"U! - NIBERSIDAD NG PILIPINAS! U! - NIBERSIDAD NG PILIPINAS! U! - NIBERSIDAD NG PILIPINAS!"
Loud chants from UP students filled the Araneta Coliseum and on the other hand, chants from UE can also be heard. Drums keeps on rolling as the game was about to begin.
Sa lahat ata na nakatayo dito ay ako lang ang nakaupo. Sobrang ingay na tipong gusto mong takpan ang tenga mo pero kahit takpan ay hindi naman maiibsan ang lakas ng sigaw nila.
Bakit nga ba ako nandito? Ah-I remember! Someone messed with my schedule for today because he wants me to see how he play the game.
Today is freaking Wednesday, but i don't have classes for today kasi we just passed some paperworks this morning kaya okay na at imbis nasa unit ako ngayon to rest and enjoy no classes ay nandito ako sa Coliseum. I even wore a jersey para daw mafeel nya na sinusuportahan ko siya ng todo. Wow! He just grab me from my unit, pinilit nya ako dito then how would i enjoy?
"Ah, shit" mahinang bulong ko ng mas lumakas pa lalo ang mga sigaw nila dito
Lumabas na kasi ang mga basketball players ng UE kasi sila ang unang tinawag, they jog patungo sa puwesto nila sabay kaway sa mga audience. May isa pa ngang nagflying-kiss, eww.
"AHHHH SHEEEEYT! That's the team captain of UE, sobrang gwapo. Yung panty koooo!" sigaw ng babae sa likod ko
"Hoy, sa UP tayo bes!" sigaw din ng babae na mukhang kaibigan nya ata
"OO ALAM KO PERO PAKIKUHA NG PANTY KO MUNA, UGGGH!"
Iritado akong tumingin sa likuran ko para sana patahimikin siya pero dahil mukhang wala naman ata siyang pakialam kahit maraming nakarinig sa sinabi nyang nahulog ang panty nya daw kaya hindi ko nalang siya pagtutuunan ng pansin.
Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa harap ng makitang may panyo sa paanan ng babae kaya naman kahit medyo mahirap ay kinuha ko ito.
"Hey, miss." tawag ko sa kaniya
Tiningnan nya ako at tinaasan ng kilay kaya naman tinaasan ko din siya ng natural ko na kilay.
"Panty mo nalaglag, pakikuha" sabay bigay ko sa panyo nya nalaglag siguro kanina.
Nanlaki ang mata nya at mukhang napahiya ng tumawa na din ang ibang estudyante sa paligid namin. Mabilis nyang kinuha ang panyo at uminom ng tubig na dala nya.
He should have asked me where I wanted to seat kasi kung papipiliin ay doon ako sa labas uupo kasi wala akong ganang manood ng game nya dito.
"Tsk. Hindi ka din naman magugustuhan ni Kuya Seb. Nagpagawa pa talaga ng jersey. Eww."
Ako pa ata ang pinaparinggan niya. Gusto kong patulan pero hindi nalang, sa isang catholic school pa naman ako nag-aaral at isa pa kapag pinatulan ko siya ay siguradong mapapahiya siya ulit. Kaya wag nalang.
This isn't even fake. This is Drew's jersey for goodness sake. Ang effort ko naman kung papagawa pa ako ng jersey para sa lalaking pinilit lang ako dito para daw may magcheer sa kaniya kasi wala daw siyang fans. Hah! Walang fans! Eh kung ipukpuk ko sa ulo nya ang mga banner ng mga babae dito.
"Let's welcome the UP Fighting Maroons!"
In their black sweater and red jersey shorts ay mabilis na tumakbo sa gitna ang mga basketball players ng UP. Nakita ko pa si Drew na nakikipag-apiran sa ibang players sa team nya. Tsk, para namang hindi sila nag-uusap kanina. Pambihira.

BINABASA MO ANG
Midst of Chaos
Teen Fiction"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"