Kumakain kami ngayon ng hapunan sa bahay. Kai, Faye, and Al are still here with us pero hindi na kumain pa at nanonood na lang ng palabas sa television namin. They said na kumain na daw sila kanina pa habang nagpaplano sa surprise ni Al na mukhang siya pa ang nasurprise ng wala sa oras.
They were laughing kasi naman Faye is taking a video of Al while he is putting a cold compress on his eye.
"Kumusta ang laban kanina tol? Napasubo ba?" tanong ni Faye habang si Kai naman ay hindi na din mapigilan na mapatawa kaunti kasi si Al, kitang-kita na iritang-irita na kay Faye
"Ihampas ko kaya sayo ang ice at ng malaman mo." wika ni Al sa maliit na boses pero dinig din naman namin
Papa laughed a little habang si mama naman ay naawang nakatingin kay Al.
"Nanliligaw ka pa lang iho, paano nalang kung naging girlfriend mo na ang anak ko." sabi ni Mama
Napaubo naman si Al habang ako naman ay napatingin kay Mama. "Ma naman..."
"Malalaman po natin yan kung sasagutin po ako ni Z." sabi ni Al na kagat ang labi at mukhang pinipigilan pang ngumiti
"Kinilig ka naman tol. Namumula ka pa, mukha ka tuloy nirevamped na mascot ng Food panda kaya lang, isang mata lang yung may itim. HAHAHHAHA" sabi ni Faye na ikinatawa ko
Mas lalong kumunot ang noo ni Al sabay sabing, "Isa lang. Isang sapak lang, payagan mo na ako Kai."
Hindi ko mapigilang tumawa tuloy, si Mama at Papa naman ay naaawa na natatawa ding umalis sa kusina para pumunta na sa kwarto.
Ako naman ay naghugas na din ng pinagkainan at tumabi din kay Kai kaya naman ay pinapagitnaan namin siya ni Faye habang si Al naman ay nakaupo sa pang-isahang upuan na salubong ang kilay na nakatitig sa TV.
"Saan tayo bukas, Ina?" tanong ni Faye sa akin
Napatingin din si Al at agad namang tumayo at sumiksik sa gitna namin ni Kai kaya naman mas lalong sumikip sa dito sa sofa.
"Bro, di ko alam gusto mo palang umupo sa hita ko!" wika ni Kai na pilit na binibigyan ng space si Al
"Thanks bro." ngising sagot naman ni Al ng makaupo na
"Ano ba yan, tumabi pa, akala mo naman kakasya-ah! Sorry po Mr. Panda. Alis na tayo dito Kai, kasi sabi ng Animal Association ba yon, na dapat ay hindi natin binibigyan ng stress at dapat nating alagaan ang mga hayop."
Agad namang tumayo si Al na siya din namang mabilis na takbo ni Faye. Mas lalo tuloy natawa si Faye ng makitang hinabol siya ni Al pero wala na ang ice pack sa mata kaya kitang-kita ang itim na pasa niya.
Naawa ako kasi ako yung may kasalanan pero hindi naman napigilan ang matawa dahil natumba si Faye at mukhang hindi naman agad nakareact si Al kaya naman ay natalisod siya kaya silang dalawa ngayon ang nasa sahig.
Hindi ko alam kung anong oras na sila umuwi. Ang alam ko lang ay nakangiti akong nakahiga habang nakatitig sa kisame.
Takte! Nililigawan pa lang ako, ganito na ako kasaya. Paano kaya kung sasagutin ko na? Natawa na lang ako bigla pero agad din namang tumigil. Natatakot ako. Na baka sa oras na sabihin kung, oo, ay iba na pala ang gusto niya.
Nakakatakot magmahal ulit. Nakakatakot maiwan. Nakakatakot masaktan at madurog uli ang puso.
Pinikit ko ang mata ko at pilit na kinalimutan ang naisip ng biglang tumunog ang phone ko.
Nakita ko ang caller ID sa phone at hindi ko maiwasang kabahan.
I swipe the screen to accept the call and put it in my ear.
"Hello?" panimula ko
"Just got home, Z." wika nya sa kabilang linya
"Nakita ba ni Tita ang mata mo?" tanong ko
Hindi ko alam kung bakit pero baka dahil sa alam kong may pagtingin siya sa akin kaya parang ang awkward naming dalawa. Kasi noon naman ay ang gaan namin sa isa't-isa at hindi nagpapatalo sa usapan.
