Special Chapter: Sebastian Drew Villacarte

114 3 0
                                    




"Shit, badass"

Yan, yan yung una kong nasabi ng makita kitang nakasandal sa kotse. Para akong nababakla sa iyo noon, may pakita sa abs ka pa tapos natatamaan pa yung mukha mo sa ilaw ng poste.

Ang sarap mong kausap Z, sobra. We talked as if we knew each other for a long time and talking to you was much more fun. Hindi ka nauubusan ng salita kapag binabara mo ako at natatawa din ako kapag nagkasalubong na ang mga kilay mo kapag nabubuwisit ka.

Mas lalo akong nahuhulog sa iyo Z. Paano na?

Remember nung sa The Wall sa Intramuros? Nakita na kita nun pagkadating niyo pa lang ng grupo niyo. Sino bang hindi? Eh nakauniform kayong lahat ng pang UST, para kayong nang-eendorse ng school niyo eh ang layo pa ng summer.

Hindi ko nga marinig ang sinabi ng mga kaibigan ko kasi nakapokus na ako sayo nun, tawang-tawa ka pa sa kaibigan mong lalaki. Tae, bakit hindi ka tumatawa sa mga banat ko? Suki ako sa pagkunot ng noo mo at samahan mo pa ng rolling eyes. Ganun ba epekto ng kagwapuhan ko?

Nung gabi na nun, akala ko pa na magiging knight and shining armor na ako sa iyo ng may mangtrip sayo na isang unggoy. Tae, ako pa ata naawa sa lalaki nun ng sinuntok mo sa mukha.

Napaisip ako kapag naging tayo, magiging battered husband ba ako? Huhu, wag naman sana.

When you agreed to wear my jersey, I was so fcking happy. Ewan, ganoon nalang talaga ang epekto mo sa akin. When the game started, i looked at you but you were busy glaring at those girls at your back. Siguro naiirita ka sa kanila. Akala ko pa naman na sasabihan mo ako ng Goodluck bago ang laro pero sige nalang, hahahaha masaya na ako na nanonood ka.

I am at my happiest when I'm with you. Akala ko okay na. Ang smooth na ng buhay ko but then I forgot that my life was not mine to begin with. It was my father's. I want to introduce you to them on that night, Z.

Gusto kong sabihin na eto na, nakita ko na ang babaeng gugustuhin kong makasama sa buhay ko. Ang babaeng mahal at mas lalong mamahalin ko. Gusto kong ipagsigawan sa ama ko na mahal kita at I want to beg him so much na this time, puwedeng ako naman ang pipili sa gusto ko.

Isa pa, i want to surprise you but it ended up that we're both surprised by what happened right after. I was too shocked that I forgot that you were there, and that's my fault.

I hurted you. I want to explain but my thoughts were clouding in my mind that I don't know what to say anymore.

Never in my life that I knelt in front of someone, even in front of my father. But I did. Nagmakaawa akong itigil ang engagement at sinabi kong may mahal na ako. My mom cried, my sister cried, and my brother, even how composed he was, he shouted at my father.

Ang hirap pala Z, ang hirap kung buong buhay mo pinaparealize sa iyo ng papa mo na nabuhay ako dahil sa kaniya. Hindi ko naman ginustong mabuhay Z. They had an affair, I was the result of their affair pero bakit parang kasalanan ko pa? Bakit ako pa yung nahihirapan?

I left the country and in those years, I am still in love with you. And in those years, I was hoping na you were too even if it's impossible. I left you with a broken heart and how could i hope for you to still love me? But still I'm hoping. I'm hoping even if its wrong for me to.

I remembered how nervous I was when I scrolled on my PC habang hinahanap ang pangalan mo. I was in my office that time at hindi ko mapigilan mapasuntok sa hangin noon ng makita ko ang pangalan mo sa list ng LECPA passers. Napasigaw pa ako ng parang babae kaya naman biglang napapasok ang secretary ko.

"Sir? Is there a problem?"

"No... Nothing. i watched a video and it was too late to know that the volume is in maximum. Sorry, just continue your.... work."

3 years. 3 years and i saw you again on the same place where we first met. That time I realized na ikaw pa din pero ang tanong, ako pa din ba kaya? pero ang labo na, sobra.

I brought you in my unit when you collapsed after you drunk a lot of alcoholic drinks. I don't want to and I was about to find Faye para iuwi ka but a thought came into my mind. Kahit ilang oras lang, kahit tulog ka, pwede ba ulit tayong magsama?

Hindi ako nakatulog noon kakaisip kung ano ang magiging reaksiyon mo paggising at kung tama ba ako na dinala kita dito. Kaya naman i contacted my friends asking for Faye's number and luckily one of my friends is acquainted with Faye so I got her number.

I was so nervous back then on how to tell her kaya naman agad kong sinabi, "Z is here"

Oo, wala ng introduction pa, direct to the point agad yung sinabi ko kaya naman hindi na ako magtataka kung iyon agad ang reaksiyon ng kaibigan mo.

"How much? Cash or transfer to your bank account? I can transfer right away, no hindi pala agad. Oh fuck! My head hurts like hell. Lasing ako pero gumagana ng maayos utak ko kaya sabihin mo na. How much money do you want fucker?!"

Oo, yan po. Hindi ako makapagsalita agad ng marinig ko ang sinabi ng kaibigan mo. Kaya hindi ko rin mapigilan mapalunok ng laway bago ako nag explain sa kaniya.

Thankfully, she let me have you for a moment.

"You hurted my best friend real bad, Villacarte. Iniwan mo. Sinaktan mo. You should explain to her everything kasi ayaw kong makita ulit siya at marinig ko ang mga iyak nya."

"Alam kong nasasaktan ka din. I don't know the real story but it is better for the two of you to talk. Talk when both of you are fully ready, but please don't expect for her to love you again."

Z, the moment you looked at me that morning. I knew I had no chance anymore. Yet, I was so indenial. Baka namamalikmata lang ako, baka galit ka lang pero may konti naman siguro. Kahit konti.

Both of us struggled and in pain Z. Hindi lang pala ako ang nahihirapan sa ating dalawa, kundi pareho tayo. My regrets can't do anything with our situation now, because all i can do is to accept whatever it is.

Matagal na pala natapos ang kuwento nating dalawa pero salamat. Salamat dahil minahal mo ako.. Salamat at pinatawad mo ako. Sana sa susunod na mgkikita tayo ay magagawa ko ng tumingin sa mga mata mo na hindi naduduwag at tanging pagkakaibigan nalang kasi sa ngayon ang hirap.

Celestina Z Arellano, UST na ngayon ay CPA na, mahal na mahal na mahal kita.

Midst of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon