Break time ko ngayon pero busy pa din ako sa pagtatype ng data sa computer ko ng tumawag si Mama. Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa at mabilis na lumabas ng office para sagutin iyon.
Nakita kong walang tao doon sa may malaking glass window kaya doon ako pumunta. Pagka-accept ko sa call ay agad akong nagsalita.
"Ma?" tawag ko sa kaniya
Ilang segundo pa ang nagdaan bago ko narinig si Mama. "Pumunta dito si Stephen kanina."
Napatango ako ng marinig iyon. "Yes Ma. Sinabi nya sa akin na uuwi sya ng Batangas." sagot ko naman.
Stephen ang tawag ni Mama kay Al. Ako lang ata ang tumatawag sa kaniya nyan kasi noon pa man ay Stephen na ang tawag sa kaniya ng mga kakilala kaya kapag may tumawag na Al ay alam niyang ako na iyon.
"Nagdala siya ng cake, wine, at damit ni Theodore." dagdag ni Mama
Napangiti ako sa narinig kasi ginawa nga nya ang sinabi ko pero muntik na ding matawa ng maalala na sisingilin ako nun sa gastos nya. Ngiting-ngiti ako ng bigla na namang nagsalita si Mama na dahilan kung bakit ako naubo ng wala sa oras.
"Boyfriend mo na?"
"Ma!" hindi ko maiwasan ng malakasan ang boses ko dahil sa narinig. "Kaibigan ko lang si Al at isa pa sisingilin ako nyan sa gastos nya."
Narinig kong tumawa si Mama sa kabilang linya. "Nagtatanong lang naman anak. Isa pa, mukhang nagpapalakas yun sa amin kaya hinahanda lang namin ng Papa ang mga sarili namin at baka isang araw, Mama at Papa na ang tawag ni Stephen sa amin."
Nagkuwentuhan pa kami ni Mama ng ilang minuto at akala ko ay yun na yon at ibababa na nya ang tawag ng magtanong siya sa akin ulit. "Mahal mo pa ba?"
Napaisip pa ako kung anong ibig sabihin ni Mama at ng matanto na si Drew ang pinupunto nya ay napangiti ako ng konti. "Hindi na Ma. Matagal na iyon at nawala na." sagot ko
Nakatitig ako sa mga nagdadaanang mga sasakyan sa ibaba habang hinihintay na magsalita si Mama. Napagtanto kong ngayon lang siya nagtanong sa akin tungkol sa kaniya kasi noon pa man ay hindi siya nagtatanong sa akin.
"Nagkita na kayo ulit?" tanong ni Mama sa akin
"Oo ma, nagkita na ulit kami." sagot ko naman
Narinig kong napabuntong-hininga siya bago ulit siya nagtanong sa akin. "Humingi ba siya ng tawad?"
Inilagay ko ang takas na buhok sa likod ng tenga ko bago sumagot, "Oo ma. Humingi siya ng tawad at gusto nya din akong makausap pero galit ako kaya hindi ko siya napagbigyan. Hindi pa siguro ako handa kasi kapag nakikita ko ang mukha nya para bang bumabalik lahat."
Hindi nagsalita agad si Mama kaya naman tumahimik bigla ang pagitan namin. Nanatili pa din ang mata ko sa labas habang hinihintay ang sasabihin niya.

BINABASA MO ANG
Midst of Chaos
Teen Fiction"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"