"Nope, tulog na sila pagkadating ko kaya naman ay diretso na ako sa kwarto." sagot niya
"Ahh.." sambit ko
Sobrang tahimik sa pagitan naming dalawa. Hindi siya nagsalita at wala din naman akong ibang sasabihin hanggang sa marinig ko ang mahinang kaluskos sa kabilang linya at ang tinig ng pagbukas ng pinto.
"Al?"
"Wait lang Ina, I'm going to end this call." sambit niya
"Okay" sagot ko at sunod kong narinig ay ang pagputol ng tawag
Patagilid akong humiga at nakatitig sa wallpaper ng phone ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kung bakit. Siguro ay may gagawin pa siyang importante kaya pinutol nya yung tawag. O baka naiisip niyang ang boring ko. Siguro ayaw na niya. Pangit din naman akong kabonding kagaya noon.
Kung saan-saan na lumilipad ang isip ko at alam kong ako din naman ang dahilan kung bakit mas lalo akong natatakot. Duwag ako. Duwag akong magmahal kasi takot akong masaktan. Takot akong magbukas ulit lahat ng sugat na nahilom ko na.
Pero kung si Al iyon, hindi naman nya ako sasaktan diba? Hindi naman siguro magbabago bigla-bigla yung nararamdaman nya sa akin?
Parang ang saya ko pa kanina pero ngayon bigla nalang nawala ng parang bula at napalitan ng naghahalong emosyon. Tumingin ulit ako sa phone ko at huminga ng malalim.
"Mawawala din to" sambit ko sa sarili ko
Minutes later, my phone rang at tamad kong binuksan ang phone ko at tiningnan kung sino iyon.. My eyes widened when I saw the name of the caller and I immediately answered the call.
"Can you go out?"
I ran downstairs and opened our door.. Nakapaa pa akong tumakbo papuntang gate at pagkalabas ay kita ko siya doon na nakasandal sa gilid.
He straightened and smiled at me before he started walking towards me. Stiff lang ako, hindi alam kung anong sasabihin.
"I just want to see you, Z."
"Al? Bakit ka-?" tanong ko
Ginulo nya ang buhok nya at ngumuso, "Panira kasi ng mood iyang kaibigan mong pinaglihi sa lamok-"
Hindi na nagawang tapusin ni Al ang sasabihin nya kasi agad ko na siyang niyakap. Hindi ko na nagawang pigilan at bigla nalang akong napaiyak. My heart melted when I saw him here. And my doubts are now gone.
"Z? Are you- umiiyak ka ba?" tanong nya at agad akong hinarap
Hindi ko kayang ipakita sa kaniya ang mukha ko. Umiyak pa ako. Mas lalo akong papangit.
"Z? Can I see your face? Where does it hurt?" tanong nya
"Takot lang ako..."
Tatlong salita lang iyon. Tatlong salita pero sanhi ng pagbuhos naman ulit ng luha ko.
"F'ck" sambit nya at niyakap ako ulit, mas mahigpit
"I'm sorry. I'm sorry Z if I made you scared. I don't know if what I think is the right reason but I just want you to know that I am really happy when you said that I can court you. I've waited for you for years, simula pagkabata gusto na kita." panimula niya
"When I entered college and it was planned na sa Cebu ako, natakot ako. Kasi baka may iba kang magustuhan, baka makalimutan mo ako, baka mahuli na ako. And it happened, when I knew that you were falling in love with someone else, my world shattered. But I was happy
for you. I love you Z. Your happiness is my happiness."Nakapatong ang ulo ko sa balikat nya habang sinasabi nya iyon. His arms tightened and and I let him hug me more.
"And now na may pag-asa na ako, hindi kita bibitawan Z. Malabong bitawan kita kaya mukhang doon ka ata matakot." wika nya na sinamahan nya ng tawa
And that moment, I felt secured. And in that moment I knew, the doubts that have been ringing in my head and in my heart are starting to fade away.
"Al... I love you too." bulong ko

BINABASA MO ANG
Midst of Chaos
Teen Fiction"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"