Days seem to pass so fast. Today is December 24 already and Faye and I were so busy helping for the arrangement. Mother hosted a party for tonight and dito sa bahay ang venue.
Faye is so excited for tonight kasi daw ngayon lang siya nakatry ng ganitong party. Buti na nga lang daw ay may dala siyang mga damit na pormal na susuotin nya mamaya kaya wala daw problema. Natawa pa nga ako sa kaniya ng jinoketime siya ni mama na siya daw ang magluluto kasi hindi talaga siya nakasagot. Binawi naman agad ni mama ang sinabi kaya naman exaggerated siyang huminga-hinga na ikinatawa ni Mama.
"OMG! Tita naman, wag mo akong joke-jokein diyan at mahina tong puso ko." ani pa niya
8 pm ay nagsimula na ding dumating ang mga bisita ni Mama. Kami ni Faye ang naghihintay sa kanila sa may gate ng bahay. Marami akong kakilala dito kaya naman ay ipinakilala ko din sa kanila si Faye na mabilis din naman nakipalagay sa kanila.
Nang kumonti na din ang dumadating ay umupo na ako sa stool na nakalaan para sa amin. Nakahawak pa ako sa dress ko dahil natatakot na baka makitaan kahit wala namang tao sa harap except ni Faye.
I wore a white turtle neck, short-sleeves, fitted dress na above the knee. Pinaresan ko lang ito ng black 3-inch na stiletto. Faye helped me with my hair at make-up kaya naman maayos ang mukha ko ngayon. Si Faye naman ay nakasuot ng red backless na dress. Na pinaresan ng 3-inch na red heels. Pati lips red din kaya mas nagmukhang mature kesa sa edad niya.
Tatawagin ko na sana si Faye na aalis na kami doon kasi mukhang wala na namang dadating na bisita ay nagugutom na din naman ako ng may sasakyang dumating at nagpark sa labas.
"Faye!" tawag ko, desidido na na umalis
"Wait lang, may dumating tapos last na ito." sagot nya
Kaya naman ay tumayo na din ako at tumabi kay Faye para sabay naming hintayin ang dumating.
Isang pamilyar na babae ang una naming nakita. She smiled at us at may bata ding sumunod sa kaniya.
"Good evening!" bati nya sa amin
"Goody evnin, leydiz!" bati din sa amin ng bata
Napangiti ako sa bata bago sumagot sa kanila, "Good evening ma'am and sir!"
Pinakita nya sa amin ng babae (mama ata ng bata) ang invitation card nya at ngumiti din kami pabalik.
"Enjoy your night!" wika sa kanila ni Faye
Iniisip ko pa din kung sino at saan ko siya nakita ng may tumawag sa kaniya.
"Ate! Wait, sabay ta-"
Napalingon kami sa sumigaw na ikinatigil nya din sa sasabihin. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino iyon at doon na din nasagot ang katanungan kung sino ang pamilyar na babae na nakita ko.
"Tito, you are maingay." ani ng bata
"We're almost late Sebastian! Nakakahiya." wika ng kapatid nya
"I'm sorry" nahihiyang wika sa amin ng kapatid nya sabay hila ng anak at ni Drew.
Drew looked at me, shocked, before it changed into a smile and he winked before he walked to his front.
Faye shrieked sabay yugyog sa akin. "Omg! That's him right? I didn't know na meet the mother-in-law na pala ngayon." wika ni Faye sa akin
"We're not in a relationship, Faye" sagot ko
"Hmmp, dun din naman ang punta niyo" ani nya
Naunang naglakad si Faye sa akin habang ako ay nakasunod sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi pa din humuhupa ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinabahan lang siguro ako dahil nandito siya. Hindi naman siguro ako hulog na hulog sa kaniya diba?
Nakaupo ako ngayon habang umiinom ng softdrinks sa nakaatas na upuan para sa amin ni Faye. Si Faye naman ay kumukuha ulit ng pagkain kaya mag-isa ako ngayon dito habang si mama naman ay busy sa pakikipag-usap at halubilo sa mga kakilala niya. Kanina din ay ipinakilala nya din ako sa mga bago nyang naging kaibigan kaya napagod din ako.
Kanina ay tumawag sa akin si Kai para kumustahin kami. Sabi nya ay wag daw kaming iinom na mabilis din namang pinaringgan ni Faye.
"Shut up Kai, as if naman na hindi ka umiinom diyan. At isa pa, walang alak dito noh, strikta si Tita." wika nya na ikinatawa ni Kai sa kabilang linya
Naggreet lang kami sa isa't-isa at tumawag lang daw siya dahil baka mahina na ang signal mamaya kaya mas mabuti daw na mauna siya.
Napatigil ako sa pag-inom ng softdrinks nang may umupo sa upuan ni Faye.
"Hi, miss." bungad nya
"Tsk." asik ko
"Aren't you happy seeing me? Buti nalang dala-dala ko parati ang gift ko sayo. Hindi ko alam na sainyo pala kami pupunta edi sana ay nagpabanda ako sa labas." ani nya sabay tawa
"Okay." wika ko
Nasa mood naman ako pero ngayong nasa harap ko na siya ay wala akong masabi.
"I never thought that we will be celebrating Christmas together." ngiting wika nya sa akin
Ganoon din naman ako. Tumingin ako sa kaniya pero mabilis kong iniwas iyon ng makitang nakatitig siya sa akin. Umu-ubo ako dahil sa hiya. Ba't ko naman iniwas yung tingin ko? Ano naman kung nakatitig siya sa akin.
I look out for Faye and saw her walking towards us pero ng makitang kung sino kasama ko ngayon ay hindi siya dumiretso.
"God Bless" ani niya na walang boses
"Please stand up. It's almost 12 kaya naman ay sabay nating salubungin ang Pasko" wika ng ina ko
Nasa stage siya ngayon at kitang-kita ko siya. Napangiti ako ngayon habang nakatingin kay Mama. We always celebrate Christmas with just the two of us and Theodore pero ngayon ay marami kaming kasama at alam kong gusto iyon ni Mama.
Drew stood beside me as the countdown starts. He held my hand tightly kaya naman ay napatingin ako sa kaniya. His other hand is in his pocket at hinayaan ko lang siyang hawakan ang kamay ko.
I know that I like him. I still denied the fact that i am starting to fall for him. Is it bad? I don't know.
"10
9
8
7
6
5
4
3
2
1!"
Loud fireworks then flew to the air. We shouted Merry Christmas ng sabay-sabay. I don't know how but I found myself hugging Drew.
"Merry Christmas Z" ani niya
Something is in my neck and when I touch it I saw a gold necklace with a cute heart pendant.
I looked at Drew and I saw him smiling.
"You gave me a gift" ani ko
"Yes. That's a small saying that I am really serious with you Z. I love you and I hope that you know that."
"Drew..." tanging nasabi ko
"Merry Christmas!"

BINABASA MO ANG
Midst of Chaos
Ficção Adolescente"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"