"Let's talk"
Sh't! Kanina pa paulit-ulit yang two words na yan sa utak ko. Kahit nasa klase ay hindi pa din ito mawala-wala. Buti nalang ay nakapagfocus pa din naman ako kaya naiintindihan ko pa din yung mga lectures ng professor namin.
Ngayon ay ginugrupo-grupo kami for a certain paperwork to do. Luckily, kagrupo ko si George. Nagkakaintidihan kasi kami kaya hindi malabong madali kaming makagawa ng papers at isa pa, he's very strict kaya alam kong walang procrastination na mangyayari.
We are now in circle ay katabi ko ngayon si George. We are four in a group kasi konti lang kami sa block namin.
George was holding a paper while discussing on what to do. He's now giving task to each on of us. Fast as usual.
"As you always know, I'll be in charge in the overall. The sooner the better, so send me your work and I'll be checking every now and then on all of you" panapos nya
Tumatango-tango lang ako sa bawat sinasabi nya at isa pa wala din naman akong idadagdag o itatanong kaya tahimik lang din ako.
Nang may kumublit sa akin ay agad akong natapatingin sa direksyon kung saan iyon galing. Only to see George wiggling his eyebrows while smiling widely.
I just raised one of my eyebrows at him kasi wala akong ganang magsalita.
"You didn't tell me you had a thing with that hot UP guy!" mahinang pagkakasabi nya pero kulang nalang ay sumigaw sa tenga ko
"We are not a thing" sagot ko naman agad
Ngumiti siya sa akin sabay siko nya sa gilid ko. Tumawa pa siya ng mahina bago ulit nagsalita, "You can't fool me. You are both in each other's Insta Story."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. I know i posted in my story a video of him but it was nothing special, it's just a sort of good luck and on the other hand, I didn't know that i was in his InstaStory. Though I didn't really open my social media account since yesterday kasi I was busy with something.
Pagkatapos ng klase ay mabilis kong kinuha ng phone ko. It's still early so probably his post would still be there.
Mabilis ang mga daliri kong nagclick sa app then i searched his account then clicked his dp. Hindi ko alam pero I unconsciously bite my lower lip ng makita iyon.
It was a video of me, i think this was the time when he took my phone. He smiled first on the camera before he brought it sideways at zinoom ang mukha kong inosenteng nakatingin sa screen sa taas. Nang napatingin ako sa direksiyon nya ay bigla nyang tinigil ang vid pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinabi nya, "Shit, muntik na"
He didn't tag me on it, he just put a gif of a guy holding his heart.
"Ewan ko talaga sayo Drew. Siraulo." bulong ko sa sarili ko
Naglalakad ako ngayon papunta sa malapit na cafe na University. Nakakapagtaka din na maraming ngumingiti sa akin kahit hindi ko kilala, maybe Faye's friends?
Nakasukbit sa isang balikat ko ang bag ko habang akap ko naman ang tatlong makakapal na libro. Galing kasi akong lib at dahil may hiniram akong isang libro doon.
Nasa labas na ako nang natanaw ko si Kai sa loob na nagbabasa. He really is serious when he's wearing his glasses. Nakatukod din ang ulo nya sa likod ng palad habang yung siko ay nakapatong sa sandalan ng upuan.

BINABASA MO ANG
Midst of Chaos
Teen Fiction"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"