"Happy Birthday!" ngiting bati ko sakaniya sabay lapag ng mga bulaklak.
Rafaela Marquez
You will always be remembered.
Siya ang dahilan kung bakit ko pinili ang daan ng pagiging accountant. It's because of her title, engineer, at dahil gusto ko din magkaroon ng ganiyan sa pangalan ko at ayaw ko din naman ng Math kung kaya't pinili ko ang BSA.
Minsan napapatanong nalang akonsa sarili ko, bakit ko ba to pinili? Grabeng pagdudusa naman tong kurso na 'to but still umabot naman sa last year sa college. Ilang kembot nalang at makakamit ko na din ang pangarap ko.
Sinindihan ni Kai ang binili namin na kandila at nagdasal kaming tatlo. Today is her birthday and nandito kaming tatlo para iselebrate ito kasama siya.
"Oh ito, paborito mo" wika ni Faye sabay labas sa shoulder bag nya ng isang soju
Natawa si Kai sa nakita nya, gago talaga tong si Faye pero kapag nandito lang si Rafaela ay siguradong masaya nyang kukunin ang soju tapos iinumin.
Si Rafaela ang nag-udyok sa akin na manood ng K-drama kung kaya't hindi na ako matigil-tigil sa panonood ngayon. At siya din ang rason kung bakit hindi matigil-tigil si Faye sa pagbabar, it was atleast to commemorate her.
Rafaela died 3 years ago, I was on my first year in college that time. We were having fun, the four of us at my apartment ng bigla nalang siyang nawalan ng malay. We were shocked at buti nalang ay nandoon si Kai na agad nakabawi sa nangyari. We immediately brought her to the nearest hospital at doon namin nalaman na may sakit pala siya.
Rafaela had a brain cancer. She never told us, and that was what made me angry. I've seen those symptoms pero sabi nya wala lang daw iyon, dala lang daw ng trabaho.
We were given three months to be with her. I even didn't go to school sometimes para bantayan siya sa hospital. Mas lalo akong nasaktan ng magsimula na siyang manghina, she's strong. Super. Dahil all those years, she kept from us that she's suffering at napaniwala nya kami.
I almost got out from being a dean's lister pero wala akong pakialam doon. She was more important than that.
"Kantahan na natin si Ate,.." ani ni Kai sa amin ni Faye
I didn't know na tahimik lang pala kami ni Faye dito if Kai wasn't here maybe we were both crying and telling her how hurt we are because of her death. Napangiti ako ng mapait bago tumingin kay Kai at tumango.
Seconds later ay kumakanta na din kami ng Birthday Song.
"Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy birthday. Happy birthday. Happy Birthday to you....."
"Bobo mo naman Kai. SS mo naman yang hero mo." malakas na pagkakasabi ni Ate Rafaela kay Kai
They were both in my apartment at maya-maya ay dadating na din si Faye dala ang mga pagkain. They were sitting in my sofa habang yung mga paa ay nakatungtong na din sa sofa. Ilang mura pa ang narinig ko kay Rafa bago ko marinig sa malakas na volume sa phone nila ang, "Defeat"
"Hayst, nakunan na naman ako ng star. Panira, classic nalang tayo. Ang hina mo naman." iritadong wika ni Rafa kay Kai na ngayon ay kakamot-kamot sa ulo
BINABASA MO ANG
Midst of Chaos
Teen Fiction"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"
