XX

101 3 0
                                    


tik-tok-tik-tok-tik-tok

Tunog lang ng malaking wall clock namin ang maririnig mo sa bahay. Mama is out dahil may may inaasikaso sa tindahan namin kasi may magdedeliver daw kasi ng goods kaya kailangan siya doon.

Habang ako naman ay nakaupo sa pang-isahan na sofa na pinapagitnaan ni Faye at Al.

Yes, Faye at Al. Faye came just an hour ago at kung bakit kami tahimik ngayon kasi there were some electric waves coming from both of their eyes. At kung tatanungin ko naman kung anong nangyari sa kanila ay hindi ko sila maintindihan dahil sabay-sabay kung sumagot. Nagsasapawan pa ng boses kaya naman pinatigil ko na lang.

Napabuntong-hininga ako at nilapag ang basong may lamang tubig sa maliit na glass table sa harap.


"Do you know each other?" tanong ko


Kasi naman baka magkakilala na sila nuon pa knowing they both have great amount of friends unlike me. Though I don't care, it's good to have few but true friends.


"Of course not! How bad would it be if he is in my circle of friends!" sagot ni Faye


"Tsk. As if I like you to be my friend." sagot din ni Al


"I don't know what happened between you too and I don't care about that as long as you two wouldn't bother me. I think i don't need to introduce the both of you to each other dahil mukhang close naman kayo kaya bahala na kayo diyan."  wika ko sabay tayo at kuha sa baso


"What? I came here to fetch you, Z. Let's hangout. " wika din ni Al sabay tayo


"What? Ina and I will go somewhere, her schedule is full so better luck next year. " ani ni Faye sabay tayo at pulupot ng braso niya sa akin



Tinanggal ko ang pagkakapulupot ni Faye sa akin na kinanguso nya. Nakita ko ding nangungutyang ngumisi si Al pagkakita sa ginawa ko.


" If you want to hangout then kayo nalang dalawa. I'll be in my room, better to waste my time studying than listening to the nonstop bickering of you two."sagot ko at naglakad papuntang kwarto

Kahit malayo na ako sa kanila ay naririnig ko pa din ang pag-aaway nilang dalawa. Bahala sila diyan. Kapag narinig ni Mama yan ay titikom yang mga bibig nila ng wala sa oras.


" Tsk! It's your fault kaya umalis si Ina!"


"What? Ako ang unang dumating dito kaya it's better if she's going out with me."



"Tsk! Who are you pala? I'm her bestest best friend."


"I'm her childhood friend. Bago ka pa niya makilala ay ako na ang naging kaibigan nya."


"Kaya pala sobrang happy nya ng makilala ako, ha, kasi ikaw pala ang una nyang kaibigan."


"What did you say?"


"What did you say? Bingi"


"Wh-!"


Bumukas ang pintuan sa sala kaya naman ay tumigil sila sa pag-aaway. Narinig kong pumasok pala si Mama sa bahay.


"Nag-aaway ba kayo?" tanong ni Mama


"Wala po Tita. Just getting to know each other. Hehe" mabilis na sagot ni Al


Natawa si Mama dahil doon pagkatapos ay nagsalita ulit, "Baka kayo ang magkatuluyan niyan"


"Ew. Lugi ako diyan Tita." sagot ni Faye


Midst of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon