XXXII

85 4 0
                                    


Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon malakas tayo. Sometimes we will be held back and it's on us kung magpapadala tayo sa hila.

"Ina, are you okay? Kanina ka pa tulala diyan?"

I was taken aback ng magsalita si Fiona sa gilid ko. She was holding a lump of papers in her hands.

Ngumiti ako sa kaniya bilang sagot na okay lang ako. Tinuro ko muna ang mga papel na dala nya bago nagtanong," What's that?"

"Ah, my task for today. I need to check on some statements. Tapos ka na ba diyan?" Tanong nya

Umiling ako sa kaniya bilang sagot. It's been few days na parati akong natutulala. Siguro dahil iyon sa message sa akin ni Drew.

"You can try to talk it out Ina. I'm willing to listen to it all. Nandito lang naman kami" sambit nya sa akin sabay tapik sa likod ko bago siya tumalikod at pumunta sa cubicle niya

Imbis na tumunganga ay nagpatuloy nalang ako sa pagggawa ng statement of accounts. Inayos ko din ang glasses na suot ko na bumababa sa ilong ko.

Nang break na namin ay lumabas ako ng office para bumili ng kape. I am scrolling on my phone ng biglang mag register sa screen ko ang caller ID ni Faye. I immediately answered the call at nilagay malapit sa tenga ang phone ko.

"Bak-" i was about to ask her ng bigla siyang sumigaw

"YOU DIDN'T TELL ME THAT KAI IS HERE! OMGGGG! WE NEED TO CELEBRATE! YIEEE, WERE COMPLETE NA AT LAST!" sigaw nya sa kabilang linya

Naibaba ko nga ng wala sa oras ang phone ko dahil sa ginawa niya but she called me again with a calmer voice. Sinabi kong mamaya nalang kami mag-usap kasi baka matagalan lang sa daming sasabihin ni Faye which she easily agreed, hindi pa nakatakas ang sigaw niya sa akin before ko pa maend yung call na magsicelebrate kami somewhere sa ayaw at sa gusto ko.

At sa kagustuhan ni Faye na lumabas kami ay hindi ko na magawang humindi. It's not that I have a choice kasi noon pa man ay kahit ayaw ko ay gagawa siya ng paraan na makasama ako. I was wearing a grey crop top na pinaresan ko din ng grey cotton pants and white sneakers. Naghihintay na lamang ako sa tapat ng unit ko na dumating sina Kai at Faye kasi kukunin nila ako dito.

Hindi pinalagpas ni Faye ang isang araw at mabilis siyang nagpasiya na pumunta kami sa Batangas. I don't have work for today as well as tomorrow kaya naman, pagkatapos naming maglakwatsa ay didiretso kami sa bahay ng parents ko.

A white BMW X5 stopped in front of me. Napangisi ako ng makita silang dalawa sa loob. Si Kai ang nagdadrive habang si Faye naman ay nasa likod.

I sat at the passenger seat at mabilis na kinabit ang seat belt. Nakita kong hindi maipinta ang mukha ni Kai habang si Faye naman ay tawang-tawa sa likod.


"You all right?" tanong ko



"That dumbass girl at the back keep on pestering me. Nakakasira ng eardrums ang tinig nya na sinamahan pa ng pagkanta ng di ko malamang lengguwahe ng alien." mabilis na sagot sa akin ni Kai

Kahit kailan ay hindi pa din sila matigil-tigil sa pagbabangayan. Inaasar pa din nila ang isa't-isa at alam kong kung si Faye ang nandito sa passenger seat ay walang lakwatsang mangyayari kasi masisira ang araw ni Kai.




"KPOP yun gago! BTS! BTS! Hanggang kuko ka lang ng mga bebebois ko!" sagot din nya




Magsasalita pa sana si Kai ng inunahan ko na, "So saan tayo? May alam na ba kayong pupuntahan natin?"



Mabilis na nilapit ni Faye ang mukha niya sa gitna namin ni Kai sabay sigaw ng, "OF COURSE! SA BEACH TAYOOOO"


"Beach? Anong beach sinasabi mo Faye? I don't have extra clothes with me" mabilis sa alas kuwatro kong wika sa kaniya



Midst of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon