It's already 10pm at nandito pa din ako sa cafe. Hell week is coming kaya kailangang magtiyaga. I'm with few of my blockmates because mas madali sa amin na makaintindi kung sama-sama kami.
There have been topics that is not really elaborated by our professors kaya nandito kami.
"So as i was saying...." napabaling ang mga mata ko kay George ng magsalita ulit siya.
He was discussing while i am writing in my notes habang nakikinig sa kaniya. He is running for magna cum laude, gusto ko sana na maging kami. I was even thinking of courting him kaso hindi kami talo.
Gwapo sana. Tsk.
My phone vibrated kaya naman kinuha ko iyon sa gilid ko at binasa. If you are thinking na si Villacarte ito well sorry to disappoint you pero hindi. This is Faye asking me again to go with her sa isang bar dahil may party daw.
Ewan ko. It's been two weeks since last nagtext si Villacarte at ngayon wala ng kumukulit sa akin ay bigla namang dumating si Faye.
Minsan nakakainis din itong sarili ko. Hindi na nga ako kinukulit pero hinahanap ko naman. I even waited late para sa text nya. Just wow. Isang Celestina ang pinahintay nya but it was just nothing. Kasi baka nagtext tapos hindi ko napansin, diba? Sayang ng effort niya diba kung hindi ko mabasa agad.
At isa isang beses lang naman akong naghintay tapos hindi na.
I am not explaining, i just shared something. You know, skl.
I typed my reply at mabilis na sinend ito. I even changed my phone into airplane mode para wala talagang disturbo.
To: Fayeeeeee
NO.
11 pm when we decided to go home kasi yun din naman ang closing time ng cafe. At dahil friday ngayon so its okay to stay up late. It's been a week since my father's flight abroad and almost two weeks na din having no word from Villacarte. Not that I'm waiting for him at isa pa ito din naman ang sinasabi ko, it's just a game for him so it's better to not be attached over something that is just temporary.
Dahil wala din naman akong kotse ay naghihintay ako ngayon ng taxi. One of my blockmates has a car but she is going to the opposite direction at sobrang layo pa ng sa kanila kaya naman I insist na hindi nalang nila ako ihatid. Isa pa, sanay naman akong umuwi ng mag-isa.
"Ah shit!" daing ko ng ilang beses na akong kinagat ng lamok
Napangiwi na din ako sa kaisipang hindi ako makakauwi agad. Sino bang nagsabing sanay akong mag-isa? Taena, 11pm pa pero pinairal ko pa rin ang pride ko.
HUHU! Ang limitado pa ng sasakyan. Kainis.
Napaatras ako ng may kotseng tumigil sa harap ko. Bumaba din ang window ng passenger seat at biglang may dumungaw dun galing sa driver's seat.
"Wampipti? "
Naparolyo ang mata ko ng makita ang taong iyon. He was all smiles pero kabaliktaran nito ang mukha ko.
"What do you think of me a cheap girl?" tanong ko at umalis doon sa gilid para maghanap ng taxi.
I heard the slam of the car's door at naramdaman ko na lang ang paglapit nya sa akin.
"It's late." wika nya na hindi ko naman pinansin
"Are you going home? I can take you home, besshy" ngiting wika nito na tinapat pa ang mukha nya sa akin
"You're drunk." maikling sagot ko
I didn't smell a bit of alcohol on him. Sinabi ko lang iyon dahil ayaw ko sa ideyang ihatid nya ako. I'm not her girlfriend and we are not even friends.
"What? Hindi ako uminom ah, i just went to a bar with my friends pero hindi ako uninom." depensa nya sa sarili niya sabay amoy sa bibig at damit.
Gusto kong matawa sa mukha nya but i didn't. I just remembered him saying "wampipti". Gago lang?
"So ano, hatid na kita?" tanong nya
I ignored him at agad pumara sa taxi. I didn't say a word and so was he. Dumiretso lang ako ng sakay at agad isinarado ang pinto.
The taxi drove slowly at alam kong madali lang kaming makakarating sa unit ko dahil wala namang traffic sa highway.
"Ahh ma'am, nag-away po ba kayo ng boyfriend niyo?" tanong sa akin ni manong driver.
The driver was looking at me through the mirror above him at agad ding tumingin pabalik sa daan.
"Po?" takang tanong ko sa kaniya
"Kasi po kanina pa po yan sumusunod sa atin" sagot ni manonv at agad tinuro ang kotse na nakikita sa side mirror.
Matalas ang pag-iisip ko. I can even remember wahat happened years ago at the exact time lalo na kung may nagawa kang pagkakamali. I bet all the girls are like that kasi ganun din si mama.
That car that the driver was pointing is Villacarte's car. I know. I just know.
Hindi na din ako nag-abala pang sagutin si manong kasi alam kong kapag sasagot ako ay may sasabihin o itatanong ulit siya.
Pagkarating namin sa ibaba ng unit ko ay agad akong nagbayad kay manong. I even walked fastly ng makitang paparating na din ang kotse ni Villacarte. Nang lumiko na ako ay agad akong tumigil at nagtago.
I looked at his car secretly. It stopped for awhile at pagkatapos ay umalis na din kalaunan.
Agad akong humilata sa kama at hindi nag-abala pang magbihid. I can't be bothered dahil exam na namin next week at hindi nga ako makakauwi sa amin bukas so I'll be spending my weekend here at my unit.
Before i could even close my eyes ay muli kong naisip ang phone ko. Bumangon ako at kinuha iyon sa bag. I turned the airplane mode off at naghintay ng ilang saglit bago tumunog ang phone ko.
From: OGAG
Galit ka? Last week was our exam week so I'm quite busy as well as the week before. I'm sorry.
From: OGAG
Kita tayo? When are you free? I heard exam week mo na next week so, Next saturday? G?
Kagat-labi kong pinindto ang message box para makapagreply. After I send it ay agad akong natulog at hindi na hinintay pa kung may reply siya o wala.
To: OGAG
K.

BINABASA MO ANG
Midst of Chaos
Jugendliteratur"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"