XIX

85 4 0
                                    


Christmas is coming. Pagkatapos ng exam namin ay uuwi na ako diretso sa Batangas for the holidays. My mother planned on inviting her kumares, para doon na mag Christmas sa bahay namin kaysa daw kami lang daw tatlo ni Theodore. Nakakalungkot daw.

Drew and I are still communicating. Through text and sometimes video calls if both of us aren't busy. Kasi graduating na kaming dalawa and there are a lot of requirements and paperworks to pass with professors giving us hectic deadlines.

After our midterm exam in all subjects for the second semester ay nagsimula na din akong mag-empake ng mga gamit. I took most of my books in accounting at iyon ata ang mas nakapabigat sa maleta ko. My mother would attend a lot of gatherings dahil madami yung kakilala ang I would not come with her. I rather na magbantay sa tindahan namin doon o di kaya ay magbasa ng mga libro kesa mabore sa mga gatherings nila doon.

On the next day ay maaga akong pumunta sa terminal. Mga 6 am na din ng nagsimula ng bumiyahe ang bus na sinasakyan ko. Katabi ko ay batang babae na tulog na tulog na kaya naman ay kinuha ko nalang ang earphones ko sa maliit na shoulder bag at inilagay sa magkabilang tenga.

I opened my playlist na puro Imagine Dragons na kanta ay ipinlay ito. Nakatulog ako ng isang oras siguro kaya ng nagising ay unayos ako ng upo. Tinigil ko na din ang pagpapatugtog dahil sumakit kaunti ang tenga ko dahil masiyadong napalakas ang volume. Unti-unti ding tumigil ang bus pero hindi ko iyon pinansin dahil baka may bababa o sasakay. Ewan.

Nang nagvibrate ang phone ko ay kinuha ko iyon sa maliit na shoulder bag ko. Siguro may nagtext sa akin, maybe my mother.

I opened it and saw it came from Kai.

From: Kai

Ingat sa biyahe! Ngayon ko lang nabasa ang text mo sa akin kagabi na uuwi ka sa Batangas. I will be staying in my parents house kaya unlike you, I would probably not be able to study dahil ang raming bata doon. :(

One more thing, Faye will probably contact you today, kagabi pa ako kinukulit niyan. I can't accommodate her kasi busy sa bahay kaya take good care of her. HAHA! Mukhang pareho na tayong hindi makakapag-aral!

Goodluck Ina!

Napataas ang kilay ko sa text message nya. Hindi ko kasi maintindihan kung anong koneksyon ko sa hindi pagkakaroon ng oras sa pag-aaral dahil kay Faye. She's in Manila kaya why would she bother me? Unless -

"Stop over muna tayo mga mam at ser! Bibigyan po namin kayo ng dalawampung-minuto para bumili ng pagkain, kumain ng konti dito sa kainan o di kaya ay pumunta ng banyo. Pagkatapos po ay babiyahe po tayo ulit."

Marami ang bumaba sa bus pero nagpasiya akong manatili. Ilang sandali lang ay may tumawag sa akin.

I answered the call when I saw the caller ID.

" Inaaaaaaa~! I miss uuu so muuuch! "  bungad sa akin ni Faye

" What?" sagot ko naman

Naalala ko na naman ang message sa akin ni Kai kanina lang. Siguro may binabalak na naman itong si Faye at dahil hindi nya maiistorbo si Kai ay ako naman ang puntirya nya.

" Christmas is coming." masayang wika nya

"I know." maikli kong sagot

Hinihintay ko nalang ang rason nya kung bakit siya tumawag. May naiisip na akong sasabihin nya pero kailangan kong kumpirmahin iyon. Pero alam ko naman itong naiisip ko ay 99.9% sure. Oo, ganoon ako kasigurado.

"I just want to spend my Christmas with you. Phlueeaseee~" ani nya

Tama ako.

"Why?" tanong ko

Midst of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon