V

188 5 0
                                    


"Can I sleep here?"



Napatingin ako kay Kai ng magtanong siya sa akin. He was washing the dishes while i was cleaning the table. Malaki ang ngisi kong tumango sa kaniya.

Instead of saying something ay tumawa siya na ikinatawa ko naman, "Mamaya na kapag nakatulog na dito si Faye" wika pa niya

I could even hear Faye's words, "I should be the second one in your everything except sex and boys of course"

Hindi pa kasi sila nakapagtry na matulog dito dahil may kaniya-kaniya din naman kami na mga unit except Kai na umuuwi sa kanila talaga kasi may kotse naman siya. Faye always wanted to sleep here with me pero every time na nagtatry siya ay may emergency o di kaya ay busy siya kaya hindi natutuloy.

Mga alas diyes na din umuwi si Kai at hindi ko na din siya hinatid sa baba dahil malaki na din naman siya. Nag-ayos muna ako ng mga gamit ko bago ako nagpasiyang matulog na.

I was already at my bed ng tumunog ang phone ko. I took my phone from my side table at tiningnan kung sino ang nagtext only to see his caller ID.


From: OGAG

Good night! Huwag kalimutan ang pagtulog cause sleeping is important lalo na kung ako yung mapapaginipan mo!


Binalik ko na lang din pabalik ang phone sa ibabaw ng side table ko at pumikit. I don't know, I could even blocked his number but I didn't. Isa pa, titigil din naman yan kasi magsasawa din yan kakatext. Boys stop when girls don't give them attention, i think.

Whole week was all lecture but next week ay sunod-sunod na din ang mga exam and quizzes namin and here I am putting my books inside my bag dahil ngayon ako uuwi sa amin.

And because our house is far from my apartment that's why it took 4 hours before I'm finally home.
Agad din naman akong sinalubong ng aso namin. Huhu. Mabuti pa ang aso namin sinasalubong ako.


"THEODORE!" bati ko dito sabay karga


Agad naman akong dinilaan sa mukha ng maliit na aso namin. Isa itong half Shih Tzu at half Japanese Spitz.

"Oh, nandito ka na pala Z!" bati sa akin ni Papa sabay yakap.

"Musta?" tanong ko

"Eto, kinakawawa ng mama mo" malungkot na wika nya sa akin na ikinatawa ko


Pumasok kami sa bahay at agad akong dumiretso sa kwarto para doon ilagay ang gamit ko. Nagbihis din ako ng pambahay bago ako bumaba at nagmano kay Mama na kakaligo lang.


"Buti nalang nandito ka Z. Hindi kasi pumasok sa trabaho si Inday kaya walang magbabantay sa tindahan natin ngayon. Kaya after nating kumain ay diretso ka na doon"


Nalukot ang mukha ko sa sinabi ni Mama, I have a lot of books to read.


"It's just today, Z. You can have all the day tomorrow para magbasa at ihahatid ka naman ng Papa mo" wika ni Mama


Tumango na lang ako imbis na magsalita pa dahil kapag may narinig si mama na isang salitanh ayaw niya. Aw Patay tayo diyan. Isa pa, hindi naman parati may bibili sa tindahan so okay lang.

It's already 1 pm when i started to look out for our store. I brought my books with me para hindi naman ako masyadong mabored dito. My parents were out dahil may pupuntahan daw silang importante.

I was about to open my book when someone called out to buy. Napasimangot ako ng makita ang pera ng bata. Piso beh, piso!


"Anong sayo, boy?" I asked

Midst of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon