Mabilis ang takbo ko habang papunta sa classroom ko. It's already 9:25 am and in 5 minutes ay magsisimula na ang Accounting Class ko.Dala-dala ko pa ang bagong bili kong columnar sa tindahang ni Aling Tina. Buti nalang ay may tatlo pa siyang sheet na natitira kaya naman ay nakabili pa ako.
Pagpakapasok ko ay agad akong pumuwesto sa usual kong upuan. Sa harap ng professor. Mas nagsisipag kasi ako kapag dito at isa pa, iwas din sa mga tanong ng mga kaklase lalo na kapag nagsisimula na ang exam.
Nakita kong dumungaw si Faye sa bintana at nang makita ako ay walang sabi-sabing pumasok. My other classmates even greeted her but she just waved her hand.
"Ang tagal mo ha" wika ni Faye nang nakalapit na siya sa akin
She's a business ad student at hindi na nakakapagtaka na makita ko siyang dumadaan sa hallway ng room ko. Pero hindi din naman ako magtataka kung umaabot pa siya sa ibang building ng schools dahil kahit gaano pa kalaki ang Santo Tomas ay maliit lang ito kung ikukumpara sa social circle ni Faye.
"Late akong nagising, tinapos ko pa kasing basahin yung pinabasa ni Attorney sa law sub" sagot ko sabay ayos ng columnar sa desk, nagusot ko kasi sa pagmamadali
"I know that you don't have a class tomorrow kasi Saturday. I know your sched, and of course Sunday kinabukasan" paninimula niya
"I don't have time for that, Faye" pagputol ko sakaniya
"I won't accept a No from you, Ina. You are already at the last year of your college course and I want you to atleast enjoy your student life even just for once" panenermon niya
Tiningnan ko ang relo ko at nakitang may dalawang minuto pang natitira bago mag 9:30.
"I'm busy studying, Faye. I don't really have a time for that. At isa pa, ito na ang student life ko. Don't worry babawi ako kapag may trabaho na ako" sabi ko nalang para matigil siya
"No-no. I'll be fetching you at your unit tonight at 8 pm-ah no 7:00 pm. Maligo ka muna, I'll be bringing some clothes for you!" masayang wika niya at agad ding lumabas
Bahala nga siya. Ewan ko lang kung mapilit niya ako kung makita niyang sobrang busy ko sa pag-aaral. I'm not that smart kaya kailangan ko talagang magbasa ng magbasa hanggang aa maintindihan ko na ang mga konsepto.
Dahil vacant ko na ang 12:00 to 2:00 ay nagpasiya akong lumabas ng school at pumunta sa malapit na cafe.
I just ordered my usual coffee drink at sandwich. I am waiting na tawagin ang pangalan ko kaya naman habang naghihintay ay nilabas ko ang pinakapaborito kong libro, Auditing. Uggh!
Kahit nagpapaturo na ako sa iba ko pang kaklase ay may mga bagay pa din akong hindi maiintindihan.
"Ina!" tawag ng staff ng cafe kaya naman tumayo ako at kinuha ang inorder ko
Malapit na ang 1:30 nang nagpasiya akong tumayo at umalis na doon.
This is my usual routine for 3 years. At ito din ang gagawin ko sa natitirang isang taon.
5:30 natapos ang last sub ko kaya after nun ay dumiretso ako sa unit dala ang binili kong pagkain.
For now, mas mabuti ang bumili nalang keysa sa pagluto dahil mas may oras pa ako para magbasa ng mga notes.
This is one of the days na wala kaming gagawin buong weekend but I didn't take it for granted. It is better that i use it to read some books. This
isn't a time to slack-off.Habang kumakain ay narinig kong tumunog ang phone ko kaya naman ay tumayo ako at pumunta sa sala.
Nakita kong nagtext si Mama sa akin kaya naman ay binasa ko ito habang pabalik ako sa kusina.

BINABASA MO ANG
Midst of Chaos
Fiksi Remaja"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"