Gabi na at nandito kami ngayon sa bar ng resort. Maingay sa loob at nakakasilaw din ang lights pero hindi naman bago kasi noon pa ay nasasama na ako kay Faye dahil sa pagbabar niya na ginawang island hopping minsan sa dami ng pupuntahan.
Nauna na kami ni Faye dito habang si Kai naman ay susunod lang daw kasi maliligo pa ulit. Gusto pa nga ni Kai na hintayin namin siya para sabay na kami pero atat na atat na si Faye na pumunta dito.
Nasa may part kami nakaupo kung saan hindi masiyadong marami ang tao. Naghihintay na lang kami dito na ibigay ng waiter yung drinks na inorder ni Faye habang nakaupo na kami sa sofa.
Nakatitig ako ngayon sa mga nagsasayawang grupo ng biglang nagsalita si Faye.
"Ina..." sambit niya, tama lang para marinig ko
"Hmmm?" ani ko
Tumikhim siya at magsasalita na sana ng biglang dumating ang waiter na dala ang bucket na may lamang ice at bottled vodka at iba pang alcoholic drinks. May baso din kasama at snacks.
Kinuha ni Faye ang vodka at binuksan iyoj sabay lagay sa baso. Mabilis niyang nilagok iyon na para bang tubig lang at tumingim sa akin.
Hinawakan nya ang kamay ko at nagsalita, "You know that i love Rafa, Ina. Sobra and when she left us, hindi ko mapigilang magalit at matanong kung bakit siya? Bakit kinuha agad siya sa atin, sa akin."
Napatitig ako sa mata ni Faye at unti-unting napangiti. Hindi ako nagsalita at hinihintay na lamang ang sasabihin niya.
"Will you get angry, Ina?" tanong nya na ikinakunot ng noo ko
"Why would I?" I asked her back
Bakit naman ako magagalit? Isa pa, bakit naman napunta sa akin ang usapan eh nagkukuwento lang siya kanina sa feelings nya kay Rafa.
Napakagat siya sa labi at namula bago ulit naglagay ng vodka sa baso at uminom ulit.
"Praning ka ba, Faye?" hindi ko mapigilang matanong sa kaniya
Kasi naman parang gaga na biglang nagchange topic tapos namula na para bang nahihiya.
"I love someone else now, Ina."
"Tapos?" tanong ko ulit sa kaniya
Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin and then mas nilapit nya pa ang mukha niya kaya mas lumiit ang distansiya naming dalawa.
"Hindi ka magagalit? Kakalimutan ko si Rafa, kakalimutan ko ang feelings ko kay Rafa, Ina." sambit niya
Nilagay ko ang hintuturo ko sa noo niya at tinulak ang mukha nya palayo sa akin. Binuksan ko ang isang bote ng light beer at uminom doon ng konti. Hindi ko tiningnan si Faye pero alam kong nakatitig siya sa akin at naghihintay ng sagot.
" It's your choice to love someone else, Faye. Isa pa, hindi mo naman kakalimutan si Rafa. Binubuksan mo lang ang puso mo para magmahal ulit. Ilang taon mo ding kinulong ang sarili mo, Faye kaya naman masaya akong magmamahal ka na ulit." wika ko at ilang segundo lang ang nagdaan ay agad kong naramdaman ang yakap niya sa akin
" Thank you, Ina. Thank you." wika niya
Uminom ulit ako sa bote bago nagsalita uli," Hindi naman ako iyong mumultuhin ni Rafa kundi ikaw."
Agad napalayo si Faye sa akin at tinulak ako ng mahina. "Ina naman ehhh" sambit niya na ikinatawa ko
Uminom lang kami at kumakain at maya-maya naman ay dumating na din si Kai. Kita kong napaayos si Faye ng upo kaya napaubo ako ng wala sa oras.
"Si Kai?" tanong ko na mas lalong ikinapula ng mukha ni Faye
"Anong tinusok niyan sayo ay diyan ka nahulog?" tanong ko ulit
Nanlaki ang mata ni Faye at hinampas ako ng pagkalakas-lakas kaya naman napangiwi ako sa sakit.
