako.

"Do I still have a chance Z?" tanong nya sa gitna ng katahimikan naming dalawa

Nang marinig ko ang tanong nya ay biglang lumabas ang mukha ni Al sa isipan ko. Ang nakangiti at nakakabuwisit nyang mukha ang nakikita ko kung kaya ay mas lalong napadiin ang kagat ko sa labi ko. Paano ko ba siya sasagutin?

Pagak na tumawa si Drew kaya napatingin ako sa kaniya. Mabilis niyang pinalis ang luha nya gamit ang kamay bago ngumiti sa akin ng pilit.

"Huwag mo ng sagutin Z. Alam ko na. Tanggap ko naman at kasalanan ko din naman. Alam kong maliit ang tyansang may  pag-asa pa ako, hinanda ko naman ang sarili ko pero masakit pa din pala." wika nya

"Hawak na sana kita noon, binitawan ko pa." dagdag nya

"Drew..." wika ko

"Gumanda ka dahil naheartbroken ka dahil sa akin at ngayon naman naheartbroken din ako, pero paano to? Mas lalo akong gagwapo?" wika nya sabay tawa ng pilit habang yung luha ay pumapatak pa din galing sa mga mata

"Gago ka pa din talaga..." ngiting wika ko habang pinapalis ang luha sa pisngi

Tumayo ako ng dahan-dahan at lumapit sa kaniya. I spread his arms sabay sabing, "Wala bang yakap diyan?"

Napakagat siya sa labi at unti-unti na namang namula ang mukha.

"Z..."

Tumayo siya at mabilis akong niyakap. Rinig ko ang mahinang hikbi ni Drew at nararamdaman kong unti-unting napapahigpit nyang yakap.

Siniksik nya ang mukha sa leeg kaya naman ay marahan kong hinaplos ang buhok nya.

"Pwede pa din naman maging magkaibigan diba Z?" mahinang tanong nya

"Hindi naman iyon nasira Drew." sagot ko

"Ah, fuck. Paano ba kita kakalimutan Z? Ang hirap."

Ngumiti ako at mas lalong niyakap pa siya ng mahigpit. Buti nalang ay nasa isang sulok kami kasi kung hindi ay pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon.

"Ganda ko kasi." pabirong sagot ko na ikinatawa nya

Pagkatapos namin sa restaurant ay nagyaya ako kay Drew na pumunta kami doon sa dati naming pinupuntahan. Hindi siya nagdala ng sasakyan kaya nakisakay siya sa akin.

"Seatbelt." wika ko pagkapasok sa driver's seat

"Parang noon lang ah, ikaw pa yung nasa passenger's seat ngayon ako na." wika nya habang nilolock ang seatbelt

"Shh lang, hindi ko yan nababayaran ng full."  sagot ko na ikinatawa nya

Pagkarating namin sa cliff ay agad kong pinark ang sasakyan sa gilid at lumabas kami. Naalala ko naman kung paano ako sumigaw dito noon dahil sa professor kong maliit mamigay ng grades.

Nakatayo di kalayuan si Drew at nakatitig sa dagat kaya naman ay lumapit akonat tumabi sa kaniya. Tumingin siya sa akin at ngumiti bago binalik ang tingin sa dagat.

"Mawawala din itong sakit Drew at kung kailangan mo ng kausap ay nandito lang ako."

Hindi sumagot si Drew pero alam kong narinig nya iyon. Tumunog ang phone nya kaya natuon ang atensiyon nya doon kaya naman ay humanap ako ng mauupuan at nakita ang malaking bato, di kalayuan dito.

Papalubog na din ang araw kaya naglalaro na ang kulay orange at blue sa langit. Ilang minuto lang ang tumabi na din sa akin si Drew pero tahimik lang siya kaya hinayaan ko lang.  

Kinuha ko ang kamay nyang nakapatong sa hita at hinawakan iyon. Tumingin siya sa mga mata ko pero hindi ko mabasa ang iniisip niya. Unti-unti niyang nilapit ang mukha at hinalikan ang noo ko.

"Drew..." tawag ko sa pangalan niya pero niyakap lang nya ako

"Mahal na mahal kita Z pero mukhang hanggang dito na lang tayo. Totoo iyong lahat ng pinakita ko sa iyo noon kung kaya huwag mong isipin na laro lang iyon. I only regret why I was not honest with you but maybe we weren't really meant for each other." sambit nya

"When the sun sets, it's the end of us and tomorrow is the beginning of our new friendship. Don't be sorry if I'll distance myself from you at sana maintindihan mo kung bakit. " dagdag niya na ikinatulo ng luha ko

Umuwi ako sa unit at agad humiga sa kama. I turned on my phone and visit Instagram only to see the latest post of Drew.

It was a picture of a someone sitting while looking at the sun as it sets in the sea. I knew it was me and as I read the caption, I can't help but closed my eyes and turned my phone off.




Sa gitna ng kaguluhan
Sa tabi mo ay wala ako diyan
Akala ko ay ako lang ang nahihirapan
Hindi ko pala alam, ikaw na pala ay nasasaktan

At ngayon ay nakatingin tayo sa kulay kahel na langit
Habang papalubog ang araw ay tapos na tayo, aking sinambit
Pero sa huling pagkakataon ay sana malaman mo
Mahal na mahal kita at hindi ito maglalaho



"I love you too Drew but not the same with the feelings you have until now."

Midst of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon