"Okay ka lang?"
I'm back to reality when one of my blockmates ask me. I just nod at her for my answer. It's been two days since Drew and I talked at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi nya. Luckily, I'm still able to focus in my studies.
Wow, the way i say it ay para namang nakakadeliryo yung sinabi nya eh hindi naman. There are a lot of boys who told me about dating so hindi na bago sa akin, maganda ako, i know that.
My day seems normal, may mga surprise quiz then naglecture din kami. Kasi national holiday bukas at wala kaming upcoming quizzes or what ay nag-aya ang mga kablockmates kong kumain kami sa labas.
"So ano? G?" tanong sa amin ni Matty
Lahat sila umuo except sa akin. I was thinking of two things, kung sasama ako sa kanila then i could have fun even for a night pero kung hindi naman ay I could use the time to read some notes and books.
"Ano na naman ba yan, Ina! Sama ka na sa amin kasi last time hindi ka sumama sa group study namin kasi gusto mong mapag-isa sa public library." ani ni Matty
"Oo nga, kapag ikaw may tinatagong boylet...." pagsang-ayon din ni George
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nila, it's not that its true but i don't like the way they say it, nagmumukha akong may tinatago eh wala naman.
"Oo na, sasama na." i answered
Kasi may mga sasakyan naman ang sila kaya okay lang kahit malayo ang kakainan namin. The boys waited for us outside sa restroom dahil nag-aayos pa kami. I even hear their grunts kasi wala daw mangyayari sa mukha namin kahit ano pa daw ang gawin namin.
Hello? Hindi nga namin pinapansin ang sobrang tagal nila sa restroom dahil sa pagwawax sa buhok nilang hindi naman nakakagwapo.
At dahil maaga pa ay sinalubong kami ng traffic but buti nalang may sasakyan at hindi kami nakacommute dahil mas nakakastress iyon. Isa pa nakakawala din ng stress kapag may mga kasama ka tapos sobrang ingay din namin sa loob.
Kasi late na kami umalis sa Santo Tomas ay gabi na din kami nakarating sa The Wall. This is really famous in Intramuros at sobrang daming tao kaya naman imbis na magrelax kami pagdating doon ay agad kaming naghanap ng bakanteng lamesa.
Luckily may isang pamilya ang kakatapos lang kumain kaya dali-dali naming inokupa ang lamesa at baka maunahan pa.
"Grabe naiistress na nga ako sa pagbabalance ng debit-credit tapos dito maiistress din ako sa paghahanap ng bakanteng lamesa." daing ni Matty na agad namang kinutungan ni George
"Gaga! You're the one who chose this place!" wika nya na ikinatawa namin
Our group consists of 9 people. Me, George, Matty, Peter, Angela, Jacob, Hilda, Claudia, and Vince. Ako lang ata ang KJ sa kanila pero hindi pa din nila ako malilimutang ayain sa galaan kahit 1 percent lang ang chance na sumama ako. Ganern!
Unlike girls na maraminh kaek-ekan sa buhay at hindi agad makapili ay napagpasiyahan naming sina Peter, Jacob ay Vince ang bumili ng makakain. Kasi naman kung ano yung pinili namin ay yun na yung bibilhin nila unlike kung kami pa yung bibili at baka matagalan kami.
Dahil pusong babae si George ay hindi siya sumama. Pagkaalis nila ay siya namang hanap ng mga kasama ko ng mga Papi. I literally rolled my eyes when they spotted a group of tall guys na agad namang kinawayan ni Angela.

BINABASA MO ANG
Midst of Chaos
Teen Fiction"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"