"Fuck?" wika ko
"Bastos mo, Ina." ani niya pero hindi na din dinugtungan pa dahil nakalapit na din sa amin si Kai
"Anong nakakabastos doon?" tanong ko sa sarili ko
Ilang bote din ang ininom namin pero mas marami ang kay Faye. Naglilimit din ako kasi ayaw kong mablack-out dito at si Kai naman ay isang bote lang dahil siya din naman daw ang magbibitbit sa amin pabalik sa room.
Hindi ko alam kung anong oras na kami umalis doon basta ang naalala ko na lang ay ang pagkapit ko sa braso ni Kai habang nakapasan naman sa likod niya si Faye na tumatawa-tawa.
Nagising na lamang ako na pinapagitnaan nilang dalawa. Nakayakap si Faye sa akin habang si Kai naman ay kulang nalang ay mahulog dahil dumidistansiya kaya naman ay tinanggal ko ang pagkakayap ni Faye sa akin at bumangon.
Hindi sila natinag na dalawa kaya ng nakatayo na ay tinulak ko kaunti si Kai para hindi mahulog at agad ding kumuha ng tuwalya para maligo. Nagpadeliver lang din ako ng breakfast meal sa room para pagkagising nila ay diretso na kami sa pagkain dahil alam kung puyat yan at samahan pa ng hangover ni Faye.
Naglalagay ako ng powder sa mukha ng bigla ko na lang iyon nabitawan dahil sa sigaw ni Faye. Buti na lang at nasalo ko kaya naman ay magkasalubong ang kilay kong lumingon sa kama.
"Kay aga-aga Faye." sambit ko
Napabangon si Faye habang si Kai naman ay tumalikod at bumalik sa pagtulog.
"K-kasi naman na-nagulat ako sa mukha ni Kai." sagot niya
"Bakit? Bumilis ba ang tibok ng puso mo?" ngising tanong ko na ikinapula niya
"Gaga." sambit niya at umalis sa kama at dali-daling pumuntang banyo
Nasa banyo pa si Faye ng dumating ang pagkain kaya naman ginising ko na din si Kai para maghanda na.
Umuwi na din kami ng time na sa pag-out namin sa room. Una akong hinatid nila sa unit tapos ay umalis na din ang sasakyan ni Kai kasi ihahatid pa niya si Faye.
Kanina sa sasakyan ay nagpaplano na naman ulit si Faye para sa next galaan daw naming tatlo na agad din namang kinontra ni Kai. Kasi nga busy sa work at ganoon din naman ako at isa pa magastos. Hindi pa nga ako nakakalabas ng kotse ni Kai ay nagkikwentahan na sila sa naging gastos nila noon hanggang ngayon.
"Hoy, ako nga nag-aaya Kai pero gumagastos din ako. Sino yung gumastos sa karaoke natin noong college? Diba ako?"
"Ang liit lang nong gastos mo eh ako ang gumastos sa kain natin noon." depensa din ni Kai
Ewan ko sa dalawang to at hindi matigil-tigil. Kaya naman ay pumagitna na lang ako sa kanilang dalawa at bago pa sumabog sila dito sa loob.
"Magpapabayad ka Faye?" tanong ko
"Hindi, Ina.." sagot niya
"Ikaw, Kai? Magpapabayad ka?" tanong ko naman sa kaibigan kong isa
"Hindi naman, Ina." sagot niya sa mahinang boses
"Yan naman pala kaya tumahimik kayong dalawa kasi ilang oras lang ako nakatulog kanina at mas lalo akong naiirita sa boses niyong dalawa." sambit ko sa mahinahong boses
Agad din namang tumahimik pero alam kong sa oras na lalabas na ako sa kotse ay mag-aaway na naman sila.
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong humiga sa kama ko na tila ba ay tinatawag ako ng higaan kaya naman mabilis akong inantok at nakatulog.
Messenger:
Al
I'm in Madrid now tapos next destination namin sa puso mo na. HAHAHAHHA pwing pwing👉❤️, kilig ka naman? 😂
BINABASA MO ANG
Midst of Chaos
Teen Fiction"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"