XXV

96 4 0
                                    

"PAPA! Omayghad, Papa you are awake!" i shouted as i hold on to Theodore in my lap

Mama called me and I thought na siya ang bubungad sa akin pero hindi. It was Papa. He is now awake after weeks of waiting. He's now okay though he seems pale.

"Z..." ani niya

Hindi ko napigilang umiyak ng marinig ang boses niya. Theodore is also whimpering as he lick my face like he knows what I am feeling. Kahit pinapalis ang luha at pinipigilan ay nagpatuloy pa rin ang pagragasa nito.

"Don't cry, anak. Okay lang si Papa. Malakas kaya to" biro niya sabay pakita ng muscles nya.

Natawa ako pero humihikbi pa din. I missed him so much. Sobra. Hindi nila alam kung ilang gabi akong hindi makatulog simula noong nalaman ko ang nangyari sa kaniya. At kahit na sinabi na ni Mama na okay na siya ay hindi pa din mapanatag ang loob ko. I was freaking worried.

"Papa... I miss you.... Uwi na kayo ni Mama...." ani ko habang kagat-kagat ang labi

"Yes anak... Uuwi na kami ng Mama mo. Miss na miss na din kita..." wika ni Papa

Today is Saturday. Napagpasiyahan kong maglakwatsa kasama si Theodore. I planned on walking the streets with him pero hindi naman lalayo masiyado sa unit. Marami din naman kasi ditong naglalakad kasama ang mga aso nila dahil maaga pa ay may nagjojogging kaya okay lang.

Excited na excited si Theo dahil ngayon lang kasi siya nakalabas ulit. Sinuotan ko siya ng black na hoodie nya at naglagay din ng leash. Kagaya nya ay nakasuot din ako ng black na hoodie, white na sports bra, leggings at puti na rubber shoes. Natatawa pa ako dahil pababa pa kami gamit ang stairs ay si Theo na mismo ang humihila sa akin.

"Wait, Theo..." wika ko

"Arf! Arf!" sagot ng aso

Tumatango-tango pa ako kahit hindi ko maintindihan ang lengguwahe nya. Basta naiisip ko na gusto nyang magmadali na ako dahil super excited na siya. Ganerrnn.

Mga 30 minutes din siguro kaming naglalakad at nag jog ng nagpasiya na akong bumalik. Ilang metro nalang ang layo ko sa building ng may nakita akong lalaki na nakasandal sa kotse na pamilyar.

Mabilis ang paglalakad ko kahit alam ng nakita nya ako na papalapit sa building. Gusto kong umiwas sa kaniya pero mabilis nya akong naharangan.

"Z...." ani nya sa mahina na boses habang nakahawak sa braso ko

Pansin ko na mainit ang kamay niya pero baka dahil malamig lang siguro ang balat ko. At isa pa, anong pakialam ko kung mainit siya?!

"I don't have time, Drew. Isa pa, nagkausap na tayo kaya okay na yun." sagot ko sabay hila sa braso ko

Akala ko ay hindi nya ako bibitiwan pero yun yung akala ko. Dumistansiya sa akin at lumuhod para hawakan si Theo.

"May alaga ka pala. Ngayon ko lang nakita." ani nya sa akin sabay ngiti

"Oo, wala din naman akong planong ipakilala sa 'yo" wika ko sabay hila kay Theo

Aalis na sana kami ni Theo ng nagsalita siya ulit. "Can we talk, Z?" tanong nya

Huminga ako ng malalim bago ulit humarap sa kaniya. I looked at his face at doon ko nakita ang puyat nyang mukha. Unlike noon na sobrang sigla at palaging nakangiti, hindi na ngayon. Kung hindi ko lang alam na niloloko nya ako ay masasabi kong hindi nya gusto ang nangyayari. Pero kahit papano, alam kong naging magkaibigan kami. Kahit yun lang, sana naman totoo iyon.

"Do you have time?" tanong ko

Nang marinig ang sinabi ko ay lumiwanag ang mukha niya. "Yes! I-I can wait for you. Kumain ka na ba? We can eat somewhere. I know a good place!" sabi niya

Midst of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon