The buzz sound filled the Araneta as the basketball game between UP and UE was officially finished. One side of rhe audiences shouted happily as they threw in the air their university banner while the other side left early after they congratulated the winner of the game.
That's normal. In a game, sometimes you win and sometimes you lose.
"UP Fighting Maroons finished the game with the score 137-135!"
I saw them carrying their player with their arms as they shouted in glee. I think that man gave the last shot which leads them in winning. Drew is smiling so widely, mukhang bumalik na ata ang hqppy mood nya.
I stood up, ready to leave when someone grab my arm.
"Hey, saan ka?" tanong nya sa akin
"Uhh? Aalis na?" sagot ko na mukha ding nagtatanong
"What?! Wait, magbibihis lang ako then I'll take you home" sagot nya at agad tumalikod
Hindi pa siya nakakalayo sa akin ng tinawag ko ulit siya, "Drew!"
He was about to look at me ng may dumating na mga journalist ata, interviewing him. Napabuntong-hininga ako at bumalik na lang sa upuan. I don't want him to take me home but i don't want either to go now without telling him.
Isa pa, they're the winning team so probably there would be some kind of celebration and i don't want to bother him by taking me home.
The interview lasted for minutes at ngayon ay papalapit na ulit sa akin si Drew. Tumayo ako at sinalubong siya, "You don't need to take me home, Drew. I know there would be some celebration so better to be with them" wika ko sa kaniya
Ngayon ko lang napansin na bitbit na pala nya ang duffel bag nya na mukhang kinuha nya ata kanina ng hindi ko pansin.
"Drew, same place daw sabi ni coach!"
Napatingin kami sa isang player na mukhang yan ata ang team captain nila nang magsalita iyon. Lumipat sa akin ang tingin ng captain nila bago bumalik kay Drew.
Ngumisi ito ng malaki bago sumigaw, "Wow men! May girlfriend na ang utol natin kaya pala sobrang seryoso sa practice at nagpapakitang-gilas pala!"
Lumipat nadin ang tingin ng buong team ata nila sa gawi namin bago kinantiyawan si Drew. Napapakamot pa siya sa ulo na tila ba ay nahihiya.
"Siraulo" bulong ko
"Uy, siraulo ka daw HAHAHAHA" wika ni Drew sabag turo sa team captain nya
Agad nanlaki ang mata ko dahil napagtanto ko na narinig pala ni Drew ang sinabi ko kaya naman mabilis ko siyang nabatukan kaya napatigil siya sa pagtawa.
"Araykupo! Dehado ata ang bossing natin" natatawang wika ng isang teammate niya na ikinatawa din ng iba
Nahihiya ko siyang hinila palabas. Wala akong pake kung hindi pa siya nakapagbihis eh kasi pwede din naman sa sasakyan nalang nya. I just want now is to leave kasi nakakahiya ang sinabi ko kanina. Mabait pa naman ata ang Team Captain nila.
Nang nakalabas na kami ay dun ko na lanh rin binitawan ang kamay ni Drew. Pagtingin ko sa kaniya ay sobrang laki ng ngisi nya na ikinakunot ng noo ko. Ano na naman ang nginingisi-ngisi nito?

BINABASA MO ANG
Midst of Chaos
Teen Fiction"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"